A Certificate of No Marriage Record (CENOMAR) from the National Statistics Office (NSO) is simply what its name implies. It is a certification issued by the NSO stating that a person has not contracted any marriage. Also called a certificate of No Record of Marriage or Certificate of Singleness.
In legal definitions for interpersonal status, a single person is someone who has never been married. A person who was previously married and was divorced or widowed is usually considered an “unmarried” person. If a marriage is annulled, however, or it is found to have been void ab initio (i.e. not valid in law to start with), and assuming the person was not married previously, that individual is single, rather than unmarried.
Second wife ako ng asawa ko. Nagpakasal kami at kalaunan ko lang nalaman na may 1st family na pala sya after ilang years na lumitaw ung ex nia at mga anak nila, pero hindi naman daw sila kasal ayon sa asawa ko. Naghahabol ang first asawa sa nalalapit na pension ng asawa ko. Kumuha ako ng marriage certificate ng asawa ko at yun dalawa ang lumabas na name. Pangalan ko at pangalan ng ex nia. Ang nakalagay sa marriage certificate. Ako ang number 1, year 1998 at number 2 yung ex year 1990. Bakit ako ang nakalagay na number 1 kung 1998 naman ako. Iniisip naming pineke at nagpalate register yung ex niya kasi may kamag anak na abogado. Alin po kaya talaga ang valid? Gusto ko sana malaman kung sino nauna na napa register sa NSO. Paano po kaya gagawin, kasi naka indicate na ako number 1 pero 1998.
It would be best to seek the advise of the PSA po pag dating sa ganitong complex cases. Pwede din po kayong mag inquire sa civil registry office kung saan naka rehistro ang kasal ninyo.
Pareho po bang PSA marriage certificates ang nakuha niyo? Nung nagpakasal po ba kayo ng husband niyo, nakakuha po ba kayo ng valid PSA marriage certificate?
magandang araw, maari ba akong makakuha ng cenomar ng aking asawa para malaman ko kung may iba pa ba syang pinakasalan bukod sa akin? nasasaad kasi sa mga nabasa ko, hindi ako maaring makakuha dahil kakailanganin ko pa ng authorization letter nya. totoo po ba ito?
Yes, kung mag request kayo ng CENOMAR ng mister niyo, kailangan may authorization niya.
Hi Master,
Tanung lang po newly wed lang po kami last Jan 14, ung marriage license po kasi namin naexpired so pinarenew po muna namin bago ang kasal, then ung cenomar hindi na po kami kumuha ulet since wala naman pong advise ang munisipyo, then upon checking po expired n po ang cenomar namin after namin na makasal. Magkakaron po ba ng problema un?
Hi Margarette,
Essential requisites (also as verified against Article 2, Family Code) are:
1. Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female.
2. Consent freely given in the presence of the solemnizing officer.
Formal requisites of marriage (Article 3, Family Code) are:
1. Authority of the solemnizing officer.
2. A valid marriage license.
3. A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age.
Therefore, if you met all the above-mentioned requisites, your marriage is valid. And in the same manner, should you have failed to meet even just one of the above, your marriage will be considered void.
Based on the above, it looks like your marriage is valid. To be sure, still, you may want to consult a family lawyer.
Kahit san po bang lugar pwedeng kumuha ng cenomar
What should I do if I was married before to a foreign man. Then after we get married he going back to his country and he didn’t coming back for me. Can I get married again?
Hi Rina,
Kung na-register sa PSA ang kasal ninyo, at may valid Marriage Certificate kayo mula sa PSA, ibig sabihin, legal ang naging kasal ninyo.
Ang legal na kasal ay maaari lang mapawalang bisa kung magpapa-annul kayo o ma-biyuda ka. Yun lang ang mga pagkakataong pwede kang magpakasal muli.
MC
Hi.
Master sana matylubgan moko..ako ay kinasal sa ibang bansa..pumuta ako dun para ipawalang bisa..pwri dito satin sa pinas wala pang annulment..bagpakasal ulit ako..may bisa po ba un..kumuha ajo ng cenomar..lumalavas dlawa ang kasal ko..pwde ba ako mag request sa nso na yung unabg rwcord ko lang ng kasal ang kukunin ko..
Sa CENOMAR?
Kung divorce po b s ibang bansa mkakuha po b ako ng cenomar sa pinas?
Kailangan ma report muna yung divorced dito para mapa walang bisa yung kasal.
Good pm, Gusto ko po malaman kung ano ang pag-kakaiba ng Cenomar at Advisory on Marriages? May unang pinakasalan ang asawa ko at nagpa-annulled na sila year 1995. Year 2007 kami naman ikinasal.. Namatay na po ang asawa ko year 2016. Sa ngayon po nag-aayos ako ng mga papel para sa Benefits Claim, hiningan ako ng Advisory on Marriages ang lumabas po ay kasal po siya sa aming dalawa.. Sabi po sa HDMF dapat po kung annulled na sila kasal nalang namin ang dapat na nandun.. Ano po ang dapat kong kunin sa NSO/PSA para po mapatunayan na annulled na sila at wala ng bisa ang una niyang kasal?
Nabasa ko po kasi na pag-kumuha ako ng Cenomar dahil sa patay na yun asawa ko wala na rin po bisa ang kasal namin… Hinihiling ko po na sana may makatulong saakin tungkol po dito. Maraming Salamat.
Mag pakita ka din ng marriage contract nila nung una nyang asawa na annuled na yun. Then i inquire mo na din sa PSA kung paano makakuha ng advisory on marriage na may advisory na annuled na yung unang kasal.
Master,,tanung lang poh…yung kapatid ko poh babae nagpakasal poh sila sa loob ng munisipyo…tapos poh mga ilan buwan hiwalay na …tapos nitong taon may naging bf sya,,magpakasal poh sila nitong buwan…pareho po silang ofw…uwe sila pinas pra pakasal…eh naguluhan poh ak,,bakit poh nakakuha ng cenomar yung kapatid ko…walang nakarecord na married… Ano poh hindi poh un valid kasal nila noong unang asawa?reply poh master
Malamang kasi walang record eh. Pero try mo sa munisipyo kung merong record nung unang kasal?
Hi po.ask ko lang need ko pa ba kumuha ng death certificate ng namatay kong asawa pag nagpakasal ulit ako. Kinasal kami ng asawa kong foreigner dto s pinas tpos namatay nmn xa nong umuwi ng las vegas dahil sa sakit nya.tapos wala pa akong documents na hawak about sa kasal namin noong june 16 2012 dahil dinala nya lahat yun dahil ififile dw pero ndi nmn nafile ata bago xa mamatay.
Naka record sa PSA yung kasal nyo eh so kapag pinakuha ka ng CENOMAR lalabas doon yung kasal mo na yun so dapat i support yan ng Death Cert ng asawa mo nung una para payagan kang makasal ulit. Since american yan try mo mag inquire sa U.S embassy.
Pwede ba sa online magask ng questions about s death cert.kc ndi ko alam kong pano makapasok sa us embassy s manila taga dto po aq s batangas city.thank you
Pa check na lang yung website nila for other concerns
Good evening po..Ma’am/Sir follow up question lang po, yun lang po yung gagawin sasamhan lang ng death certificate yung CENOMAR, then pwede na pong ikasal ulit? Yung Death Certificate dapat po ba galing PSA din po or pwede na po na Certified True Copy na lang po ?
Master: Kung nagpakasal po ba sa abroad tapos kumuha ka ng CENOMAR dito sa Pilipinas ay Single pa rin ang nakalagay?
Kung yung kasal sa abroad y na report sa embassy doon ma re record sa PSA dito sa Pinas yun then kapag kumuha ng CENOMAR yung mga taong nakasal ang lalabs ang kasal nila.
pwede po bang magamit ng isang tao ang aking birthh certificate at marriage contract? please po wag nyo ipublished Ng name ko tnx.
May posibilidad yun. Pero hindi nila makukuha yun ng weala mong pahintulot at pina paalam sa kanila ng buo mong detalye.
makakakuha pa ba kami ulit ng cenomar nawala kasi dati copy ng cenomar namin magasawa
Hi Rose,
Kung kasal ka na at magrerequest ka ng CENOMAR, ang makukuha mo na ay Advisory of Marriage , hindi na CENOMAR.
MC
master ask lng po..possible po ba talaga na makakuha ng cenomar yung babaeng kinasal na pero nung kumuha ng cenomar ginamit nya apelyido mismo ng asawa at pinalabas n yun ang maiden name nya. yun po kasi nangyari sa hipag ko kaya nakapgpakasal ulit sa ibang bansa
Unless pati detalye ng parents nya ay pinalitan din nya.
Master.. misspelled po ang entry ng First Name at mali ang Place of Birth ng misis ko sa marriage certificate namin.. ano po ang mga kinakailangan na supporting documents para maitama ang mga errors na yun? pwedi po bang isang petition for correction of entry para dun sa dalawang errors na yun?
Hi Jeff,
Covered yan ng RA 9048 (Clerical Error Law). Kailangan niyong mag file ng petition for correction sa munisipyo kung saan naka rehistro ang inyong kasal. Magdala kayo ng PSA copy ng birth certificate ng iyong asawa dahil dito iba-base ang corrections na i-apply sa marriage certificate.
MC
Ask ko lang po yong bf ko po kasal po sya saknyang unang asawa. Ngayon po balak po namin magpakasal. Mapapawalng bisa ga po agad yong kasal nila. Civil po sila nagpakasal. At magkano rin po magagastos dun. Thank you po. Sana po masagot ung tanong ko?
Hindi agad agad ang pag void sa kasal. Inaabot yan ng taon. Depende sa ground ng kaso kung magkano aabutin.
Hi, ako po ay sapilitang ipinakasal ng aking ama taong 2004 sa huwes sa kadahilanan na ako ay buntis. naghiwalay din kami ng taong 2004 ng nobyembre. Mula nuon hanggang ngayon kami ay walang komunikasyon at may sarili na rin kaming mga pamilya. Maari po ba akong magpakasal sa muling pagkakataon? Sana po ako ay inyong maliwanagan at matulungan. Maraming Salamat po.
Kailangan mapa walang bisa muna yung una mong kasal. Hindi kasi magiging valid kung ikakasal ka ngayon.
Hi ask ko lang im married nso authenticated na po married cert nmin. Meron lang kasi ng cclaim na babae na pangalawang asawa ako. Pano ko po malalaman kung ngapakasal n pla dati si husband or my visa ba yung kasal nmin. Naautheticated na nmn po ng nso. Thank you 🙂
KUha ka ng CENOMAR nya lalabas doon kung ilan ang naging kasal ng naging asawa mo.
Hello poh master”ask ko lang poh kasal poh ako sa una kong asawa nong 2010 pero 4 months lang poh kme nagsama at ngaung 2016 nagpakasal poh ulit ako sa bago kong asawa..may bisa poh ba ang kasal namin ngaun?need poh ng reply
Wala kasi hindi naman na annul yung una mong kasal eh.
Master, tanong ko lang po kung valid yung kasal ng kapatid ko. Yung asawa po niya may unang asawa , nagpakasal po sila sa sharia sa islam po at ang kapatid ko po pinakasalan niya sa christian marriage.. Tanong ko lang ba may visa ba yung kasal nila ng ate ko ? Pwede ba silang kasuhan nung unang asawa?
Yes kasi valid pa yung kasal sa una eh. Dapat nag divorce sila nung una.
master mgtanung lng po kc ung commonlaw husband ko my naunang asawa at ikinasal cla 1997 tas nghiwalay sila ngpaanulled tas may naging pangalawa sya asawa ngkaanak cla ngpakasal rin cla pero kinasal sila 2001 ung anullment ung una nya asawa nagrant noong 2005
lumabas din po sa cenomar ng asawa ko ung kasal nya sa pangalawa at anullment of marriage ng una
ang tanong ko po legal o valid po ba ung kasal nila ng pangalawa nyang asawa khit pa ngpakasal sila bago pa magrant ung anullment nya sa unang asawa nya?
Hindi legal yun kasi hinid pa na ga grant yung annulment doon sa isa eh.
makakakuha pa ba kmi magasawa ng cenomar kahit kasal na kelangan po kasi cenomar sa correction ng birth certificate ng anak namin.
CENOMAR ang i aaply nyo pero ang ibibigay sa inyo ay report of marriage.
Hello master
Ask ko lang po kapag kasal napo ba ng sivil kelangan parin po ba kumuha uli ng cenomar pag mgpapa kasal kmi sa simbahan?
Depende na sa simbahan yan. Baka naman pwede na yung marriage certification nyo from civil. By the way hinid nyo makukuha sa PSA(NSO) yung magiging kasal nyo sa simbahan ha yung unang na register lang ang makukuha nyo.
hello po ask ko lang po may bf po kasi ako ngaun and nagpakasal po sya ng 3x pro hindi po nagwork out lahat yun ngaun po may balak kami na magpakasal na sana ngaun magwork out na ung problema lang po ayun nga may 3 registered marriage sya ano po ba ggwin to clear lhat po yun pra mkpag pakasal kame?
Yung mga sumunod na kasal nya ay hinid valid maliban doon sa una kung hindi nya pina annul yung unanag kasal. Katulad ng mangyayari sa kasal nyo hinid ito valid hanggat hinid napapa walang bisa yung unang kasal. Galing naman ng BF mo 3x nakasal pwede siyang makasuhan dyan.
master ask lng po kung patay na po ba ang asawa lalabas po ba sa cenomar un kpag kumuha ako kasi kasal po noong 2003 p then last year namatay asawa ko so balak ko po magpakasa uli sa isang US citizen para po makuha nya ako dun. ano po dapat ko gawin.bale death cert galing NSO lng po b kailanganin ko sa pag file ng marriage again salamat po ng marami.
Death certificate at Cenomar pa din from PSA ang mga requirments mo.
goodmorning, gusto ko pong malaman kung kakayanin po ng 5 days ang pagpapakasal,yun gf ko uuwi.from dubai, may cenomar na kami both, at magtatanung din ako sa munisipyo po how long the process po kc nag file lang kc ng leave para makasal kami
Kung kumpleto na ba kayo ng requirements eh at may lugar na kayo ng pag kakasalan kaya yan. 1 day lang naman ang seremonyas ng kasal eh.
inquire lang po ako kung paano po ba makakakuha ng cenomar ng bf ko pareho po kaming andito sa abroad, gusto ko lang po sanang makasiguro na hindi siya kasal sa pinas bago kami magpakasal…may nagclaclaim po kasing kasal sila ng bf ko pero nung tinanung ko bf ko sabi hndi sila kasal..please lang po sana matulungan nio ako
Pwede ka naman mag request nun basat alam mo yung complete details nya.
hi po pwede po mag ask panu po ung boyfriend ko kasal po sya sa iba japan at sa pinas tapos divorce na po sila sa japan tapos gusto po namin mag pakasal japanese cit po ako filipino sya anu po dapat namin gawin thanks.
Dapat unang ma recognize yung divorce nila rito sa Pilipinas para mapawalang bisa yung kasal na yun. Kapag hindi nyo kasi ginawa yun lalabas na invalid yung magiging kasal nyo.
Hello Master.
Yon bf ko po ngayon is kasal sila nang dati nya, pero hindi lang po nairehistro. So ngayon po pinakuha ko po sya ng MC, no record naman po. Magiging valid po kaya un kasal namin pag kinasal po kami.
Hindi po. Kahit hindi narehistro ang kasal, kung na-meet nila lahat ng essential at formal requisites of marriage, valid pa rin ang kasal nila. All they have to do is submit their marriage certificate to the LCR for late registration and boom! Kasal pa rin sila.
Kung magpapakasal ka sa taong kinasal na before, siguruhin mong annulled na ang kasal nila. Kasi kung hindi, forever kang… illegal wife/husband.
Hello master ask ko lang po .annuled n ako at nakakuha ako ng cenomar at nakalagay remarks/annotation with annulment of marriage,pwede npo ba ako mgpakasal sa civil at anu po ang mga kakailangan n requirements ko.maraming slamat po at sana matugunan nyo aking katanungan.godbless
Pwede nang i present yan at yung M.C mo na may annotation din at kopya nung decision ng annulment mo.
Hi master! Good day 🙂 Gusto ko lang pong malaman yung church anullment at civil anullment na sinasabi nila. Kasi yung pinsan ko church anullment yung ginagawa nya ngayon. Would that be mean na pag naapproved anulled na sya talaga? Pwede ng magpakasal ulit? Paano naman po yung mga kinasal sa huwes? Paano po ang anullment dun? Thanks in advance master!
Yung church annulment para sa simbahan lang yun hinid recognize yun para maka paga pakasal ulit. Yung annulment na dumaan talaga sa husgado ang dapat. Pareho lang naman ang proseso maski civil wedding lang.
hi master..may tanong lang po ako,,2 years na kami magkasintahan tapos hiwalay na sya sa dati nyang asawa,kasal sila sa tribo nilang kaulo at may anak rin sila..posible bang legal yong kasal nila master ..paano yon mapawalang bisa kasi po wla naman po akong pera na mag file ng annulment?
Check nyo kung naka register sa PSA(NSO) at sa munisipyo.
Master ask ko lng ang secret married ba eh same as legal civil wedding?
