Cenomar After Annulment

Bonjour!  Mabuhay!

One of the most commonly asked questions regarding CENOMAR (or Certificate of No Marriage or Certificate of Singleness) is:  What appears on the CENOMAR if the owner has had his previous marriage annulled?

Let us find out.

According to the Philippine Statistics Authority (PSA), a CENOMAR is a certificate issued by the NSO stating that a person HAS NOT contracted any marriage.  It is also referred to as Certificate of No Record of Marriage or Certificate of Singleness.

Ang taong hindi pa nakasal kahit kalian ay mabibigyan ng CENOMAR at doon makikita na sya nga ay single pa.  Ito ang proof na hindi pa sya nakasal.  Para sa mga nakasal na, ang details ng kanilang kasal ay makikita din sa kanilang CENOMAR – katunayan na hindi na sila “single”.

Hindi naman kasama ang CENOMAR sa mga documentary requirements ng pagkuha ng marriage license o sa pagpapakasal.  However, meron nang mga ilang LCR offices na nanghihingi ng kopya nito bago ma-process ang application for marriage license ng mga gustong magpakasal; ganun din ang mga parish kung saan balak magpakasal ng mga applicant.

According to www.verifiedph.com, kung annulled ang previous marriage, ang lalabas sa CENOMAR later on would be the details of his previous marriage (including the name of the spouse and the date of marriage).  Kung annulled na ang nasabing kasal, magkakaroon din ng annotation sa kopya ng CENOMAR pertaining to the annulment.

Ang hindi mangyayari ay ang makakuha pang muli ang taong ito ng malinis na CENOMAR na magsasabing hindi pa sya nakasal.

If you have a previous marriage and have gotten it annulled and are now planning on settling down with a different person, mabuting mag request ka na ng kopya ng CENOMAR mo six months before your planned wedding.  Pwede kang mag order online through www.nsohelpline.com or call (02) 737-1111 and have a copy delivered to you.  Kahit hindi ito required, mas mabuting sigurado ka na tama at accurate ang mga details and annotations na nakalagay sa iyong CENOMAR.  Do not wait until the last minute to fix any oversights or have the CENOMAR updated.

I hope these information helped.  Sharing is caring!