Marriage License Requirements Exemption

Bonjour!  Mabuhay!

A marriage may only be officiated after all the documentary requirements have been satisfied by the couple to be married.  Most important is the Marriage License granted by the Local Civil Registry.  There are, however, special cases when Marriage License requirements are waived or the marrying couple is exempted from executing the said requirements.

Kailan nangyayari ang exemption?  Let us find out:

a. MARRIAGES IN ARTICULO MORTIS

Ang ibig sabihin ng Articulo Mortis ay “at the point of death” o “sa bingit ng kamatayan”.  According to Article 27 of the Family Code, kung ang bride o groom ay nasa bingit ng kamatayan, ang kasal ay maaaring ma-officiate kahit na walang marriage license.  The marriage will remain valid even if the party in “articulo mortis” eventually recovers and survives.

Bukod sa Judge, ang kasal ay maaaring ma-officiate ng Ship Captain, Airplane Pilot, or Military Commander.

Kung ang magkasintahan ay nasa barko o eroplano, maaaring idaos ang kasal habang naglalayag ang barko o in flight ang eroplano o kapag naka stopover ang mga sasakyan.  Ang Military Commander naman ay may authority to solemnize a Marriage in Articulo Mortis sa loob ng military operation zone.  Maaari syang magkasal ng mga miyembro ng military o mga civilian.

b. NO MEANS OF TRANSPORTATION

If both parties are unable to personally appear before a local civil registrar because their places of residence are remote and do not have means of transportation, they can get married without the need to execute a marriage license.  This is in consideration of the fact that there are still areas in the Philippines that lack access to transportation.

Take note na ito ay applicable lamang kung ang dalawang ikakasal ay parehong nakatira sa liblib o malayong lugar at walang access o paraan para makarating sa office ng LCR.  Kung ang isa sa kanila ay may paraan para makarating sa LCR office, hindi maaaring i-apply sa kanila ang exemption na ito.

In addition, kahit na pareho silang walang access sa transportation ngunit ang office of the LCR ay maaari naman nilang lakarin mula sa kanilang bahay (3 to 5 kilometers), kailangan pa din nilang kumuha ng marriage license.

Duty of Solemnizing Officer

With respect to Articles 27 and 28, ang Solemnizing Officer ay kinakailangang mag execute ng affidavit na nagsasabing:

The marriage was performed in Articulo Mortis (Article 27) or that the residence of either party, specifying the barrio or barangay, is so located that there is no means of transportation to enable such party to appear personally before the local civil registrar and that the officer took the necessary steps to ascertain the ages and relationship of the contracting parties in the absence of legal impediment to the marriage.

Kailangang mai-submit ng solemnizing officer ang mga sumusunod na documents sa LCR ng municipality kung saan naidaos ang kasal, thirty days after the performance of the marriage:

  • Original copy of the above affidavit
  • Legible copy of the marriage contract

c. MARRIAGES AMONG MUSLIMS AND MEMBERS OF ETHNIC COMMUNITIES

Ang kasal ng mga Muslim at iba pang ethnic cultural communities ay exempted na din sa marriage license requirements.  Kinakailangan lamang na ang kasal ay ginawa ayon sa kanilang customs, rites, or practices.  The Family Code recognizes these customs and traditions.

d. FIVE YEARS AND NO LEGAL IMPEDIMENTS

Ang mga magkasintahan na magkasama na sa bahay (“live in”, co-habitants) ng at least five years at walang legal impediments para makapag pakasal (both are single), ay maaari nang magpakasal kahit walang marriage license.

Kailangan lang nilang mag execute ng affidavit stating the foregoing facts.  Ang solemnizing officer na magkakasal sa kanila ay dapat mag execute ng affidavit that he ascertained the qualifications of the contracting parties at walang legal impediments ang kanilang kasal.

Kahit hindi na kailangan ng marriage license, it is still best that you secure a copy of your and your partner’s CENOMAR, just to be sure.  For your privacy and convenience, pwede kang mag order online and pay online as well.  Just logon to www.nsohelpline.com. Sila na din ang magdedeliver sa iyo.  You can also call (02) 737-1111 for CENOMAR orders and deliveries.

Sharing is caring!