Kung ang ibig mong sabihin ay na re rehistro din ba ito ? OO naka register din yan and official record yan nung mga nakasal.
ung partner ko po kc ngaun sabi nya kasal daw xa dati.pero baket yung dati nya pong asawa ay nkapagpakasal na ngayon?may posibilidad po ba na hindi valid yung dati nyang kasal
Try nyo kumuha ng copy ng M.C nila sa PSA(NSO).
good day po master. nagpakasal po kami ng asawa ko then after several years i found out na kasal na po sya dati. naghiwalay po kami eventually. at ngayon ay may boyfriend na akong bago. at gusto po namin magpakasal. mkakakuha po b ako ng cenomar since null and void naman ung kasal namin dahil kasal pala sya sa iba dati. pls help me po.
Dapat ma annul muna yung kasal mo para pwede ka na ulit pakasal. Lalabas kasi sa CENOMAR na kasal ka na eh.
gud morning po tanung ko lng po pinapakuha po ako ng mama ko ng cenomar kasi po magpapakasal po sia ulit sa japan ung una at pangalawang nging asawa nya ay patay na pwede po bah sia mkakuha ng single certificate nya po
Hindi na siya makakakuha ng SINGLENESS ang lalabas na sa kanya ay report of marriage. Mag a attached siya ng death certificate nung mga namatay na niyang asawa para makasal siya ulit.
Gud pm po.ask ko lang po kung kelangan po ba dapat nakaauthenticate ang cenomar kapag nagpakasal ako dito sa milan italy?yun pong nso at birthcertificate ko nakaauthenticate pero yung cenomar ko po nd
Kailangan pareho. Bakit yung B.C nagawang ma red ribbon yung isa hindi?
Sir , yung bf ko po is japanese citizen. Nagpakasal siya dito sa pinas para mabayaran yung pag ttnt niya dito imitation kumbga para mbgyan lang ng visa ang babae yung babae is may anak na at may kinakasama talaga. Hindi tlg sila mgkakilala. Ngkita lng sila nung kasal nila. Consider as void po b yun? Ung marrriage contrct nila is nso ndin . Need po ng help nyo . Maraming salamat in advance .
Valid yung kasal na yun dapat ipa annul yun para pwede na ulit mag pakasal yung mga involved doon.
Tanong mo lang po magkano po ba ngayon ang cenomar? Ano po req ang dadalhin para makuha ko yon ?ilan araw ko po aantayin ang cenomar para makuha ko siya ? Kase po dis april magpapakasal na po kame thank you po.
Kapag ikaw mismo ang pupunta sa PSA(NSO) para kumuha ng CENOMAR mo PHP 195 babalikan mo after 4-5 days. Kapag naman nag avail ak sa service with delivery PHP 450 dedeliver sa iyo after 3-4 days.
Sir, pwede ba ipa delete ang marriage namin sa CENOMar dahil 2nd marriage ako and automatic null and void kasal namin. Kaso nag aappear pa rin sa CENOMAR. Pwede pa ba ipa delete yun?
Hindi na ito ma de delete pero pwede ito ma update na null and void kung nag file ng nullity of marriage.
Master..gusto ko lng po malaman kung paano malalaman kung kasal po ang bf ko u.s citizen po siya sa guam pero filipino din sya.may plano po kame magpakasal dito sa pilipinas..gusto ko lang mlaman paano mlalaman kung kasal sya sa u.s.para po wala maging problema
Try mo mag inquire sa U.S embassy para sa case na yan. Kung dito kasi sa Pilipinas hihingan kayo ng CENOMAR or legal capacity to marry.
master ask ko lang po kukuha kmi ng marriage license kaso ung birth certificate ko may problema. ung mama ko ubg middle initial nia is letter N dapat letter T. tapos tatay ko walang l middle initial sa birth certificate ko. papano un di po ba xa problema non? thanks
Yung details mo ang importatnteng tama sa B.C mo yung sa kanila baka pwedeng affidavit na lang.
hi master.
ask ko lng po kahit ba ilang years na na hiwalay ang mag asawa kailngan parin bang dumaan sila sa annulment process kahit na parehas nilang ka gustuhang mapa walang bisa na yung kasal nila.?
Yes kailngan para mapawalang bisa ang kasal.
Good morning po master😀 ….salamat po sa advice nyo pumunta ako ng public attorney s office, meron pa po akong tanong ,kailangan po ba nasa manila city hall ako pumunta? Sa bulakan po kasi naganap yung kasal namin? Ano po ba ang dapat? Thank you po ulit🙏🏻😀
Kapag submission kasi ng mga report ng divorce sa RTC Manila talaga ito pinapasa. Pero kung ipa file mo na lang ito ng annulment sa Bulacan ito ipa file.
Thank you po ng marami …master😀 regards po uli ✌🏻️
Master wala po akong original na kopya ng divorce certificate, yun lng po ang hawak ko xerox copy ng divorce certificate, ano po ba ang magandang paraan ? Wala na rin po akong alam na contack sa hapon? 😔 thank you po ulit
I try mong mag file ng annulment. Kailangan mo ng abogado para dito.
Master…kakailangin pa ng abogado eh, wala nman akong perang pambayad sa abogado, att kung paano po kung sabihin din po ng abogado na kailangan ko ng original copy ng divorce certificate , pano maiibibigay yun…wala na po akong contack sa hapon at hindi ko narin po alam kung nasaan siya? Hindi po ba puede na itong hawak ko na xerox copy ng divorce certificate na hawak ko ito nlng ang ipapakita ko na katibayan ? Thank you po😔
Photocopy lang yan sino ang maniniwala dyan. Pumunta kasa PAO(public attorneys office) libre mag consult sa kanila.
Gud pm po master….ok lng po ba na xerox copy po itong hawak ko? Para maipakita sa city hall , hindi po kaya ako hanapan ng kung ano ? Sakatunayan po wala na rin akong alam duon sa nag pakasal sa aking hapon , wala narin akong alam kung saan ma kokontack yung hapon…..thank you po😔
Photocopy ng ano?
Sorry po master…xerox copy po ng devorce certificate , ok lng po ba na itoy dahil ko sa manila city hall ? Wala na po bang ibang papers hanapin sa akin, kasi wala na po akong contack sa hapon ? Thank you po😀
Kailangan yung may original mong kopya.
Master…gud eve…..gusto ko pong itanong yung tungkol sa kasal na kunwari lng kung tawagin …kekon visa, ngyon po lumalabas sa record ng cenomar ang araw ng kunwari kasal, ano ang maitutulong at masasabi sa aking tanong?
Kunwari lang tawag nyo doon pero legal yan at naka register talaga yan. Para mapawalang bisa yan dapat dumaan sa proseso ng annulment.
Sakatunayan po master, meron po akong hawak na papers….devorce certificate galing po sa consulate-general of japan…cert. no. 09558-01,…..january 31,1994 kinasal kami…..nag divorce po kami february 02,1996…paano ko po ba maayos itong problema ko? Nung lakarin po ng bayaw ko sa Cenomar may lumalabas na legal…..sa ngyon po balak ko po magpakasal ….sana po matulongan nyo ako kung anong dapat ko pong gawin….thank you po😀
Yung divorce papaer na hawak mo dalhin mo sa Manila city hall para ma file at ma forward sa PSA(NSO) nang ma update ang status nung kasal mo na yun.
Ganito po kc un Master.. nung time na nakasal mama ko at papa ko hindi pdaw na annul ung papa ko dun sa dati nyang asawa. Kaya nagpunta parents ko sa NsO nagtanong cla bakit ganun dw ung apelyido ng papa ko na gamit ko ngayon wla nka registered sa NSO.. ang meron NSO birth certificate eh yung apelyido ng mama ko. Wla po akong papa dun sa birth certificate ko na may NSO po. Bat nung una po na hindi pa nksal cla mama at papa.. napa register na ako n mama na apelyido na po.
Kaya nga ang tanong ko ngayon kasal na ba sila ngayon?
Hindi po cla kasal ngayon master, yung parents ko po.
Acknowledgement of paternity ang gagawin nyo.
Hello po.. Matanong ko lang po.
Paano po yun nakasal na kame tpos yung birth certificate na nagamit ko eh yung live birth.Nung kumuha na ako ng NSO birth certificate wla akong NSO birth na yung apelyido kong ginagamit mula nung nag aaral pa ako. Tpos nung hindi pa nkauwi papa ko galing ibang bansa pina rehistro ako ng mama ko na apelyido niya. Pagdating sa NSO un ang may NSO bith.apelyido ng mama ko. Eh yung apelyido ng papa ko wlang NSO birth. Eh pina rehistro nman ako sa apelyido n papa ko. At kung wla akong NSO birth na yung dinadala kong apelyido ni papa bakit me marriage contract kme ng husband ko? Eh wla akong NSO birth po. Yung merong NSO birth eh apelyido ng mama ko po. Paano po yun invalid po ba kasal namin?
Sana po masagot niyo po tanong ko.. thank you po.
Hinid naman invalid yung kasal nyo. Kasal na ba yung mga magulang mo ngayon?
may expiration po ba nag cenomar? Ilang months po ba ito valid?
Good for 6 months.
Gud day master ask ko lng po paano po yon kumuha ako ng advisory of marriage 2 ang lumabas na name na pinakasalan ng asawa ko yung una nyang pinakasalan matanda name NsA 85yr old na ngayon. Ang asawa ko ngayon 40 pa lng paano po b ang mabilis na paraan para mapawalang bisa ang kasal nila.tinakot lng kc sya nun dati
Patay naman na siguro yung unang na rehistrong asawa nya. Ang problema nyo nakasal kayo na valid pa yung unang kasal nya.
Hi masters blog my tanong lng po ako patay na iyong asawa ko noon July. Tapos na buntis ako sa.boyfriend Ko noong October tapos manganak na po ako sa June gusto namn mag papakasal bago ako manganganak pero sabi nila hindi pa daw ako pwdi makasal kong wala pang siang taon sa pagkamatay sa Ko.
Ano ba gagawin Ko master blog para makasal kami ngayong may?
Thnx
Kuha ka ng death certificate from PSA(NSO) kasama ng CENOMAR mo kapag kukuha na kayo ng marriage license. Pwede naman kayo makasal kasi patay naman na yung asawa mo eh.
Master gud am poh…ask ko lng po ksal po kmi ng asawa ko 19yrs ago sa church coupled of christ un ng aus ng ksal nmin..bt now inwan n ny kmi ng asawa ko…nkkakuha po ako ng M.C…sinubkan ko din po kmha ng cenomar 3 yrs ago…bkt po gnun lmbas not married po?tama namn lht ng details n nlgy ko
..ppnuh po un master? Tnx po
May M.C kang nakuha sa PSA(NSO)? Tapos nakakuha ka din ng CENOMAR? nakalagay ba na cenomar ang nakuha mo?
Master,
Nalalaman ba na fake ang cenomar na ibibigay sa requirements?.. kasal na po kasi yung bf ko.. gusto nmin ulit mgpakasal..
Depende doon sa titingin. Kung may kasal cya wala siyang makukuhang cenomar. Ibig mong sabihin papagawa kayo ng fake na cenomar para makasal kayo? Kahit makasal kayo wala pa ding bisa iyon hanggat hinid nyo pina pa annul yung kasal nya sa una.
gud am po master my tanong lang po ako sa inyo, kase kinasal ung sis ko sa japan tapos nag divorce na po sila sa japan, 5 years na sila divorce nun kumuha ako ng singleness nya hnd pa sya single, kase mag papakasal ulit sya sa japan, ano po ba dapat gawin para makakuha ung sis ko ng singleness or cenomar o pra maging single sya ulit.? pwee b dyan sa inyo mag apply nlng para maging single ulit sya, ano po dapatkung gawin? salamat po master…..
Ni report nyo ba sa RTC manila yung divorce nya? Kung hindi! Hindi talaga ma a update yung PSA(NSO) record nya.
Sir. Master,
Ask ko lang po, nagpakasal po kasi yung friend ko dito sa middle east ng ibang lahi, kumuha siya ng cenomar dyan sa atin, pero hindi nila pinaregister dyan sa atin yung kanilang kasal, ibig po ba sabihin nun single pa din sya sa atin sa pilipinas. Salamat po
Hindi nila ni report sa Philippine Embassy sa middle east yung kasal nila? Kung hinid sa malamang walang record dito so single pa siya sa data base ng PSA(NSO). Kelan ba yun?
Kasal po ako pero tgal n kme ndi ngsasama 6yrs n may knya2 na kme pamilya gusto ko ma kasal ulit.ano dpat una ko gawin?
Kailangan mapawalang bisa muna yung una mong kasal. File ka ng annulment.
Hi poh, ask klng sir kinasal km ng bf ko nung last 2009 sa simbahan pero problema p nmn nawala ung marriage certificate nmn sa municipyo at hnd naforward sa nso,anu po ba dapat nmn gawin kc ung anak nmn 5yrs old na at hnd ko machange status ko
Hindi na kayo makakuha sa munisipyo ng kopya? Kung sila nakawala kasalanan nila yan kung bakit hinid na forward sa PSA(NSO) yan.
Master tanong ko lang po kung valid po ba ang kasal namin ng tatay ng anak ko kc po hapon kami pumunta dun sa pasay na sabing Judge dw un tapos kinabukasan kinasal na kaagad kami na wala kaming isinumite ng requirements kahit isa, may pinirmahan po kami tapos after one week bumalik ako sa manila city hall kc dun kami kinasal sa may office lang po nakuha ko na ang marriage contract pero Dko po tiningnan ng maayos kc dko pa kailangan noon pero ngayon po kailangan ko na po malaman kc matagal na kami hiwalay ng tatay ng anak ko gusto ko po magpakasal sa boyfriend ko.. Sana po matulungan niyo ako.. Salamat po ng marami.. God bless po
Check mo sa Manila city hall kuha ka ng kopya. Tapos sa PSA(NSO) din.
Paano po ba pag namatay na ang unang asawa,tapos gusto na po magpakasal uli nung naiwang asawa?ano po ang dapat gawin pag kumuha ng CENOMAR
Hinid na siya makakuha ng CENOMAR ang ibibigay sa kanya ay report of marriage tapos samahan na lang ng Death certificate nung asawang namatay galing din ng PSA(NSO).
Kapag po namatay na yung unang asawa, tapos gusto na po magpakasal uli yung naiwang asawa, ano po ang dapat gawin para makakuha ng marriage licence?
Kuha ng CENOMAR, Death certificate nung asawang namatay at B.C nung ikakasal sa PSA(NSO) office. Yan ang mga madalas na hinahanap sa munisipyo kung saan kukuha ng marriage license.
Sir Master,
magtatanong lang po ako. yung gf ko po kasal sa simbahan sa bicol region pero matagal na po sila di nagsasama ng asawa niya. plan po sana namin magpakasal na paguwi ko ng pinas kahit sa huwes (civil wed) po. kung magpapakasal po kami sa huwes (civil) sa manila, magkakaprob po ba kami sa pagkuha ng mga requirements? since kasal sya sa simbahan sa bicol. Maari po bang humingi ng payo sainyo Master since gusto na namin magsama at magpakasal po.
Maraming Salamat po.
Hindi siya makakuha ng CENOMAR sa PSA kasi may kasal siya.
Master, magtatanong lang po Ko.. Kinasal po ako sa taong kasal pala sa unang babae.. Pero cla ay hiwalay na at kami din po ay hiwalay.. Pero ang unang babae ay patay na po.. Paano po yun? Null n void pa din po kaya ang kasal namin? Maraming salamat po
Kung nakasal kayo na buhay pa yung babae at hindi pa annuled yung kasal nila nung naging asawa mo that time lalabas na invalid yung kasal nyo na yun pero dapat pa ring dumaan ng proseso yun para ma update ang record mo sa PSA.
master tanong ko lng pano po ba mapapabago un record s nso kc po kumuha aq ng cenomar ko at nkalagayy po dun married na ako sa isang foriegner na wla kmi ka alam alam pti mga parents ko..hindi ko po alm kng pano ngyari un?kng pano nla nkuha un data q ng ibang tao s nso. nkalagay po dun s cenamor ko married aq nun last january 20, 2010 eh kaka 18 ko lng po kkadebut ko lng po.. hnd ko kilala un lalake na nkalagay sa cenomar ko ngulat nlng kmi na married n un nka lagay sa cenomar ko..eh hnd pa ako kinakasal. ang hinala po namin my kinalaman po un mga empleyado na nsa loob ng nso kaya po nakuha nla un data ko. ano po kaya maganda gawin para matrace namin kng cno cno mga tao involved sa anomalya s nso region 3. sna m2lungan nyo po kmi. e2 po un contact number ko 09072404798. salamat po.
Hi Julius,
Nakalagay sa CENOMAR ang mga detalye ng kasal, pati ang lugar kung saan naganap ang kasal. Maaari ka sigurong mag inquire sa LCR ng lugar kung saan supposedly naka register ang kasal mo. Pwede ka din mag consult sa lawyer kung paano iaayos ang civil status mo, at kung pano mo papatunayan na hindi ikaw ang taong ikinasal as stated in your CENOMAR.
MC
Master paano po mapapawaalng bisa ang kasal namin kasi po may asawa na ang ex ko at may anak ng isa sa ibang lalaki ano po ang dapat kung gawin at may isa din kaming anak pero supurtado namn pero matagal na kaming hiwalay noong 2007 mula kinasal kami sa ank nalang kami nag uusap about sa supurta kasi di kami mag kasundo at natatakot din ako sa parti nila palage nila akung pinag babataan noon gusto ko po mapawalang bisa ang kasal namin kasi may asawa na po siyang iba at anak ako wala pa nmn anak mah gf po ako ngaun pls guide me po ano ang dapat kung gawin
Hi Hipolito,
Maaari kang mag file ng annulment. Pwede kang mag inquire sa Public Attorneys’ Office tungkol dito o kung meron kang sariling abogado or kakilalang abogado na pwedeng mag advise sa yo ng process ng pag file ng annulment.
MC
Hello po ..ask ko lng po kase yun kinakasama ko po kinasal sa ex tapos naghiwalay na sila .nalaman po nya na void yung kasal nya dun sa ex kase kasal pala sa una yun girl bale pangalawa sya .tanong ko po kung need pa ba nya mag file bg annulment kase may marriage contract din po lumabas na pangalan nya tsaka nung ex nya po?
Hi Jelina,
Pwede kayong mag request ng copy ng CENOMAR ng boyfriend mo. Kung sa CENOMAR lalabas na kasal siya sa una niyang girlfriend, kinakailangang ma-legalize ang annulment nila bago siya makapag pakasal ulit.
MC
master need ur help po,last 2007 po nasa dubai ako nagkaroon po ako ng gf at nabuntis ko at dahil po bawal un sa dubai nagpakuha po kami sa kaibigan namin ng peke ng mc tapos po after a few mos nagkahiwalay din po kami,ngaun po may bago na kong kinakasama at gusto na po namin magpakasal kaya lang po nung kumuha kami ng cenomar married ang lumabas sakin at pangalan po ng girl sa dubai ang pangalan ng asawa ko,tanong ko lang po valid po ba un kahit walang kasal na nangyari at pano po narehistro sa nso un ng hindi ko alam ano po ba ang gagawin ko para mawala ung record na un at makapagpakasal na po ako,,pls help po tnx
Hi Gino,
Kung nag appear sa CENOMAR mo yung kasal mo sa una mong girlfriend, ibig sabihin nai-file sa NSO ang inyong kasal. Para mawala ito sa iyong CENOMAR, kailangan ninyong ipa-annul ang inyong kasal. Pag approved na ang annulment, magkakaron ng annotation ang iyong CENOMAR saying na you were granted an annulment.
Mag consult ka sa lawyer.
MC
possible po ba yung application for cenomar to be deliver here in dubai. tnry ko na kasi yung sa ecensus pero hndi nmn inaacept eh. thanks
Hi Cris,
Pwede mong ipadeliver sa address mo dito sa Pilipinas (like sa family mo or sa relatives). Pag na receive na nila, sila na lang ang mag padala sayo dyan sa Dubai.
MC
master need help po,may naging gf po ko sa dubai last 2007 nabuntis ko po sya that time so dahil po bawal sa dubai un kumuha po kami ng peke na mc sa kaibigan nya sa pinas pero after a yr nagkahiwalay po kami,ngaun po may bago ko gf at gusto na namin po magpakasal kaya lang po nung kumuha na kami ng cenomar married po ang lumabas at pangalan po ng asawa ko doon eh ung sa dubai,,tanong lang po valid po ba ung kasal kahit walang nangyaring kasal at pano po naparehistro un??paki advice nyo naman po ako kung ano gagawin ko para mawala ung record at makapagpakasal na po ako,,pls master need ur help..tnx
Hi Gino,
Nasagot na itong tanong na ito. Please refer to an earlier email.
MC
Ok lng po ba n single un ipalagay q sa bago q marriage contract ?never po kasi aq ngpalit ng status.
master ask ko lng po kinasal kami ng asawa ko july 18,2010…di ko alam kng nparegister un ng asawa ko sa marikina.pero sabi nya oo daw.kahit ba napa register nya na yun kung hindi pa rin ako ngpapachange status gamit ang surname nya even my passport o kng ano man.automatic ba sngle pa rin ako nun.wla ba ako record nun sa nso pag kumuha ako senomar.kc dp naman po ako nag papachnge status.gamit apelido nya.gsto ko lng po malaman slamat po
Hi Honey,
Wala naman problema kung apelido mo pa din ang gamit mo sa passport even if kasal ka na. Pag nag renew ka ng passport, pwede mo nang papalitan ang pangalan mo, magdala ka lang ng copy ng Marriage Certificate ninyo and other documents to prove na kasal ka na at dadalhin mo na ang apelido niya.
MC
Master ask q lng po magpapakasal n po kasi ako null and void n po un una kong kasal secret marriage lng po kasi un ok lng po ba kun single na un gawin kong status sa bago kong marriage contract wala nmn po kasi nkakaalam sa una q kasal at ayaw ko po sana maungkat pa un pagkakamali ko naun.
Hi Dada,
Sa CENOMAR makikita pa din na nagpa kasal ka na noon at ito ay annulled na. Required document ang CENOMAR para maka kuha ng marriage license. Mas mabuting i-declare mo lahat ng totoo sa mga documents mo para hindi ka magka problema later on.
MC
tanong ko lang po..may friend po ako yung boyfriend niya kasal dati sa simbahan medyo matagal na ding hiwalay kasi nga nabuntis daw yung asawa while nasa abroad yung lalake..medyo matagal na din yung friend ko at boy friend niya tapos ng balik islam siya para mapakasalan niya yung friend ko..tanong ko po magiging valid po ba yung kasal nila sa islam??
Hi Jenny,
Yung kasal ba nung lalake sa una nyang asawa ay ginawa in Christian or Catholic rites?
Kung oo, ibig sabihin, hindi sya pwedeng magpakasal sa iba hangga’t hindi naa-annul sa civil at sa simbahan ang kasal nya sa una.
Mas mabuting mag consult kayo sa lawyer tungkol sa validity ng kasal niya under Islam rites.
MC
sir ask ko lang namatay na po husband ng tita ko na japanese… anu po mga dapat gawin para madeclare sa NSO na widow na sya, need nya po kc para sa pagpapakasal ulit.. meron na po akong hawak na death certificate kaso nakajapanese form pa po.
Hi Hen,
Kailangan niyong ipa translate sa Japanese Embassy yung Death Certificate. Tapos i-attach yung translated Death Certificate sa NSO Marriage Certificate ng Tita mo para mapatunayan na widow na sya.
MC
Good day!!.. Tanung ko lang po pede po bang mapawalang bisa ang kasal nmin. Kasi po 19yrs old lng kme noon At pinilit lng nmn po kme ng parents q. Pede po ba un?. At ska panu din po ba mag pa aannual kse po wala din akong pang byad ng mlki. Meron po bang libre gnun. Or d gnun klki ang bbyaran. Pag kasal po nmin ng hiwaly na din po kme. 4yrs na po kmeng hiwalay at meron na din po kme mga kinakasama..
Hi Sang!
Kailangan niyo pa din mag undergo ng annulment. Maaari kang kumonsulta sa mga Public Attorney’s Offices; you may visit http://www.pao.gov.ph. Ang fees sa annulment ay depende sa abogado na makukuha mo. On the average, umaabot ito ng mula Php 100,000 pataas, plus appearance fees ng lawyers.
Good day Master, Tanong ko lang po kung valid po ba ang kasal namin ng asawa ko kasi po agad agad kami ikinasal na walang hinihinging requirements hapon kami pumunta sa isang Judge daw kinabukasan kinasal kami kaagad and after a week may nakuha ng marriage contract ang asawa ko at sa manila city hall kami kinasal ng taong 2003.. Marami kasi nagsasabi na fake ang kasal namin kaya naguguluhan ako.. Salamat po in advance sa inyong reply..
I check mo sa munsipyo ng maynila at NSO kung naka register nga ang kasal nyo.
magtatanong po sana ako maari po bang madoble ang record sa nso ng marriage contract ng isang lalaki pero dalawang babaeng magkaiba. sa case ko po narinig ko ang biyenan ko na sabi niya sa asawa ko kailan daw aasikasuhin yung annulment sa una niyang pinakasalan. eh since nakakuha ako ng marriage namin posible bang meron din copy sila kung halimbawang pangalan ng babae ang ilagay ko at pangalan niya?
Yes pwede yun. Ang tanong dyan paano siya nakakuha ng CENOMAR nya para makakuha kayo ng Marriage license at makasal kayp.
My karapatan po ba aq mag sampa ng kaso pag dumating yung oras na manggulo sya sa aming pamilya..??kasi kasal naman po kmi ehh,,,,maraming maraming slamat po s lahat ng iyung panahon
Oo naman lalo na kung siya yung pupunta sa iyo at pumasok ng bahay mo.
Gud am po,,ask qx lng po ung asawa q po my anak sya s una pero hiwalay n po cla nung nagpakasal kmi,,after 3 yrs po nagparamdam ex nya skin at galit na galit skin…cnv nya rin skin na yung apelyido dw ng bata pnapalitan n dw nya..these past few days parang naging dhilan un ng pag aaway nmin kc nga nlaman q din n yung husband q parang interesedo pa din s ex nya s kbila n my knakasama na din dw po un na iba….may anak po kmi ngaun ng husband q mahgit isang taon na…anu po ba dpt q gwin at pwd q po ba mgamit n dahilan ung pananakit nya skin para mapawalang bisa kasal nmin,??gusto q po kc zna ipa anull kasal nmin tapuz papalitan apelyido ng anak q sa akin para makapag cmula po ulit kmi ng kming dlwa lng….anu po ba dapt q gwin…zna po matulungan nyo aq….slamat po
Kung desidido ka na ipa annul yung kasal nyo automatic na dapat malipat yung surname ng anak mo sa maiden name mo. Kasal ba yu8ng asawa mo doon sa una? Na annul na ba yun kung kasal man?
Hnd po cla knasal nung sa una nya…pero my anak po cla..isa pa po alm po nya na magpapakasal kmi noon…tapuz after 3 yrs nagparamdam po xia skin at galit na galit.tanung q lang po my karapatan pa po ba sya s ex nya na asawa q na ngaun???maraming salamat po
Wala kasi hindi naman sila kasal eh.
My gusto lang po aq mlaman yung husband ko po my knakasama dati pero hwalay n cla nung nagzama kmi nagpakasal po kmi pero ngaun po my na din kmi at nag babalik po ex nya para manggulo anu po ba dpt q gawin
Kasal ba siya doon sa una? Kung hindi siya kasal doon walang karapatan yun at pwede nyo siyang ipahuli.
Dear Mr. Lawyer, i am curious if what would happened to someone who had married using her/his late registered birthcertificate and now seperated and has their own family with others. When the time before they get married the other side was only 16 years old. We want to know exactly the status of our both sides. Was it fake and we can still get married to someone else?
You still need to file annulment to nullify the validity of that marriage.
By the way paano ka nakasal ulit yung CENOMAR ay vital requirements para makakuha ka ng marriage license.Nakakuha ka ng CENOMAR pareho kayo?
Dear Master,
kumuha po yung dating kong nobyo ng Cenomar at nakasaad duon kasal daw po kami. pero alam po naming pareho na hindi kami nagpakasal sa isat- isa. meron daw po na nakalagay duon na ( MARRIAGE WITH NO APPERANCE) pede po ba yun?
Paano po yun kasal samin sa aming mga asawa? ano po dapat naming gawin??
Master.
Please help me naman po.. need your advise sa sitwasyon naming.. Nga pala Master nakalimutan ko nakakuha pala ako ng SINGLENESS nuon pero wala naman Kasal na nakalagay kaya nakapagpakasal kami ng Mister ko. pero duon sa EXBF ko kumuha cya ng cenomar nagaapear na kasal kami. paano po nangyari yun?
Try nyo kumuha ng kopya ng M.C nyo sa NSO at sa munisipyo.
Hindi naman kayo mag kakaroon ng record kung hindi nyo ginawa yun eh. Pa pa annul nyo yung kasal na yun. Kasal na ba kayo sa mga partner nyo ngayon?
Master, Ganito po kase yun, nung nanganak ako nuong 2002 yung midwife nag ask siya if interesado kami magpakasal and for the sake of our child nag agree kami. may ibinigay cya sa amin na papers for application ( di ko lang po matandaan kung ano yung pinapirmahan niya) ang sabi po ng midwife kasalang bayan daw po sa Caloocan high school. then we signed that papers. pero di po kami tumuloy for the plan na magpakasal I travel abroad and met my Husband here in 2006 I got singleness nuon kaya nakapagpakasal kami ng 2008 and ang EX BF ko po ay nagpakasal na din this 2014. pero nung kumuha daw po siya ng Cenommar LUmabas duon na Double marriage cya at ayun po hinanap nya account ko sa FB asking me bakit kami kasal. same sa akin ang laking question nuon. pinakuha ko po mother ko ng cenomar at MC ayun kasal nga po kami. pero bakit po nagkaganun nung 2007 nakakuha pa ako ng singleness… Master pede po ba IAPPEAL na void ang kasal na 2003 kase di po kami umattend ng seminar at ceremony eh.
Laking gulo po ito sa mga pamilya at mga anak naming.
Maaring nnung 2006 hinid pa ganun ka updated ang data base ng NSO kaya hindi pa na detect yung kasal nyo lately na lang. Dapat ipa annul nyo yung kasal n ayun para maging null and void. Consult kayo sa abogado.
Salamat Master sa advise nyo.. pinaasikaso ko na sa Parents ko na kumuha ng Abogado, but Master maari ba yung itinuloy nila yung pag registered ng MC kashit di kami dumalo or dumating sa mga seminars at ceremony ng kasalang bayan?
Alam mo naman dito sa atin eh kapag may connection yung mag sa submit kahit wala yung taong concern na re register eh.
hi master ask lang po ako about sa friend ko kasi po kasal po siya sa judge sa pinas then ngpakasal din po siya ulit sa Kuwait under islam po nakaregistered na po sa nso ung ksal nila sa pilipins then nung kukuha po siya ng cenomar nkalagy din po ung asawa niya na ksal siya sa una mgaapear po ba sa cenomar niya ung panagalwa niyang asawa? may habol po ba yung unang asawa niya ?
thank u po!
Kung na report sa embassy yung kasal nila sa kuwait may posibilidad na ma register sa NSO yung kasal na yun. Sino ang may habol yung pangalawa or una ba ang tinatanong mo?
Master may tanong lang po ako nong kinasal po kc kami ng asawa ko ang name po nya randy geronimo nival ang birthday po nya december 30 1979 yan po gamit nyang name pero po ng kumuha po sya ng birth certefecate sa nso ang lumabas po grandy geronimo nival december 30 1978 po.pero po ngaun sinunud na nya ang name nya sa birth certefecate nso paano po ang sa merrage nmin paano po kya ito maaayos.thanks po.
Pwede nyo naman itong i file ng correction sa munisipyo kung saan naka register yung kasal nyo.
Ask ko lang po, pano po ba kailangan gwin kapag lumabas yung dating kasal ng nanay ko sa unang asawa tsaka po yung sa papa ko ngayon? bale dalawa po. required daw po kasi sa u.s embassy eh yung present lang. yung dating asawa po ng nanay ko eh namatay nung 2006, kinasal sila ng papa ko ng 2001. hindi daw po napa nullify yung dating kasal ng nanay ko kasi nawalan na ng communication noon. pano na pa gagawin nila ngayon?
Consult na kayo sa abogado kasi conflict yung year ng marriages eh lalabas inavalid yung kasal ng parents mo kasi valid pa yunbg kasal sa una eh.
Tanong ko lang po mastercitizen, paano po ang gagawin ko kasi kasal po ako for almost 13 years na. last time na kumuha po ako ng cenomar nung 2008 lumabas naman po na kasal ako , pero ngaun po ng kumuha ulit ako ng cenomar, nakalagay po na hindi daw po ako kasal? paano po nangyari un , hindi naman po ako nagpapa annul ? ano po kailangan ko gawin para po lumabas uli sa Cenomar ko na may asawa na ako?
Paanong nangyari yun? Wala ka bang inibang detalye nung mag fill up ka ng form?
yun na nga po ang ipinagtataka ko,lahat naman ng details pareho pero biglang lumabas na di ako kasal. pero ok na po. nagpunta kami sa NSO na mismo at ipinakita ko ung lumang kopya ng Cenomar ko at nagrelease na rin po sila ng bagong Cenomar kung saan nakalagay uli na kasal na nga ako.
nakakalungkot lang isipin na hindi talaga maasahan ang maayos na pagtrabaho ng NSO. lagi na lang may mali sa mga certificates na ini-issue nila. madami nasasayang na oras at pera sa pag aasikaso ng pagtatama ng mali nila.
paano po mauupdate un status ko sa cenomar na divorcce n po ako ksi lumalabas duon ay married parin.nasakin po ang certificate of divorce ko original and authenticated.. salamat master
Dalhin mo sa NSO yung papers mo.
salamat po sa reply master big help po
Welcome.
good morning po ask ko lang po muslim ako at nag pakasal in sharia law dvorce na po kami nito lang jan 1 2015 pero lumalabas parin sa cenomar ko na kasal parin ako paano po e2 if ever na gus2 ko ulit mag pakasal makakasal parin ba ako kahit na nkalagay sa cenomar ko ay married
nasakin po lahat ng original ng divorce certifcate namin mam sir pa help po salamat po
I update mo yung record mo sa NSO kung pwedeng malagay sa CENOMAR mo na divorce na yung kasal mo na yun.
master question lng po ulit paano po kung nd nila maupdate un status ko sa cenomar pwede parin ba ako ikasal kng ang supporting document ko ay dicorce paper galing din mismo ng nso. salamat master
Pwede naman i attach mo yung divorce mo sa CENOMAR na nakuha mo as reference na invalid na yung kasal mo na yun.
Master, kung divorse na sa hapon tapos hindi pa naipapa clear ang divorse sa NSO at nag asawa ng Pinoy, invalid po ba ang kasal? Kung invalid paano ipapatanggal ang invalid na kasal?
Kung hindi kais na advice ang NSO sa divorce tapos nagpakasal agad considered invalid yung pangalawang kasal kasi legally valid pa yung uanang kasal nung maganap yung 2nd eh. Ang gusto ulit gawin ay ipawalang bisa yung 2nd?
hello po, pano po pag magrerequest po ako ng cenomar ng boyfriend ko ng hindi nya alam pero hindi ko po alam yung maiden name ng nanay nya, okay lang po ba yun?
kialngan yun eh ano ba middle name nya yun ang maiden name ng nanay nya.
Thanks ulit…hindi na rin ako mag kaso kasi after we sign that papers 5 years ago hindi naman na kami nagsama balik na sya sa pinakasalan nya ng una.. ma clear lang record ko sa cenomar habol ko ..I pray na may makatulong sa akin..
Welcome!
last question pala magkano kaya magagastos ko sa problem ko na to..
Depende sa lawyer na makukuha mo.
16 ako nung kinasal wala daw tong bisa kc minor po kaming pareho ng ex ko nag plan kami ng kinakasama ko na mag pakasal kc nasa tamang edad na kami itong april pinakuha kami ng cenomar ask ko lang po pag kukuha po ba kami nito lalabas pa din po ba ung dati kong kasal na kht walang bisa salamat
Maaaring lumabas pa din lalo na kung na-rehistro yung una mong kasal. Kahit na minor kayo pareho nung una mong asawa at the time of your marriage, maaaring kailanganin niyo pa din mag file ng annulment para maging formal ang declaration na ang kasal mo sa una ay null and void. Ang magiging resulta ng annulment case niyo ay ab initio, kung saan ang kasal ay walang bisa mula pa sa umpisa — na parang walang nangyaring kasal.
Hindi pwedeng basta ka na lang ulit magpapakasal. Kailangan mo pa din dumaan sa annulment process.
Wala pa eh..kasi alam ko kahit papano mas mabilis kasi kasal naman sya sa una..lalapit cguro ako sa PAO
Yes tama sa PAO ka na lumapit kasi may case ka naman talaga.
Thanks sa reply how long it takes kaya pag aanullment wala bang mas mabilis na process need it badly lang kasi nasa huli tlga pagsisisi
6 months to 1 year inaabot ang process nyan. May kilala ka ba na tutulong sa iyo?
Ask ko lang kumuha kasi ako cenomar ayun lumabas na kasal ako napasok pala sa nso, pero yong lalakeng napakasalan ko kasal na sa una gusto ko sana ma clear na record ko sa nso at maitama pagkakamali salamat sana matulungan nyo ako GODBLESS
Well may reason ka to i file ng annulament. Consult ka na sa abogado.
my requirements pa po ba para makuha ng cenomar ? tnx
CVomplete details lang and I.D. Pwede ka din mag request nyan sa http://www.nsohelpline.com para i de deliver na lang sa iyo.
magandang gabi po..tanong ko lang po kung wala po bang record sa nso ang kasal namin ng asawa ko ibig sabihin wala bisa ang kasal namin?
kasi gusto ko mawalan ng bisa yung kasal namin..nong nasa saudi po kc ako sumama siya sa ibang lalake tangay ang dalawang anak namin hindi ko po alam kung nasan na sila..wala po ako contact sa kanila simula nong 2012 hanggang ngayon..ano po ba maganda kong gawin?
Check mo sa munisipyo kung naka record yun doon valid pa din yun. may mga case lang kasi na hindi na po forward sa NSO kaya wala.
kpag po b ikinasal ung grl sa lalaki na wla naman tlga brthcertcate ung grl..gnwan lng po ng peke..valid po b ung ksal nila
Bakit ginawan ng pekeng B.C ano rason?
Hi po gusto ko po mgtanung how much po magagastos sa pagpapawalang bisa ng kasal
Mga 180 to 200k or more pa yan and almost 1 year to process.
Master, 15 years na po akong annulled. Magpapakasal na po ulit ako so, kumuha po ako ng cenomar. Nang marelease po ito galing sa NSO hindi po cenomar ang nakalagay kundi “ADVISORY OF MARRIAGE” thn nakareflect parin po ang dati kong kasal. Nakalagay din po duon na ” Remarks/Annotation: WITH DECLARATION OF ABSOLUTE NULLITY OF MARRIAGE” ang tanong ko po ay kung valid po ba ito as cenomar? Cenomar po kasi ang requirement sa marriage ko sa ibang bansa. Ano po dapat ang nakalagay sa cenomar kapag annuled ang isang tao? Thank you in advance po. Patulong po di na po kasi ako makatulog sa kaiisip.
Yes may remarks na null and void eh. So pwede na yan as requirements sa kasal mo.
Hello po need ko po advice nyo..kumuha po ako ng cenomar pra supporting documents ng fiance visa application ko sa uk kaya Lang po yung naka lagay po na purpose of request sa cenomar kois employment abroad,pwede po ba yun pra sa fiance visa ko o kailangan ko ulit kumuha ng Bagong cenomar..salamat po.
Depende sa embassy yan eh. Kung required nila na dapat naka specific purpose kuha ka ng bago.
ilang buwan makuha dto ncr ung live birth tpos n nka register sa lcr zamboanga city nung feb. 2015 lng
Mag antay ka muna ng 3-6 months bago mag request sa NSO.
Master, ask ko lang po. Pede po ba maging grounds ng annulment ang mga sumusunod:
Una, kinasal sila 21 lang ang babae at pineke lang ang parents consent
Pangalawa, walang nakalagay na coirt number sa M.C
Pangatlo, isa lang ang witness sa kasal
Pang apat, walang ceremony na naganap. Pirmahan lang. Walang judge or walang nag kasal. Fixer lang. Sa manila cityhall naganap ang kasal. Ang fixer n nagkasal ay wala na doon. Kung tutuusin dapat po my court number kung san kinasal. Pero wala. Kaya obvious na hndi ito dumaan s tamang proseso.
Maaari po ba ito maging grounds? Salamat po. Ty
Bakit nakakuha ka ba ng kopya ng record sa munisipyo at NSO?
My record po sa NSO at sa cityhall. Ask ko lng po kung pwede ito maging grounds ng annulment or magfile ng declaration of null and void. No court number, 1 witness, no ceremony, no seminars, hndi dn sila ang mismong kumuha ng marriage license, at pirmahan lng po ang naganap. Fixer lng po.ty po
Kung may proof ka pwedeng maging ground talaga yan.
Good Day po,
Master ask ko lang po if valid po yung married ko last September 2013, ang date po kase ng Wedding ko is 21st day of september pero nung nagpunta po ako sa NSO pinapacheck ko po May naka reg. daw under my name and my partner pero Sept. 20, 2013 po ang nakalagay.
Na confused lang po iase ako kase mas nauna ung date ng registration kesa sa mismo g araw ng kasal namin.
At tsaka automatic na po bang ma register un kahit after ng kasal namin ay hindi na kami ang nagpa teg. Sa munisipyo. Ni isang papel na katunayan nung araw ng kasal namin ay wala po kaming hawak. Posible po bang hindi un nairegister pa? Need ko po maagang sagot nyo master. Thank you po and more power.
Baka nman nagkamali ng paglagay ng date sa dokumento nyo kaya yun ang na file.
May expiration po ba ang cenomar?
Good for 6 months.
Ask ko lang po kung ilang buwan bago mapawalang bisa ang kasal ko null and void at pwede na po ba akong magpakasal ulit….
1-2 years inaabot ang annulment process.
Good pm po master Ask ko lang po kung ilang buwan bago mapawalang bisa ang kasal ko null and void 10yrs na po kaming hiwalay ng dati kong asawa my sarili na po xang pamilya at 2 na po xang anak balak ko na po din pong magpakasal sa bago kong asawa pwede po ba akong magpakasal habang hinihintay ko po ang resulta ng na file ko na….
Magiging conflict yun kasi hindi pa nawawalang bisa yung kasal mo nagpakasal ka na.
16years old lang po ako nung ikinasal bale ginawang 18 years old sa marriage certificate namin ng dati kong asawa nag file po ako ng null and void mga ilang buwan po ba ang process pwede ko po bang idagdag ung divorce ko kung sakali sa nafile kong null and void maraming salamat po master..
Dapat mabilis lang yan kasi invalid yung kasal na yun dahil minor ka pa nung mangyari yung kasal na yun.
Ask ku lang pu nag pakasal pu ako sa japannes citizen pero dito pa lang sa pilipinas ..kinasal kami nung march 14 2015 pero hindi pa na rehistro pinilit lang kc ako ipakasal pero gusto ku mag pakasal sa Tatay ng anak ku my kaso pu ba dun ?
Nag check ka na ba na hinid talaga naka register? Kuha ka muna sa munisipyo at NSO ng prrof na wala talagang record.
good am po itatanong ko lang po sana kung maaring ako ang manguha ng cenomar ng magulang ko nasa abroad po kasi ang mama ko kaya di nya maisakaso gusto lang po namin malaman kung kinasal po din ba sya sa kinakasama nya ngaun.at kung sya po ba talaga ung totoong tatay nung panganay nia
Pwede naman alam mo naman full details nya eh.
ang report of marriage ba ay galing din ng NSO?
Yes. Yun ang resulta kapag nag apply ka ng CENOMAR pero may kasal ka.
Hi Master, i am a widower for 5 years na. Posible ba akong makakuha agad ng CENOMAR?
Hindi ka na makakakuha ng CENOMAR ang makukuha mo ay report of marriage mag attach ka ng Death certificate ng asawa mo para pwede ka na ulit pakasal.
Ask ko lang po, kumuha po ako ng cenomar ng husband ko, at nakita ko po ang result na kasal sya s akin at sa bago nyang partner. D po ako na inform na annuled na ang kasal namin, possible po ba na annuled n kaya sya nakapagpakasal s bago nyang partner? Last year po sya kinasal april 2014, ano po ba dpat kp gawin
Check mo sa NSO kung may update yung kasal nyo ng annulment. I paliwanag mo sa kanila yung nakuha mong report of marriage.
mqaster good morning po. Nakakuha na po kami ng Cenomar nung boyfriend ng pinsan ko. Nakalagay po dun na dalawang beses syang ikinasal sa magkaibang tao. Ung pangalawa nga po ay recently lang. January lng po. Pero wala pong nakaattach na annulment o wala pong notation na pina annul ang 1st marriage. Ano pong ibig sabihin nito? Legal po ba ang parehong kasal? O posible po kayang sa marriage contract na nasa LCR nakalagay ang notation na annuled na sya? Naguguluhan po kc kmi kung annuled sya sa 1st marriage nya d po ba dapat nakareflect sa cenomar? Sabi ko kc nya october last year daw po sya nagpaannul
Posible namang sa M.C pa lang nakalagay yung annulment kasi baka hindi pa siya nag presnt ng copy nung annulment nung kumuha ng CENOMAR. Kuha kayo ng copy nung M.C baka may annotation na. Pero kung nung January lang nakasal imposible namang na annul agad.
Salamat po sa reply master. Bale sabi po nung guy October last year daw po siya nagpaannul tpos January this year sya nagpakasal ulit.Para nmn pong ang bilis maannuled considering na nasa ibang bansa pa sya. So d po pala talaga magrereflect sa CENOMAR nya ung annulment nya hanggat d pa nya pinepresent ung annulment nya sa NSO pero nakareflect na agd dun sa CENOMAR ung 2nd marriage nya nung January 2015 w/o annotation ng annulment from the first marriage.
Yun talaga ang lalabas kasi may mga kasal na nganap sa tao na yun.
master, posible po ba na october 2014 pa lng nag asikaso ng annulment tpos nakapagpakasal na ng January 2015 ? pwede po bang mangyari lahat un ng ganun kabilis?
Masyado ngang mabilis. May finality na bang pinakita nung annulment?
ano po dapat nmin gwin kmi nkasal na 2011 po valid po un kasal nmin may mgagawa po b kmi kxe ang lumalabaz po sa cenomar 2 kmi ksal sa asawa ko po master pno po mawalang bisa na un kasal nya du sa una dhil wala namn dw po bisa un..matagal po ba ang paglakad nun?tnx po
Ipa file pa din nya ng annulment yun medyo bibilis ng konti ang decision nun kasi may kasal pala yung dati nyang asawa sa iba.
master gud eve po ask ko lng kung panuh toh kinasal kmi ng 2011 ng asawa ko ang sabi kxe wala bisa un kasal sa dati nya asawa babae dhil bgo cla ngpakasal ng 2001 ay kinasal ncya sa ibang lalaki ng 1994 nalaman nya un ng nghiwalay na cla ng kumuha kami ng cenomar nun dati nya asawa lumabas sa cenomar at un samin din po
Tama naman siya. Kaya lang dapat ginawa nya official ang pag papawalang bisa nung kasal na yun.
Hi Po Good morning gusto ko lang sana mag ask po nasa abroad fiance ko? makaka kuha ba kami ng Marriage License kahit nasa labas siya? I mean ako lang aasikaso lahat? kasi gusto niya pag uwi nya dito kasal na agad kasi po hektik masyado schedule nya 8days lang po kasi bakasyon nya?? pwde po ba?
Pwede naman basta may mga requirements kayo ang mas maganda kung may representative siya na sasama sa iyo lalo na yung kamag anak.
Master, may itatanong lang po ako maaari po bang maikasal ulit ang dati kong asawa ganung hindi pa naman annulled ang kasal namin. ikinasal kasi sya sa dating daan hindi ba sila nahingi ng requirements like cenomar kapag nagpakasal sa religion ng dating daan? maraming salamat!
dapat nanghihingi sila. Pwede mo silang ireklamo kung gusto mo lalo nat may ebidensiya ka.
master, ano po ba kelangan kong gawin at ipakita para maproved ko na totoong kasal sila? kasi ang hawak ko pa lang naman po M.C namin ang picture nila ng kasal nils thru sa fb. Kapag po ba ako ngreklamo mauungkat pa po ang mga nakaraan kasi may kalive-in narin naman po ako ngayon at may anak na katulad nya may anak na din sya sa asawa nya ngayon ang habol ko lang naman po maialis na sakin ang apelyido nya kasi sa lahat po ng docs and id ko surname nya na ang gamit ko. sana po masagot ninyo ang aking katanungan. maraming salamat po.
Pwede ka naman mag file ng annulment eh mag compromise kayo na siya ang gumastos or maghati kayo.
Master, tanong ko lang po kung okay lang po na iba ang nakalagay na pangalan sa certified person at iba sa requested person.? For US Visa interview po. kasi… thank you
Ok lang naman. Basta tama yung detail nung may ari ng documents.
hi po master blog ,,hindi po ako ngpadala consent letter With Power of atty. kasi diko rin alam kong dito kukunin yan, but uuwi nalang po ako NeXT month ,tanong ko kailangan ko pa ba yan consent letter With Power of atty. kong ako kasama nya kukuha Nang Passport?tnx po.
Kung ikaw kasama ng anak mo mag a apply hindi na kailangan pero dapat may aoointment kayo bago mag punta sa DFA ha.
di po kc tanggapin ng cfo ung divorce nla sa japan cguto nla dito sa pinas ipa annul pa..di nmn po makita na ung babae.
Pwede ka naman mag file kahit wala yung babae basta alam nyo kung saan naka tira dati yung babae doon ipapadala yung demand letter.
pilipino po ung huli po nya asawa nakakuha nmn po ako ng marriage certificate po nmn sbi po kc nla di daw po valid kasal nmin..dhil po dalawa po kmi nakalgay sa cenomar..
Na annul ba yung una nyang kasal|?
hindi po daw nla report dito sa pilipinas sa japan po kc cla kinasal 2008 pa po..hindi rin po kc alam ng asawa ko na kailangan e annul ung kasal dito sa pinas basta ni report lng po nla sa embassy ng piliinas sa japan..pano po ba gagawin ko po di po kc ako mabigyan ng certificate ng cfo dhil po sa dhilan na di pa daw po annul asawa ko dito sa pinas..pinagtataka ko pa po bkit po hinayaan ng embassy na ikasal ako un po pla hindi pa annul ksal nla ng ex wife nya..ano po ba dapat kong gwin?
Dapat ma annul muna yung unang kasal. Kung sa japan naman sila nakasal pwede naman ang divorce dun diba baka pwede yun tapos i report dito yung divorce.
mater kumuha po kc ako ng cenomar ng asawa kong japanese bkit po dalawa po lumabas sa cenomar pano po ba un..?ano po ibig po sbhin nun..
Anong dalawa?
Master. Ang akin po kasing bf ay kinasal noong 17 pa lang siya sa mayor. After 1 year nghiwlay nrin sila. Balak po nmin magpaksal ngaun 27 na po kmi pareho. May bisa po b yung kasal nila eh alam ko po pag wala sa wastong gulang void ang kasal. May kailngan pa po ba kmi ayusin para makapag pakasal kami.
Kung naka register yung kasal valid yun. Pero may rason na mapawalang bisa agad kasi minor yung involved.
Master..dun po sa tanong ko dti about sa bf ko knasal noong 17 plng xa. Sbi nio kung nkalista ay wla bisa. Ngtanong dw kc xla s munucpyo after 1 yr wla dw dun ung marriage contract.
So ibig sabihin wala silang kasal. Nag check na din ba kayo sa NSO?
pano po ba makakuha ng cenomar ng asawa ko japanese dito sa pilipinas wla po kc cya dito need ko po kc sa cpo…
Sa NSO or sa nsohelpline.com Basta alam mo dapat yung full details nya.
Pag po ba kumuha ng Cenomar ang Husband ko ano po ang maaring lalabas sa CENOMAR nya? Ung kasal po sa una? or ung dlwang kasal po?
Yung dalawang kasal kung naregister pareho.
Thanks Master, if ever po ba na ang misis nya ang kukuha ng CENOMAR ano po ang lalabas Sir?
Yung kasal nya na naka register sa NSO yun ang lalabas.
Master, kinasal kami pero Ung age ng x husband ko Ay 16 binago nila ginawa ninang 18. Ung kasal po ba namin fake? Himalay n kmi 14 years n.. Balak namin mag pakasal ng bf ko. Ano po ba dpat Kong gawin.
Na check nyo na ba kung naka register nga sa NSO at munisipyo yung kasal nyo?
Master may tanong po ako pnu kung ksal AQ sa una pero mtagl na kming hwalay at nag karoon kmi ng kasultan na hwalay na kmi.at mron ako ngayon bagong aswa at gsto nya magpakasal kming dalwa .pero may record po ung kasal ko sa una kc kmuha AQ ng mc sa nso .pnu gagawin ko ngayon master..sana po sagtin nyo ung tnong ko..salamt..
Kailangan mong ipa annul yung unang kasal mo bago ka magpakasal.
Hi po, married ako abroad to a Filipino guy who was previously married in Philippines but already seperated. Nasa Dubai na rin ang wife nya as OFW, now ask ko lang kc gusto ko mgpachange name using my husband name hir sa passport. One of the requirements is magfill up ako ng form ng REPORT OF MARRIAGE sa Philippine Embassy dito dhil dto nga po kmi kinasal. Now ang question ko is machecheck ba nila or sa Pinas na married ang husband ko sa Pilipinas? Or malalaman lang nila if my nagreklamo o nagreport? Help me on this master…
Kapag may nag reklamo doon ito malalaman.
master ask lang po natapos na kc ung annulment ko then kailangan ko nalang dalhin ung referral sa san juan city hall kc dun dw mangagaling ung orig. annulment papers ko. gaano po ba katagal ang tumatagal process dun? kc po after dat dw eh authenticate nlang sa nso then tapos na mabilis nadin po ba un? salamat po
Kapag may decision na yan ang gagawin ng city Hall ay i forward yan sa NSO tapos after a week mag follow up na kayo sa NSO. make sure lang na may proof kayo na nafroward na ng city hall bago kayo mga punta sa NSO ha. Usually yung resibo ng courier na nag forward ang prrof nyo.
hi po! ask ko lang po ms joy annulled na pp kasal nyo? ask ko lang magkano po ba nagastos nyo if you don’t mind? thankspo
Hi po i need advice po first time ko medyo naguluhan ako,andito po ako sa jordan now at gusto po namin magpa kasal cyprus american po siya!may CENOMAR po akong nakuha naka authenticate na sa foriegn affairs philipines at saka sa embassy sa jordan ang problema ko po yong birthcertificate ko sa NSO nka SECPA lang po pero sabi ng embassy kylangan pa daw epa red rebbon sa manila medyo complicated na po,kauuwi ko lang galing pinas pwede po bang gamitin ang Nka SECPA na birthcertificate kahit hindi nka red rebbon sa kasal namin?thank u po!
Requirements kasi dyan sa embassy dapat naka red ribbon ng DFA Manila ang mga dokumento. Yung embassy na dyan ang kausapin mo kung kulang ka na sa araw para ma process yan.
Gud day po sir,ask klng po,ksal po ako since 1995,then naghiwalay kme ng wife ko dhil ngkaron po sya ng relasyon s ibang guy..2007 kumha ako ng cenomar lumabas po na result is single parin ako samantlang ksal nko since 1995 bkit po gnun ang nagyari?pede pla magpaksal ng ilang beses ang tao kc khit ksal kna lalabas prin na single ung kkunin mo n cenomar pwera nlng kong magpakita ako ng evidence to prove n ksal na ako,pano po nangyari ang gnung bagay?late naba naregister ung ksal ko b4 or dpa naiforward s system nyo ung ksal ko pagkakuha ko ng cenomar?tnx…
Baka hindi pa na forward yung record ng kasal mo kaya nakakuha ka ng CENOMAR. Nag try ka na ba dati na kumuha ng NSO M.C nyo?
regarding po sa civil merriage.nagpakasal po ang kaibigan ko na walang present ng mga magulang at ang nilagay nalang dito ay patay na kahit,buhay pa maapektuhan po ba ang merriage liceanse nila?
Marriage License? Kasal na kamo diba?
hi master!
ask ko lang po kung may chance po ba na maging legal wife po ako ng aking asawa? naikasal na po xa last 2010, pro ikinasal po kami last dec. 2014. afte one year ng pagsasama nila naghiwalay dn po agad cla, pro wala pong annulment na nangyari. during his marriage with his ex-wife never po cya nagpachange status or ngdeclare n married cya. is there a chance po ba na ako ang ideclare nya, at posible po ba na maging valid ang kasal namin? and kung mkakakuha po kaya ako ng record na ikinasal kami with his name na ako ang lalabas na asaa nya? or kung hindi man ganyan na maging legal nya ako, ung xa ang legal ko at sa marriage cert. eh llaba po ba na husband ko cya? Thak’s po
So far hindi ka legal na asawa kasi hindi pa napawalang bisa yung unang kasal nya. Kung kukuha ka ng M.C nyo sa NSO makakakuha ka naman.
Dapat ipa annul muna yung una nyang kasal. Paano kayo nakasal eh unang requirements sa ay CENOMAR paano siya nakakuha?
hindi na po kami hiningian ng cenomar ng nagkasal samin. kung xa po ang kukuha ng marriage certificate, posible po ba na ako ang nakasulat na asawa nya? nbabahala po kasi ako. alam ko pong mali ginawa namin, kaso wala nmn pong panggastos for anulment nla ng x- wife nya. kailangan po namin kasi na magkaaplydo kami pra hindi mahirapan mngibang bansa. kung ako o xa ang kukuha ng marriage crtficate nmn makakakuha nmn po dba? so kung walang mghahabol wala pong mgiging problema pag-alis namin tama po ba? salamat po
Basta ba pangalan mo ang ilalagay nya sa wife’s name sa form ng NSO at naka register naman yung kasal nyo makukuha yun.
and one thing pa po, kung magchachange status na po xa na ako ang ilalagay nyang asawa at beneficiary nya okey lang using our marriage certificate ok lng po un? as long as hindi nmn na mghahabol ung first wife nya?
Oo naman pero may right yung dating asawa na maghabol ha kung gagawin yun.
thank you sa mga sgot ninyo… sobrang nakatulong po sa akin ito
Welcome
Master Good Day po!
Ask ko lang po sana if paanu ko malalaman na nagpakasal ang BF ko?Nasa kanila po kasi siya at umuwi po ako dito saamin.Nalaman ko nlng na pinagbabantaan siya ng AMA ng babae pakasalan ito.Paanu ko malalaman na nakasal sila?Sabi kasi niya hindi daw natuloy at nakancel niya daw.Buntis po ako ngayon,8 months na.Sana ma help nyo po ako.
at pwd po bang makakuha ako ng Certificate of Singleness niya?At anu-ano po ang kailangan?Thanks po ng madami 🙂
Sa ngayon kung kukuha ka ng CENOMAR or singleness meron pa yan magpalipas ka muna ng 6 months.
I check mo sa Munisipyo nila kung may naka record na kasal. Kung sa NSO kasi hindi agad na re record ang kasal lalo na kung sa province ito ginawa mga 6 months pa bago ito malaman.
Pwd po ako makakakuha ng Cenomar niya basta papalipasin ko ng 6 months kahit hindi po niya alam?At anu-ano po ang papers na kailangan para makakuha ako nun Master? 🙂 Gusto ko lang po makasiguro.Hindi po kasi ako mapakali.
Yung complete details lang nnya ang kailangan mo. Mas mabuti kung more then 6 months bago mo i check para siguradong pumasok na sa archive of marriage yung kasal nya kung meron. Mas madali kung sa munisipyo sana.
Ano po b mga requirements sa pagkuha ng cenomar?ung bf ko kase ofw aq nlng kukuha nung kanya anu po b mga kailngan para mkuha ko Din ung cenomar nya
Dala ka ng I.D mo at dapat alam mu yung complete details nya.
MasterC consult ko lang po. Gusto ko po xe magfile ng annulment sa asawa ko. matagal na po kmeng hiwalay, 8+years na. May nabalitaan po akong nakakuha xa ng philippine passport using her maiden name eh kasal na po kme nung time na kumuha sya. maliban pa don eh nakakuha xa ng dual citizenship (spanish), may lahi po xe silang espanyol. kumonsulta po ako sa isang abogado at nakwento ko po yung nangyari at itong detalye tungkol sa passport nya na pangalan nya nang pagkadalaga ang ginamit. qualified daw po ung sa psych incapacity so may legal ground ung iffile naming annulment case. ang problema ko po is papano po ako makakakuha ng kopya nung passport na un para magamit bilang ebidensya sa pagfile nmen ng annulment case? may mga kopya po ako ng MC namen galing ng NSO, meron nrn po akong nakuha na cert true copy sa municipal civil registrar. saan po at papano ko po makukuha ang kopya ng passport nya para magamit na ebidensya? salamat po!
Unang passport nya ba yun? In case na kailangan mo yung kopya ng passport nya pwede ka naman mag request sa DFA nun pero may court order dapat.
Bale nakakuha muna xa ng Philippine passport (which is using her maiden’s name), tapos after sa tingin ko inayos na nila ung dual citizenship nya kaya ang gamit na nyang passport ngaun is yung Spanish passport nya. from what i’ve known, this year nasa california xa.pero recently nalaman ko frm her sister na nasa london na daw xa. i was trying to ask a copy of the passport from her sister if she has pero wala daw iniwan and they do not know the details din po. papano po ako makakakuha ng court order? pano po ang process nun? hindi po ba pwedeng punta ako ng dfa derecho with my documents proving that i am the husband and i need a copy of her passport? please pahelp namn po.. salamat ng marami..
Try mong pumunta sa DFA Records division doon ka mag request ng copy.Sa DFA Aseana ka pupunta.
d po b pwede sa dfa tuguegarao?
I try mo kung pwede.
Hello po gusto ko lang pong tanungin Kung pano ang gagawin ko divorce po Ako sa unang kasal ko at underage Ako nung kinasal kami 16 lang po Ako at ginawang 19..naghiwalay po kami nuong 2004 at sa kasalukuyan po at Kasama ko na mga anak ko dto sa canada at na grant po ung divorce namin dto dahil nd ko po xa isinali sa application ko nuon for permanent ei balak ko pong magpakasal sa kasalukuyang bf ko pero from the beggining null and void na po ung kasal namin ano po maganda kong gawin para wala pong hassle sa pagpapakasal ko ulit……maraming salamat po
Kailangan mo pa din itong ipa annul or i file yung divorce mo dito sa Pilipinas para ma null and void yung kasal nyo.
ask ko lang po kung pwede po mging valid reason ng pgpapaannul ung fake name ng asawa ko,at 2yrs. nrin po kc sya hnd ngsusuporta at walang contact samin
Fake name as in buong name?
master nagpakasal po ako nung february 3 2007 gusto ko po sya makuha dito sa japan kase permanent visa na po ako dito kaso lagi po sya nadedeny kase ang gender pala nya sa birthcertificate e female.. pero po sa marriage certificate namin male naman nakalagay.. may anak po kami pero dahil nga malabo ang nangyari at nagkaron na po kami ngayon ng kanya kanyang pamilya at nagkaron na rin po ako ng anak sa iba ngayon.. pwede po bang mavoid ung kasal namin at makapagpakasal ako sa iba tutal ang birth certificate naman niya e female sya at wala naman sya balak ayusin un.. wala na rin po ako akong contact sa pinakasalan ko noon.. gustong gusto ko na po maayos ang mga papers ko dahil mahigpit po dito sa japan.. what to do master? need parin ba ng annulment un? kahit na alam naman natin na hindi valid ang female to female magpakasal? o pwede mavoid un?
Kailngan mo itong i file ng annulment. Mag consult kayo sa abogado na kilala nyo.
un na po kaya ang best na magagawa dun? 18 palang po ako nung nagpakasal kami(civil) .. ala pong parent consent. annulment parin po ba yun kahit na female naman po sya sa birthcertificate niya..
Yes kasi may kasal kayo na naka register eh. May ground ka naman kaya madaling ma ga grant yung petition mo.
Hi Master,
Ask ko lang po kase kumuha po ako today ng cenomar pati ung para sa fiance ko, Nov 11 po anf release. may possibility po ba na makuha ko ito if ever pumunta ako dun ng Nov. 10? thanks po
Hindi sa 11 mo talaga dapat balikan.
Good day Master, magtatanong po ako. Papano po kung kasal pa kami ng asawa kong americano tapos po nagpakasal siya ulit sa Pilipinas.. Mabibigyan po ba UN ng lisence? Sabi po kasi ng asawa kong americano void daw po ang kasal namin dahil wala siyang Middle name at di po mayor ang nagkasal sa amin, pero binigyan po ng autorized ng mayor na gawin ang ceremony pero si po siya pipirma. Mayor pa din po ang pipirma nun.. Ngayon po my lisence po ang kasal namin nakuha ko sa NSO.. Pwede po bang maging void pa din UN?
Kung naka register yung kasal nyo sa munisipyo at NSO valid yung kasal nyo. Yung gagawin nyang susunod na kasal ang invalid kasi hindi pa naman kayo annuled. Pwede mo siya makasuhan kapag nagpakasal siya ulit na hindi pa na annul yung kasal nyo.
hi good afternoon po..ask no lang po kung ano ang exactly civil or judge wedding requirements between me and my korean fiance? is it true that for me as a filipino I only need this following, NSO birth certificate, cedula, parental consent, but I’m already 27 years old and we need to attend seminar? kailangan no pa na kumuha ng CENOMAR even its civil only? kindly waiting your response.
thank you
CENOMAR kailangan nyo talaga mag present nyan both parties. Yung mga sinabi ming requirements kailangan mo din yun except for parental consent kasi 27 ka na eh. Seminar depende sa mag pre preside ng kasal nyo.
Master ang proseso po ba nito e prang anualment din?2006 pa kc kme divorce.mga ilan months po kaya bka matapos ang prosesong ito,pls sana po mapayuhan nyo aq mrme slamt.wla po aq kakilala abogado pra dto kya po plan ko aq nlng mismo pagackso,d po ba mhrap ang pgaaus nto
Parang ganun nga ang proseso mga 6 months or higit pa aabutin yan.
Gud pm master. Ask kulang po kc kasal po ako sa una kong wife pero iniba ang idad namin. Wala rin po ang magulang ko nung ikinasal kami. Tyohin kulang po at sakanya kompleto magulang nya. Mali dn po ang spelling nang apelyedo ng mama ko. Kya pag kukuha ako ng mc. Hindi nakalagay na kasal ako. Pero sya kumoha sya ng mc kasal siya sa akin. Ofw ako sa qatar niloko nya ako. May anak kami 2 hiwalay na kami 6yrs na. May kalive in na ako may 1 anak at cya dn may anak nrin 1 sa ibang lalaki. Valid bayung kasal namin?
Naka register ba yung kasal nyo sa munisipyo? Valid yun kung naka register pero may mga ground ka para ma i file ito ng annulment. Kailangan mo ng abogado.
Master mgkanu po kaya mgagastos ko sa rtc at mga ilan buwan po ba bgo ko mkuha ang rrsult salamat po
Actually wala akong idea kung magkano ito aabutin. Kaya sana kung may kilala kang lawyer pa assist ka. Make sure lang na laging may resibo ang binabayaran mo.
O kht po ba iforward ko sa rtc un divorce paper ko klngan ko prin kumuha ng abogado pra mwala ng bisa kasal ko…
Kung may kilala kang abogado pa assist ka para mas madali mong magawa.
San po aq pwde mkakuha ng copy ng divorce sa city hall ba kng san kme ngfile ng divorce sa japan o sa philippine consulate sa osaka po slamt master
Doon sa kung saan nyo ito na file.
Master sori kung my kakulitan aq,kpg po ba ndala ko na sa rtc un divorce paper galing japan syempre po ifoforward nla un sa nso pra ma update marriage ko,kpg po ba ngyari un mawawalan na ng bisa un kasal ko at d ko na po ba klngan ng lawyer pra dun..?hihintayin ko ko lng po ba result pra mkpgpakasal n ulit aq at mgamit ko na maiden name ko,kpg po ba naprocess na nila un automatic mgkakarun na ng annotation MC ko,sna po mabgyan nyo prin aq advice salamat po master God Bless po
Pag na file mo na yan sa RTC ng Manila may ibibigay silang kopya sa iyo nung ginawang proseso pag follow up mo sa NSO dala mo dapat yun para yung annotated na kopya na ang ibigay nila sa iyo.
Master panu po ako makakakuha ng copy ng divorce ko andto na po kc aq sa pinas.pwde ko po ba ipakuha sa japanese boyfriend ko,ibibigay po ba sa knya un?anu po kelangan nya dalhin pra mkuha nya un copy n divorce ko.tsaka master hndi na po ba aq dadaan sa proseso ng anualment.?kpg kumuha po ba aq ng bgo passport gmit ang maiden name ko d n po b aq hahanapan ng anualment paper,psensya na po litong lito n kc aq slamt po
Hinid ko din alam kung pwedeng ipakuha yung kopya hapatanong mo na lang. Hahanapan ka ng annotated na M.C pag ibabalik mo sa pagkadalaga yung name mo sa passport.
Master kpg po ba ndala ko un divorce paper ko sa rtc manila cty hall at naprocess po nla un sa nso automatic po ba wla n bisa un kasal ko at pde na ulit aq pksal ulit?psensya na master slmt po
Mag kaka roon ng annotation yung M.C mo an nag undergo ng divorce yung kasal mio na yun. Bale wala na siyang bisa.
Good pm master.sna mtulungan nyo po aq.ksal aq dto sa pinas sa isang japanese pro 2ysars lng kme ngsama sa japan ngdivorce dn kme doon.master ano po ggwin ko pwde pa ba aq mkakuha ng record ng divorce certicate nmin sa philippine consulate sa osaka.nun pumunta kc kme dun wla bngay skin kht anu papeles n mgpapatunay n divorce na aq.tanging un passport ko lng na my nkanote na divorce na nga aq sa asawa ko.mkakakuha ba aq ng divorce certificate pra d n aq mgfile ng annualment?o kya po na frward po kya ng philippine consulate ng osaka un divorce ko sa NSO dto sa pinas?panu po ggwin ko wla aq trbho at wla n dn kme kontak dti ko asawa.gsto ko n kc mgpksal ulit sna mtulungan nyo po aq slmt
Yung copy ng divorce mo sa Japan dapat dalhin mo sa RTC ng Manila city hall para ma forward sa NSO at ma update yung record ng kasal mo.I guess kailngan mo din munang ipa translate yun bago dalhin sa city hall ha.
Panu po if plan nmn mgpakasal ng bf ko pero kasal xa nung una kaso hiwalay na po sila ng matagal plan po ksi nyang kunin ako after ng kasal….pls…do help me if anu ggwin nmn
Dapat ipa annul muna niya yung unang kasal nya.
Hello po master may tanong sana ako,kasal po ako ng isang foriegner sa pilipinas pag katapos dinala nya ako sa norway nag kahiwalay din kami sa norway nag divorce kami,sa time na nag divorce kami cetizen na din ako,ngayon po master nka hanap po ako ng bf na Pilipino pwede ba akung makasal sa pilipinas?kasi nka usap ko ang CR sa amin ang hinanap nyang papel sa akin ay divorce paper at legal capacity ok na ba yan master legal ba yong kasal namin balak ko kasing dalhin sya sa norway after ng kasal namin please po paki rply master…
Yung divorce mo dyan ipa submit mo sa Manila city hall para mapawalang bisa yung kasal mo dito. <ag inquire sa Phil. Consulate dyan.
Hello po. Ask ko lang po if ung annulment paper na endorse na sa nso, how many days po iintayin para dun? Pde po ba IPA expedite un? Thank you po
May kopya ka ba nung na endorse na dokumento? After a week na na forward ito pwede ka na mag follow up.
Good pm! Tanong ko lang Po Ano ba dapat konpo Gawin kasi po Ang kasal ko AY null and void? Kasi Po yung asawa ko po e nag sinungaling sakin na hindi daw sya kasal sa UNA nyang kina kasama at Nung KUMUHA Po ako ng cenomar Ay Lumabas sa cenomar Ang pangalan ng kanyang unang asawa? Hindi ko Po alam na totoong kasal po pala sya ano po ba dapat kung Gawin gusto ko na po ibalik sa Dati Ang apelyido ko sa pagkadalaga? Magkano po kaya ang magagastos at GAANO katagal po ang kaso?
Ipa file mo kasi ito ng annulment para ma pa null and void mo.Consult ka na sa abogado.
Hi! Master,
Good day! ..My question po ako bwt sa bf ko kasal po cya sa city hall ng manila feb 29,2007 27yrs old sya,bgo cya kinasal hanggang ngaun mali po pangalan nya Glen Pol sa BC nya pero real name nya Glenn Paul at pra mksal cla kc nabuntis nya at teacher yung babae eh ngpkasal cla na pineke nya lng bc nya at wlang cenomar that time na bnigay nla sa ksal nla. Yung babae ngayos lht wlng ceminar o kung anu bast pumunta nlg dun bf ko pkasal at nguwian na eh hnd nmn cla ngsama simula’t simula. Yung point ko eh kc nung kmuha ko cenomar khapon as Glen Pol my nkalagay na most likely match sa kasal tlga nla pero mali yung date nkalagay sa cenomar March 30 so mali yung date tas San juan manila pa pero kinasal tlga cla sa manila city hall. At never po cla nagsama mula ng kinasal cla. Anu po kaya gawin nmn kc yung glenn paul ay hnd ngeexist sa NSO BC tpos anu po kaya lalabas sa Marriage certificate nya? hnd pa po ako nakakakuha ng MC nya eh cenomar plang. At confuse po ako kung anung name kunin ko sa marriage certificate nya kc yung Glen Pol ang nasa BC tlga nya. wlng Glenn paul na pngaln tga. so panu mkkkuha yung babae ng license kung mali yung BC ng lalaki???? Pls help nmn po almost 6yrs na rin kmi nghihintay syang lng kc mggastos mo sa annulmet kung pwede nmn pla ma null and void or ideny ang kasal kc the whole life nya eh siungle dala nya pati nbi,sss,pgibig,philhealth wla yung anak at asawa nya.??? 🙂
Para ma ipa void mo yung kasal kahit mali yung mga details dadaan pa din ito sa proseso ng annulment. Wla siyang copy ng NSO B.C nya sa ginagamit nyang name?
Hi Master Good Day! Wla po kc nung knasal hanggang ngaun mali pa rin BC nya.Almost 7yrs na gnagamit nya ay single.Tyaka po hnd ngkakatugma yung BC nya cguro at MC dhil mgkaiba pangaln.
OO pero yung details ng Birth nya name ng parents andun din diba. Inquire nyo na sa abogado kug pwedeng magamit na ground yung mga error na yun.
hello po master!my question is kung mag file po ako ng annulment how long does it takes?my ex and i we are both agreed na ma void ang kasal nmin,kc may sarili na din sya family and 3 childrens in his new wife,we are separated at 14 yrs.now,do you think this procedure does it takes too long,if we have agreed to each other to void our marriage?and if i file the annulment,kailan ho ba lumalabas ang finality?pls.reply me po para i heard your some advices.thanks in advance po.leslie
Usually inaabot ito ng 6-12 months bago mag karoon ng finality. Pero batas ngayon na kapag 10 yrs na kayong hindi nagsasama as mag asawa pwede ng ma void yung kasal. Consult kayo sa abogado tungkol dito para ito na yung gamitin nyan ground sa pag file.
hi po master!thank u po sa pag sagot nyo sa akin.my question po is pwede ho ba kami gumawa ng kasulatan sa munisipyo na don na lang kami mag pirmahan ng ex ko?kc 14 yrs,nman na kaming hindi nagsasama eh,sa laki ho kc ng maggastos sa abogado den hindi pa po honest ang ibang abogado,kc d2 ho pera pera lang eh,magagamit ko ho ba yung batas na inilakda ni gloria Arroyo??pls.help me.thanks in advance
Yes pwedeng yun ang maging basehan ng case na ipa file mo yung batas na pinasa ni Gloria pero hindi ko alam kung dapat pa itong i file as annulment sa munisipyo nyo na malalaman.
Hello po tanong ko lng po. Kung ang solemnizing officer po ay hindi legal kung hindi po nka rehistro sa NSO pro naka record po ang marriage ko sa NSO pwede po ba ko mag appeal sa civil registry n invaid yung nagkasal smin at cla na po ang mag ayos sa NSO pra i declare n null and void and kasal ko? or kelangan pa tlga i petition sa court?
Ipa file mo pa din ito ng annulment at yun ang gagamting ground ng case mo.
master ask ko lng po if ngpakasal ka n buntis n un girl tpos after 8 yrs mlaman m n hndi pla sau un bata, automatic po b wla bisa un kasal?ano po dpat gwin pra mpwlang bisa un kasal?thanks po
May rason ka para mapawalang bisa ito kasi panloloko yun. Pero ipa file mo ito ng annulment.
Good day po master..may ask lang po ako..kinasal po ako nun 2006 2009 po nalaman ko po my asawa pala yun asawa ko at kasal po sila pero hiwalay na..ngayon po hiwalay narin po kami gusto ko pong magpakasal pero ano po ang dapat kong gawin para makasal ako uli..sabi po kasi nila void daw po ang kasal ko…pero nun 2007 nakakuha po ako ng marriage contract namen..kailangan ko pa po ba ipaayos ang void kung kasal sa isang abogado???advice naman po master salamat po…
Naka-record pa rin ang kasal mo kahit na hindi ikaw ang uang asawa, kailangan mo parin magpa-annul bago makapag-asawa ulit. Since hindi ikaw angu nang asawa, madali nalang ang process ng annulment pero kailangan pa rin ito, hindi kasi ito automatic na VOID ang kasal ninyo, kailangan pa rin dumaan sa legal na proseso.
Master..yung pag papa annul po ba nun kasal ko eh gnun din po ba ang gastos sa legal married??salamat po….ng marami..
Ilan buwan po ba ang proseso para makakuha ako ng nso copy ng mc , kinasal kami july 30 lang po. Mga kelan po kaya pwede ako kumuha ng nso copy
Kapag with in metro manila kayo na rehistro ng kasal 3 months kapag outside 6 months.
vivian.frm bulacan.aug 29,2014 puedi na po ba ulit ako mgpakasal dahil 7 yrs na kming hiwalay ng asawa ko.my kasulatan nman kmi sa munisipyo sa atty na wala ng pakialaman sa isat isa.at mgsu sustento nlang xia sa mga anak nia.dapat 6,400n kada buwan.bigay nia sa anak nia.2 ang anak namin.4thoursand lng vnivgay niya.mhrap lng po ako at ordinary nagwo work sa parlor.kya wala me kakayahan gumastos sa annullment or wat.yung bf ko po factory worker lng.gusto na namin mgpakasal kc 6 yrs na kming nag le leave inn.yung dati kung asawa wlang kinakasama pero pa iba iba ng babae.at my 2 anak na xia sa mgka ibang babae.pls advice poh
Hindi pa din eh kasi hindi naman na annul yung kasal mo. I inquire mo sa munisipyo yung batas na pinasa ni Gloria Arroyo tungkol sa mag asawang hindo na nagsasama sa loob ng 10 yrs pwede ng ipawalang bisa ng kasal nila.
gud am, master ask ko lng po kc po ung x husband ko merong asawang tunay at may anak po cla kasal po cla tpos pinaksalan rin nia ko pero wala po kami anak po ang inilagay po sa mc po nmn ay nag sama dw po kami ng 5 yrs pero hindi nmn po kc 1yr lng po kami nag sama at nag hiwalay n rin po kmi dhil ng malaman ko po n may asawa cia hiniwalayan ko n po cia kagad tapos after 6yrs po nalaman ko po n may asawa po cia ulit at may anak po cla isa 1yr. old po…..kung kukuha po b ako ng cenomar nia ano po b ang makikita ko dun sa cenomar po.kc gusto ko pong mag asawa po ulit ………pakisagot po master…..tanx po
Master tanong q lang po pano kung nkarehistro sa cityhall pero hindi nka rehistro sa NSO valid po ba ang M.C nmin ksi po gusto ko paltan ang apelyido ko ng pagkadalaga para sa sss ko po.
Valid yun. Bakit ayaw mong gamitin yung husbands surname mo?
Hi po! pang second time ko na dito mag inquire… May itatanong lang po ako regarding sa marriage certificate and cenomar…kapag po ba may nakuha na akong Marriage Certificate sa NSO posibilidad din po ba pag kumuha ako ng CENOMAR makikita na ako po ay married na at ikinasal na? Kasi hiwalay na po ako sa dati kong asawa yung dati ko naman pong asawa may asawa narin sa ngayon ang pagkakaalam ko po ikinasal na sya paano po nangyari na pede na syang magpakasal sa iba kung hindi pa naman po naannulled ang kasal namin? kaya tanging yung cenomar nalang po ang basehan kung sya po maaaring magpakasal ulit kasi baka walang record. sana po masagot nyo po tanong ko. Maraming salamat.
Kapag naka record ang kasal nyo sa NSO tapos kumuha ka ng CENOMAR ang magiging result nun ay report of marriage ibig sabihin lalabas doon kung sino ang asawa mo at kaylan ka kinasal. Kung nakasal siya ulit malamg peke yung binigay nyang CENOMAR.
MASTER ask ko lang po kasi ung mother in law ko po gusto po sana magpakasal sa isang candian citizen ang problem po kasal sya but 2nd wife na po sya kasal din po sya sa una pareho pong civil wedding pwede po ba mapawalang bisa un agad since po na 2nd civil po ung sa mother in law ko..kasi dati po ata hnd nadedetek agad if kasal ka or not kasi hnd pa po uso ung cenomar etc..?? ska kapag po ba nag file nang annulment malaki po ba ang magagastos??
salamat po sana po ay matulungan nyo kame..
Since kasal pa siya, hindi siya allowed na magpakasal ulit hanggat hindi pa napapawalang bisa ang kasal niya sa una. Pwera nalang kung patay na ang pinakasalana nya at byuda na sya. Annulment, nasa P150K to P300K ang possible na magastos.
Ask kol lng if i can file annulment to my first husband we are married at 1998 at 2000 we separated,we had 1 son,2002 i married again another man live in we had our 1 son,2006 we separated also now im living alone,i can file annulment to my first husband,he is agree we talk already. About annulment
yes you can file for annulment as long as you both agree in this
cenomar*
mga ilang weeks po ba or days makakuha po ng seminars,. single and never been married,. need lang po kc sa abroad tnx po,.
CENOMAR? 3 to 4 working days delivered nationwide. Lon on ka lang sa http://www.nsohelpline.com or tawag sa (02) 737-1111 para sa CENOMAR na iyong request
Master mga ilan taon ba pag procees ng annul.?tska ilang taon ba kapag pede mn ipaannull un kasal po*salamat po master
Mga 6 mos to 1 year inaabot yan depende sa rason mo. Wala akong idea kung may time frame bago ka mag file ng annulment mo.
Legal po ba ang kasal kung Isa sa amin Hindi totoo yung address na nilagay? Kasi po pra lang makasal kami kaagad nung bf ko nun pineke po namin yung address ko. Wala po kahit Isa sa amin ang residente sa lugar kung saan kami ikinasal. Legal po kaya kasal namin? Advice po thank you!
Kapag naka register sa munisipyo legal yun.
Legal po ba ang kasal pag ang kasal kung Isa samin ng asawa ko yung naka lagay na address sa marriage certificate ay hindi totoo? Kasi po sa lugar namin madaming requirements na hinihingi so yung ginawa namin ay pumunta sa ibang baryo at dun nag pa kasal ng civil pero Hindi po ako taga dun wala sa amin dalawa ang residente dun. Pineke po naming yung brgy certificate namin. 24 lang po ako nun and undyok po ng nanay ko kasi lage siyang nagpparinig na immoral po ginagawa namin na nagsasama lang ng walang kasal napilitan po kmi magpakasal. Legal po kaya kasal namin?
Kapag naka register sa munisipyo legal yun. Hinid naman dahilan yung lugar eh.
master question lang..mali ang surname ko sa CENOMAR.. Instead of MACARAEG.. naging MACARAIG.. ok naman surmane ng father ko MACARAEG naman nakalagay sa cenomar ko.. typo error!!! Help naman po pano gagawin ko….
Sino ba nag fill up ng CENOMAR mo? Kung ano kasi yung nialagy sa form yun ang ipi print ng NSO.
Good morning master.hihingi lang po ako ng opinyon?kasi po kasal po ako sa ibang babae kaya lang hiwalay na kami.may g.f. po ako nasa canada sya gsto nia po ako kunin dito sa pilipinas at magpakasal po kami sa canada problema po namin kasal po ako dito at hindi po ako makakakuha ng CENOMAR kasi kasal po ako.pero if sakali kumuha ako ng CENOMAR sa NSO at sakali po hndi naka record un kasal namin at makakuha po ako ng
CENOMAR sa NSO para magamit kong requirments sa canada embassy para makapunta ako ng canada kasi po gagamitin ng g.f. ko fiance visa para dun kami aa canada magpapakasal at problema klng baka po kasuhan ako gsto klng po malaman un opinyon nio po?salamat po
Kung hindi naka record ang kasal mo sa munisipyo wala kang problema.
Master good morning po salamat po sa reply.tanung lng po ako ulit kasi po kinasal po ako ng 23 years valid po ba un at may parent consent po ako?tsaka master medyo naguluhan po ako sa reply po ninyo ibig sbhn nio po kng hndi naka record un kasal ko sa NSO at makakuha ako ng cenomar ibig sabhn nio master ok lng?sana munisipyo namn wala nmn po ako problema?sensya na po kau master.salamat po
Ganito yan may mga pangyayari na yung record ng kasal hinid na po forward ng munisipyo sa NSO kaya minsan kapag kumuha nag ne negative pero valid yun kasi naka register sa munisipyo ipa pa endorse lang pa NSO yung record para masama sa data base nila.Pero kung hindi ito naka register sa munisipyo at wala din sa NSO hinid ito valid na kasal.
pano po malalaman na finality na un, kasi sabi ng rtc hinihintay pa ung sa munisipyo at sa rtc, my binigay na ang rtc na kopya sa sister ko na akoy divorsed na. iba p ba un. dahil nga sa nso m.c pa rin ng dati kong asawa.
Hindi naman mawawala yung record mo mag kakaroon lang ng annotation yun na null and void na yung kasal na yun. Check mo muna para bago kayo pumunta sa NSO tama yung dala nyo.
lumabas sa korte ung divorced paper ko nung set. 2012. pinapunta ko ung sister ko upang kumuha ng annonated of divorced pero ang binigay p rin sa kanya ung m.c ng dati kong asawa. kaya ngpunta sya sa rtc kung bkt ganun, ang sabi sa kanya intay p ung sa munisipyo dw at ung sa nso. tanda ko nun ngbigay sila ng kopya sa lrc at sa nso. tanong ko anu po ba ang dapat na gawin.
Yung kopyang binigay nila dalhin nyo sa NSO para ma update ang record mo agad. Dapat finality na yun ha.
Magandang araw po master….ilang months po b validity nang cenomar?tnx po…
Good for 6 months.
Master magandang araw po…tanung q lng po kung pwd po b n ibng tao nlng ung pakuhanin q nang cenomar namin pareho…kc pareho po kami andito s abroad..salamat po…
Mas mganda sana kung kamag anak nyo. Padalahan mo ng authorization letter and I.D nyo yung taong uutusan nyo.
Try mo din mag request dito http://www.nsohelpline.com
tnx po sa info master… un ground po ba …. mas mura sa normal na anuulment at mas mabilis or same lang po
The same price mas mabilis nga lang ang process.
gud pm po ask ko po ..kasal sa una nyang asawa kinakasama ko hiwalay na sila pareho ng may ibang kinakasama..pwd dw kami pakasal kung gusto namin d sya hahabol at sa munesipyo lng dw nakaregester wla sa nso..pwd na po ba kAmi pakasal god bless and more power
Hindi pa kasi valid pa yung kasal ng kinaksama mo. Ipa annul nya muna ito para mapakasalan ka nya.
ok tnx po
Welcome
Hi Master, paano po kung hindi nakaregister sa NSO yung kasal ng boyfriend ko sa dati nyang asawa, at single siya sa CENOMAR. Pwede po ba kameng magpakasal? At sa kabilang banda, makakapaghabol po ba yung dati nyang asawa? Salamat po. Sana po matulungan nyo ako.
Sa NSO lang ba hindi naka register? Check nyo din sa munsipyo baka hinid lang na forward kaya wala pa sa NSO kapag sa munisipyo wala din wala pang kasal yung boyfriend mo.
Eh panu po kung meron sa munisipyo, tapos wala sa NSO kaya nakapagpakasal kme, tpos narehistro namen ng bf ko ung kasal namen sa NSO, may habol pa ba yung dati nyang asawa? Thanks po
Hi ask ko lng po meron po kasi akong boyfriend, actually lived in na kme, at buntis po ako ngayon. Kaya lang po un partner ko my asawa na sya pero hiwalay na po sila. Nasa Japan po un babae at Japanese Citizen po sya, pero dto sila knasal sa Pilipinas bago umalis yun babae nagpakasal po sila ang sabi po sa akin ng bf ko agency daw po ang nag asikaso ng kasal nila para makalipad po sya sa Japan. Peroa wala pang 3 buwan ay nag hiwalay din po sila dahil yung asawa nya po ay kinasal na sa Japan at ngayon ay my sarili na ring pamilya, kumbaga sila pa po ay niloloko na sya nito. Ngayon po bago ko sya mkilala hndi ko po alam na may asawa na sya hanggang sa inamin nya po sa akin, at ang gustong mangyari nung babae ay i-void ang ksal nilang dalawa para po maikasal kami ng boyfriend ko, noon daw po kasi ang may gusto na ikasal sila ay yung babae po para daw po maisama sya sa Japan. Kinasal po sila sa noong September 17, 2010 at nag hwalay dn ng December 2010 nakita ko rin po na hindi ginamit nung babae ang apelido ng boyfriend ko ng bumalik sya sa Japan. Nakausap lang po namin sya thru chat at ayun nga po ang sinabi nya ipa void nlng dw po ng bf ko ang kasal nila. Ngayon po malaya po syang nkakapag stay dto sa Pilipinas para dalawin ang bago nyang asawa pero ang kanyang nationality ay Japanese. At yung napangasawa nyang bago ay Pilipino dn. Ngayon po hndi ko po alam ang gagawin ko, naawa rin po ako sa bf ko. Gusto rin po kasing nmen na maging legal ang pagsasama namin pero hndi ko po alam kung paano. Nag try din po ako i-search kung ano ang void marriage pero hindi ko po masyadong maintndhan. Sana po ay masagot nyo po ang aking katanungan salamat po.
Annulment ang prosesong gagawin nyo para ma void yung kasal na yun. Medyo magastos yan at matagal na proseso kung nag a agree naman silang dalawa na i void yan pag usapan nila yung gastos.
Kapag po ba may marriage certificate na nka rehistro na po ba ang kasal nila sa NSO?
kailangan mo itong i request para malaman kung na register na sa NSO.
Kasi po master nakita ko meron silang marriage contract, posible kayang nka register na un? Paano kung hndi? Anu po dpat q gawin? Pkuhanan q po ba sya ng CENOMAR??
Yes pakunin mo siya ng CENOMAR para mas ma verify yung status nya.
nbasa q po d2 s mga message n un pngalawa ksal ay walang bisa, pero hindi p po xa nkakuha ng mc s nso, kung skali po meron record d po ba puede void n lng un kc ksal n ang lalake s una!! Puede po ba 2 record ang lalake s nso, d po b nila mikita un, eh kung skali po my record cila kailangan po annul un,
master ask ko lang po kung anu status ang aappear sa cenomar ko.kung ang marriage ko eh null and void ab initio. illegitimate ksi ako nung kinasal ako 17 plng ako pero ang nlgaykong edad ko eh 19 ..anu po ba result nun sa cenomar ko at pwd po ba ako magtravel abroad gamit ang single status ko?
Kapag mag re request ka sa NSO g cenomar ipakita mo yung annotated copy mo ng M.C na may nakalagy na void ab initio para malagay din yun sa cenomar mo. Pwede ka naman ma revert na to single name sa passport mo kasi may proof ka na void ang kasal mo.
Hi po. Ask ko lang po kung paano ba ang gagawin ko. Ikinasal po ako sa Japan nung Dec. 22, 2011. Pero naghiwalay po kami ng asawa ko agad nung oct 2012. May record na po ako sa NSO ng marriage Certificate. Yung asawa ko naman po pina-annull na yung kasal namin sa japan. Meron po syang pinadalang papel na katunayan na annulled na kami sa japan kaso nakasulat sa japanese character kaya di ko po mabasa. Paano po ba ang unang step na gagawin ko para mawalan ng bisa yung record ng kasal namen sa nso? Please help po master. Salamat.
Dalhin mo sa Manila City hall yang kopya na meron ka. Kung maari ipa translate mo muna sa Japan Embassy at ipa authenticate na din. Kailangan kasi dumaan sa Manila City Hall yan para ma forward sa NSO.
Ask ko lang po ulet kung sa japan embassy po yun ipapa-translate, dun din po ba yun ipapa-authenticate? At kapag nabigay ko na po sa manila city hall yung papel na hawak ko, gaano po katagal bago nila ma-forward sa nso para malaman ko na void na yung kasal ko sa japan.
Yes sa Japan embassy yung translation and authentication. AFter sa city hall ng Manila mga 3 months pa bago pumasok sa NSO basta kapag binigayn ka na nila ng endorsement itanong mo kung kelan mo pwedeng i check sa NSO.
Magadang arw po..mag tatanong lang po pra sa isang kaibigan hiwalay po sya sa asawa na taga pampanga matagal na po cla hiwalay tapos un lalaki nag asawa uli taga cebu tapos nag pakasal sila duon sa cebu ( its that legal marriages)? Tpos nag kahiwalay po cla ng taga cebu ngaun kinasuhan po cya ng bigamy wla po cla anak nag hiwalay po kc cla dahil nun kuhanin po ng lalaki si cebuana idinala ng abroad nanlalaki po cya kya ipinadeport ng lalaki c cebuana kya ngalit c cebuana sinampahan nya ng kaso bigamy si lalaki at itong si lalaki natatakot umuwi baka daw hulihin cya sa airport
Well posible yun kasi dalawa yung kasal nya eh. Kung ako sa lalaki mag consult siya sa abogado para.
Salamat po sa sagot. .more power poh. ..hihirit pa po ako..my best friend po is married last 2005..3yrs na po clang hiwalay..pero di po xa kumuha ng annualment paper dahil sa magastos po at marami pang prosesong gagawin..ngaun po nakita niya sa married contract niya na mali yung isang spelling ng name ng papa niya..pagkumuha po ba cya ng cenomar lulusot po ba yung certificate of singleness niya? 2. Question yung passport po ng best friend ko gamit niya yung apelyedo ng husband niya..me paraan pa po ba magamit niya yung sarili niyang buong pangalan gamit un surname niya na single?lalo na pag nasa kamay na niya yung certificate of singleness?
Baka hindi kasi kapag kumuha siya ng CENOMAR name naman nya ang hahanapin kung may kasal siya kaya lang binibigay yung name ng parents for further comparison. Hindi nya pa mababalik yung maiden name nya sa passport hanggat hindi pa na annul yung kasal nya.
Mastr, un bestfren q po ngpkasal s isang lalake, nlaman ya kinsal n pla dti un lalaki s civil, nksal lng xa kc peke un cenomar n gnamit nya, ano po mangyayarj dun valid po kya un ksal nila ngaun
Kapag kasi na rehistro yun sa munisipyo valid na yun at may consent naman ng parehong party. Yun nga lang niloko siya kaya pwede nyang maging rason yun pag sa pag file ng annulment.
Kailangan para mapa walang bisa yung kasal na yun.
Master confuse po ako sa sagot . pacensya na po …. alin po ang kailangan ?
bali 3 po question ko .
Q = invalid po ba un kasal namin dahil mali un info ko sa birthdate at midle initial
Q = pwidi ba ko ikasal sa ibang babae .
Q = considered pa po ba ako as single
Hindi ka na single lalo nat naka register na ito sa munisipyo.
Hindi ka pa pwedeng mag pakasal sa iba hanggat hinid na annul yung unang kasal mo.
Mag tanong ka sa abogado kung pwedeng ground yung mga maling detalye para ma annul yung kasal mo.
Master un 23 years yun po ay 23 years old lng po ako kinasal dati.
Kailngan yun may parental consent eh. If ever na valid yung kasal mo baka pwede mong maging ground yung edad mo for annulment.
Ok po master ask klng po kng void po ang kasal ko sa m.c. at kumuha po ako ng cenomar para po ipasa na requiments sa embassy ng canada accept po ba nila iyon un cenomar ko kasi po papakasal po ako sa g.f. ko po sa canada?
kapag ang cenomar mo ay galing talaga ng NSO wala kang problem dun.
panu nkakuka ng fake na cenomar?
Hindi ko alam. Bawal yan kapag nahuli ka dyan may penalty ng pag ka kulong yan.
sabi po pla ng kaibgan ko 17 lang isy ang kinasal,bka po ung date ang iniba po
Master salam alaikum poh..29 na poh ako ngaun at kasalukuyan pong nagtatrabaho d2 sa dubai..pwde pa po ba ako magpa late register ng birth certificate ko..mali kc yung mga info ng birth certificate ko katulad ng name ng papa ko mali yung isang spelling ako poy nawoworry kc yung papa ko po yung beneficiary ko baka magkaprobs po ako pagdating ng panahon..maaapektuhan po ba lahat ng papers ko especially yung passport ko ?
Alaikum salam! Hindi ka dapat mag pa late register kasi mya record ka sa NSO ewh. Ang dapat mong gawin ay ipa correct ang mag mnaling entry sa record mo ngayon. Papuntahin mo yung father mo ngayon sa munisipyo kung saan ka naka register para mag inquire sa pag aayos nito.
Kung sakali man na iniba nga baka pwedeng maging ground yun.
gud day master,ask ko lang po kung valid po ba ung kasal ng kaibgan ko sa asawa niya,pinanganak po siya ng Nov 1983,nagpakasal po sila ng Jan 2002 with consent po ng mga magulang nila. dapat po ay mag 18 yrs old pa lan gpo siya ng nov2002, ano po ba ang dpat niyang gawin kung sakaling void po ung kasal niya??? ipapa annul po ba niya ito o me lalapitang abogado para ma null and void po ung kasal nila.mag 6 na taon na sdin po silan ghiwlay ng asawa niya…salamat po
Sabi mo nga may consent ng magulang nya baka valid yun. Anyways kakailanganin nyo naman ang services ng abogado talaga para sa pag annul nyan i e evaluate nya kung pwedeng maging ground yun pag file nya.
Hi. Master, ask ko lng po kung ang signature po b sa marriage cert pwde ipabago?
Wala pa akong na encounter na ganyang case i inquire mo na lang sa LCR office kung saan naka register yung kasal.
Master ask ko lang po ngkaroon nang anak sa iba babae asawa ko kasal po kami pero hiwalay na kami noong 2008. Gusto ko po kunin anak ko s kanya kasi po OFW ako 9 yrs old na ang anak ko babae po. Pwede po ba ako mg file nang annul. Hindi ko po kasi alam gagawin ko sana po mapayuhan niyo ako master tnx poh.
Nasa pag uusap nyo yan para maayos nyo kung kanino yung bata. Than yung annulment naman pwede ka namang mag file nyan basta may reason ka.
Mgkano poh mgagastos s annulment at gaano poh ktagal???? Pgkkaroon nta ng anak s ibang babae pwede poh bng ground s annulment master?
Mga 150-200k aabutin ang gastos sa annulment pwedeng maging ground yun pero mas madalas na ginagamit na reason sa annulment eh psychological incapacity.
Master. Ask ko lang po kasi po ung cenomar ko po nkita ko na nreguster po ung kasal nmin nung bf ko. Mas rere-new po ako ng passport after 8mons. Makakakuha po ba ako ng birth certificate NSO na ang pangalan at family name ko is ung single pko???
Hi master. Ask ko lang pokung pde po bng sa NSO cavite ng CENOMAR at kung ano pa pong dokumento ang need ko pra para sa pag papakasal namin ng bf kong amerikano.salamat po
Pwede naman kumuha kahit saang NSO ng CENOMAR. Requirements for marriage license sa munisipyo mo na makukuha and sabihin mo foreigner ang fiancee mo.
Good Day MasterCitizen!
Paano po kung hindi makita or nawawala sa Civil Registar ng munisipyo ng lugar kung saan ako kinasal ang record na Kinasal ako Civil registar tells me na nai-pasa nila iyon sa NSO.
At kung ganun rin po na sa Database ng NSO ay nawawala yung record ng kasal ko. Does NSO have to search for each branch nila na baka naligaw or na-misplaced ang record ko sa ibang NSO branch?
I would really appreciate your response.
Thank you so much,
Jonathan
Wala sa munisipyo and wala din sa NSO wala kang kasal. Hindi maliligaw ang dokumento kasi sa Main office lang ng NSO pinapadala yan ng munisipyo nyo.
Master ano po ba unang gagawin ko punta muna po ba ako ng munisipyo para mkita ung MC tska ko dadalin sa lawyer?! Ganun po ba??
Thank you po sa reply. Master ano po ba ung step by step mgpa annul? Tska dati kasi kinukulit ako nung guy na kelangan dw ng pirma ng concent ng parents ko eh ayaw po ng parents ko kaya ndi po n pitmahan 23yrs old po ako nun. Pero npasok po sa Nso nsa cenomar ko po na kasal ako dun sa guy.
Master mhal po ba mgpa anull? Magkno po mgagastos?? May mkukuha po ba akong mura? Tska ilang taon po ba un?
nasa P200,000 ang pinaka murang magagastos nito, 1 year and up naman ang tinatagal.
Master, tanong ko lang po kung magkno po ba mgagastos mgpa anull?? Meron po ba ako mkukuha na mura?? At saan po?
Ang basic na nagagastos sa annulment is 200k inaabot ito ng 1 year.
Master, negative sa nso yung birth certificate ko, at sa civil registry tapos nag file ako ng late registry… tanung ko lang kasal ako bago ko pa nalamang negative ang birth cert ko. fake po ba nun yung kasal ko?
Hindi fake ang isang kasal as longa s may record ito sa munisipyo kung saan kayo kinasal. Hindi naman kasi kailangan ang NSO record dati para ka maikasal.
Master ask ko lang po what if negative sa NSO yung birth certificate mo, then di rin sya nakarehistro sa municipyo, tas kasal ka, may posibilidad bang fake ang kasal nio?
Ano ginamit nyo nung kumuha kayop ng marriage license? isa kasi sa mga requirements yan eh. check mo din yung marriage nyo kung naka register.
Hi ask ko lang po mester
mula pagkabata ko hangang 2009 po di ako narehistro sa nso wala akong birth certificate pero noong 2008 kinasal ako sa kasalang bayan po kahit wala akung birth certificate valid po ba yun kasal na un .kc nag palate registered ako sa city hall noong 2010 po kaya nag kabirth certificate lang po ako noong 2010 lang po tapos kumuha ako ng cenomar norecord po nakalagay
Nnag try ka ba kumuha ng kopya ng marriage mo sa munisipyo nyo? Sa NSO kumuha ka na din ba ng kopya.
Hi pi.gusto ko magtanong about my partner kinasal po xa nuon mga 4 years ago after ng marriage its just a weeks or a month ng nagsama sila after the marriage hnd nya naasikaso ang paapaparehistro.gusto nmn malamn kung kasl ba sya o hnd de. Kinontak nmn ung dati nyang asawa den sabi nakarehistro daw nilakad ng mga magulang nung babae at mai ank cla na hnd pnakita nung babae sa knya pero sabi nakaapelyido daw sa knya.at nandto po ung marriage certifcate nila na pinirmahan nila sa simbahan walang tatak ng nso or what.is it a possibility na single sya or pwede rin ang pamilya ng babae ang magregister dto?at walang pirma ang father nya at wala rin ang pangalan ng mother nya sa certificate ng kasal nila.
Check nyo sa munsipyo kung naka register then sa NSO din try nyo kumuha ng kopya.
Gud pm… Bkt po nwala ung pinost ko kagabi dto… Ask ko lng po kng ano po ang dapat gawin ng kaibigan ko kc 9years n cla ndi nagsasama ng misis nya pero kasal cla tpos sbi sa knya un misis nya wait daw cia ng 2years at ma aannul n daw cla at hindi daw kaylangan ng pirma ng friend ko.. Posible po ba un sinabi ng misis nya ..?…Tpos ngaun lagpas 2 years na wla nman po balita dun sa misis nya kng ano n nangyari sa sinasabi 2years wait daw ng friend ko at ma aanul n cla.. Ask ko po ano po kaylangan kunin ng friend ko para malaman nya kng annul n po ba cla or kasal prin?.. Thanks po…
Kapag walang ginawang proseso walang mangyayari sa annulment ng friend mo. Mag check kayo sa munisipyo kung may nagawa na ba.
Gud pm.. Master ask ko lng po kc ung kaibigan ko 8years b po cla hiwalay ng misis nya pero ndi pa cla na aannul.. Then sbi ng girl w8 daw unf friend ko ng 2 years tpos hindi daw kaylangan ng pirma ng friend ko magiging annul n daw cla.. Posible po b un sinabi ng asawa nya?.. Anu po ba kaylangan kunin ng friend ko para malaman nya kng annul n nga cla tlaga?.. Kc lagpas 2years n po wla nman sinasabi ung girl kng annul n nga cla… Thanks po..
Kung may ginawang process para ma annul yung kasal nila dapat may resulta na yun. I check nyo sa munsipyo kung saan naka register yung kasal kung may ginawang proseso doon.
Magandang araw po sa inyo master,ask ko lang kung makakuha ba ako ng cenomar or singleness? Kung sa nakaraang 14years ay nakasal ako sa civil sa isang babae na naging ina ng dalawa ko anak na gumamit ng peke pangalan at registration na may kasal sa una? Kasal sa simbahan. Pero dahil hiwalay na kame for 14yrs no attouchment ay puede na ba ako magpakasal ng totoo at makakuha ng singleness or cenomar? Paki advise po? Maraming salamat! God bless!
Kapag kasi may record ka ng kasal sa NSO hindi ka makakakuha ng CENOMAR ang lalabas sa request mo ay Advisory on marriage. Nakakuha ka na ba ng NSO copy ng marriage certificate mo?
so pwede pa mahabol po na mapa void yung sa ksal nila kht na nka regster na sa NSO un?
Kaya mo nga idadaan sa annulment para mapawalang bisa ito. Kahit naka register pa ito sa NSO.
E sa 2nd page kasi andun ung affidavit of acknoledgement ng NSO pero pag ngrequest po siya ng B.cert e same p rin name nya dun sa 1st page tpos nka attached lng po ung affidavt of ack. n late registered siya.
at pde pa po ba mavoid ung marraige nila kasi dun sa m.c. nya e nka NA ung sa parent consent e na dapat mern pa rin ksi 19 yrs. p lng ung boy
Ground na yun para mabilis lumakad yung annulment nya. kahit may acknowledgement sa 2nd page kung hindi pa din naka declare na yung surname dapat nung father ang gamit nya hindi pa din magagamit yun.
name nya po ang may discrepancy
A first name lang ba? Hindi naman ground yun for annulment yung walang consent ng parents nya pwede pa.
and pano po if sa birth certificate nya eh iba yung name against dun sa nkalagay sa marraige contract… anu po ba dapat gawin. if meron po bang affidavit of acknowledgement yung isang birth certifacte regarding sa name.. anu po dapat sundin ung nsa birth certifacte pa rin po b or ung nsa affidavt of acknowledgement na name ang dapat sundin.. please advise..
reply nmn po kyo
Falsification yun kung mag kaiba talaga ang name na nasa B.C compared sa M.C. Depende sa nakalagay na sa NSO b.c nya at pag kakagawa ng acknowledegement nya. Kung may annotation na ito sa gilid or baba ng dokumento na yun na yung apelyido yun na dapat ang sundin.
good day po. ask ko lang po void po ba ang marraige pag ang nka lagay sa consent column ng parent eh N/A pero ang guy ay mag 19 pa lang po siya at dpat need pa rin po ng parent consent.nung ikasal may possibility pa po ba na mawlan bisa ung or mavoid yung kasal nila? pero naka register na kasi sa NSO. di po ba un pwede mahabol para maivod.. 2005 cla sinasal
Hello,I just wanna ask kung may bisa ba ang kasal ng ganitong situation…
Kinasal po sa city hall yung pinsan ko na guy…without the presence and approval of his parents..pero yung parents po ng girl is present..19 yrs old pa lang po pinsan ko nun.lahat po ng nag asikaso ng sa kasal at paglalakad ng mge requirements sa kasal ay yung parents ng girl. Then I ask him na buti pinayagan cla na ikasal ng wala parents nya..sabi nya may nagpanggap daw po na Parents/guardian nya noon nung kasal nila na ang totoo ay relatives lang din ng babae.ang tanong po nya valid po ba yung kasal na yun? may halo po kcng kasinungalingan ee..no choice daw sya nun kc nabuntis nya yung babae kaya napa oo sya sa kasal..tapos hindi cla ung nag asikaso ung parents ng babae,para po syang napilitan noon.Ngayon po almost 4yrs na silang hindi nag sasama,hiwalay na po sila ng matagal.Bago pa man yun nung nagsasama sila dun sa mismong side ng girl.nagloko na po ito.nauna nang nakahanap ng lalaki nagboboyfriend ng lantaran.sana po masagot nyo
Yung edad ng pinsan mo dapat may consent ng magulang. Pwede nyang i contest yun at ipawalang bisa. Consult siya sa abugado.
Gudpm ask k lng po kinasal po aq s bf k Nong feb2012 at dko lm na my aswa na pla xa
Ngpksal kmi s qc hall pero 2 pla gmit nyang name ung NSA nso nya un ung gnmit nya Ng mgpksal skn at ung s una nyang aswa at ung nkasanayan nya ng gmtn
Tpos ng. Mlmn k nghwly kmi dko lm Kng nkaregster na s nso at dhl don ngkron po aq bf at dko lm my inayos syang ksal s city hall
Wt po ggwn k Slmt po
Check mo muna sa NSO kung meron or sa munisipyo kung naka rehistro nga.
Pwde po ba kami magpakasal dito sa Philippine consulate ng jpan? Pero Kasi ung boyfriend ko sa macau ngtatrabaho mag vacation lng xa dito at gusto namin sna makasal Agad pag punta niya ddto pwde po ba un? Ano po mga requirements? sa pagpapaksal sa Philippine consulate sa japan?
Depende na sa consulate yan. Ang alam ko ang dapat na meron kayo ay B.C nyo from NSO at CENOMAR na may red ribbon ng DFA>
tanong ko lang po kinasal ako nung 1996,pero dinaya ang edad ko 17years old ako pero ginawa nlang 19. ppinilit ako ng mgaagulang ko .kinaasal ako ng march nakipag hiwalay ako ng may…almost 15 years na kming hiwalay ..ngaun may knakasama ako at tatlong anak .
ano po ba ang dapat kung gawin …legal ba talaga ang kasal ko
Hindi legal yun kasi minor ka pa at pinilit ka lang. In quire mo sa munisipyo kung saan ka kinasal para magawan ng tamang proseso.
Ang ibig ko pong sabihin kung pwede na lng hindi ipaalam sa court na may anak km.pls reply po master salamat
pwede po ba sabihin na wlang anak para dna madamay ?
anu po ibig sabihin ng magiging illigitimate ang mga anak?
Hi gud morning po! master gusto ko lng po malaman ang tanong sa isip ko ..kc po married po ako at after marriage po ngkahiwalay km 13 years n po at may anak po km at mgpapa annul inlove ba po don ung mga kids sa annulment?thnx po
May rason ka para mag file ng annulment kasi matagal na kayong hindi nag sasama. Pag na finalize yung annulment nyo magiging illegitimate ang mga anak nyo. Inquire mo na sa abogado ito kasi kakailanganin mo din naman ang serbisyo nila.
Hi po ask ko LNG po kinasal po kmi s mayor nung dec 18 2009. nsamin po ang original copy kukuha po sana ko ng marriage certificate s n.s.o..
Gus2 ko po muna bago kumuha ng nso ma confirmed s munisipyo kung na I register napo nila..
Ang gus2 ko po SNA malamn if kung HND po nila n register s nso valid padin po b ang kasal namin
Kung hindi ka kasi kukuha sa NSO ng copy hindi mo malalaman ang status nito sa dat base nila. Kung naka register naman ito sa munisipyo valid ito.
Thanks po.. Sa tingin nyo po ba madali para sa akin ma-annul kasi pagka-kasal po talaga namin ay after 3days lumipad na siya sa abroad at hindi na nagparamdam.. parang nagyari sa akin prison marriage,, hindi ko na rin po alam kung nasaan po siya.. wala kami communication since nun.. saka mga ilan buwan po kaya aabutin ng annul ko?? God bless po!
Well may ground ka na para ma push yung ipa file mong case. Consult ka na sa abogado. Yung bilis ng process nyan abogado mo na ang makakatulong sa iyo.
master pano po pag kasal po ang aking asawa at 7 hanggang 10 taon silang hindi naguusap at hindi nagkikita at yung lalaki po ay may asawa at 2 anak na po pede na po ba kami magpakasal nang gf ko po??? kahit hindi na po kami magpaanul?
Kailangan nyo pa din itong idaan sa proseso ng annulment. Yung sinasabi mong 7-10 years na silang walang communication ito ay isa sa mga dahilan na pwede nyong magamit para ma aprubahan agad yung ipa file nyong annulment.
Master pwede po ba magtanong? kasi kasal po ako nung feb 2009, sa munisipyo then after 2months kumuha po ako ng marriage certificate sa NSO.. may nakuha po ako na marriage certificate namin, never naman po kami nagsama ng pinakasalan ko, kinasal lang po ako sa papel, sa mga documents ko po ay single pa po ako dahil hindi po ako nagchange sa status.. dahil pagkatapos po ng ikasal kami, nagpunta ng ibang bansa yung guy at hindi na nagparamdam.. ngayon po nasa abroad din ako at yung apelyido pa rin po ng tatay ko ginagamit ko.. gusto ko po maging single may paraan po ba?? never na kami nagkita nung pinakasalan ko since after nung kinasal kami na pumunta siya ng ibang bansa.. kahit 1month never po kami nagkasama sa isang bubong.. Please help po.. thanks! God bless po..
Mag pa file ka ng annulment para mapawalang bisa yung nangyaring kasal sa iyo.
tanong ko lng kasal po ako sa hapon sa japan at divorced dn po kmi. bgo po ako umuwi ng pinas pinabago ko po status ko at ngpasa po ako ng report of divorce sa philippine embassy ano po ba magiging record ko sa cenomar nka lagay po dun divorce or single?
Kung ma a update sa NSO mo yung divorce status ang lalabas sa NSO CENOMAR mo ay may annotation na divorce.
master 5 years na po akong kasal sa pinas pero hindi po ako kumuha ng cenomar kung kukuha po ba ako makikita parin po ba previous marriage ko o divorced lng po nakalgay?
Kung yung divorced mo nga ay ma a update sa NSO pag nag request ka ng cenomar magkakaroon ng annotation yun ng divorced mo.
hinihingan po kasi ako ngayon ng asawa ko ng cenomar hindi po nya alam na kasal ako before sa hapon, makikit pa po previous marriage ko kahit divorce na salamat po reply
Yes makikita yun.
hindi ko po alam kung na update kasi pinasa ko lng po sa philippine embassy yung report of divorce ko tpos po yung passport ko single na po, ngpakasal po kami ng asawa ko hindi namn po kmi hiningan ng requirement na cenomar.
Well kung hindi mo din kasi ito i inform sa kanila hindi ito ilalagay sa CENOMAR ang makikita lang doon ay yung kasal mo.
Good day po. Paano pag nawla ang record ng kasal nila sa local registry my possibility po ba na pwede kami magpakasal ng bf ko?
Wala talaga or nawala yung record/
pano po pag nawla ang record?
Kaya nga nawala or wala talaga? Ang ibig mo bang sabihin gagawan nyo ng paraan? Sa NSO ba me kopya?
master gud pm po ask ko lang po sana kc nagpalkasal po kami nang x wife ko sa riyadh saudy arabia sa muslim po pro kasal po sya sa pinas nuon pa lang at legal po iyon kasal nya dito sa pinas pro narehistro pa din po ang kasal namin sa nso kahit na kasal pa sya makakkuha pa po ba ako nang cenomar?dba sa batas po eh alnng bisa ang 2nd married??/ibgsabihin po ba nun makakkuha pa ako nang cenomar???tnxs po master
Hindi na kasi may record ka na ng kasal eh. Ipa annul mo yung kasal mo para pwede ka na ulit pakasal.
pano kumuha ng parent consent sa kasal at saan po ..
Mas maganda isama mo na lang yung mga magulang nyo kung saan sila hinahanap.
hi po master.kasal po ako sa una kung asawa wala po kaming anak,at sya naman ngayun 15 years ng may kinakasama at may dalawang ank na po cla,at sa ngayun po may boyfriend na po ako at isang american national po,,pwdi po ba kmi pakasal ng boyfriend ko kahit po hinde pa annul ang kasal ko sa una kung asawa…at ano po ba ang option upang kaagad kmi makasal dahil gusto nya na po akung dalhin sa us upang duon na manirahan sa bansa nila
Kailangan kasi ma annul muna yung kasal mo bago ka magpakasal. At least may ground ka na for annulment dahil matagal naman na kayong hindi nagsasama eh.
hello poh.. kumuha poh kmi ng bf q ng cenomar las june 10 2013 pero d natuloy pagpakasal namin.. tpos ngaung march balak namin magpkasl pwd pa po namin magamit ung knuha namin na cenomar nung june.?
Hindi na kasi good for 6 months lang yung CENOMAR. Kuha na ulit kayo log in na sa http://www.nsohelpline.com
Ah ok po salamat po master.
Welcome!
Master ang ibig mopo sabihin antayin ko yung rrply ng nso na papadala nila dito sa lcr ng cebu saan ako nag file. Pano kopo ipa follow up yon master do you think i need to wait a month to ask them ? i have the lbc receipt on me pasencya napo at makulit ako.na file kac cya noong feb 10,2014.
Kung nakalipas na at least twoo weeks buhat nung ma file. Punta ka na sa NSO dyan sa Cebu dalhin mo yung kopya mo na yan with LBC receipt para mag request ka na ng annotated copy nung document mo.
master,ask me lng po kung ang ikinasal ay isa sa kanila gusto magfile ng annulment at ayaw hong isa pero matagal n sila hiwalay mga 10 yeears na may anulemnt pb n pede mangyari?
gusto po kc nung lalaki bayaran siya kapalit ng pgpayag niya sa annulment case
master hello po.tanong langpo meron napo ako certificate of finallity of null and void married tsaka na file na sa nso noon feb 10 2014.pwde napo ako mkakuha ng annotated mc at annotated cenomar po kac balak nmin pakasal sa may po.pwede napo bah ang finality? sana po mtulungan nyu ako.thanks
Hindi mo pa pwede magamit yun dapat yung annotated na MC na.
Hi master salamat po sa sagot nyu.another question po saan po ako kukuha nung annotated mc sa nso po bah meron na kaya yun ngayun master? so dpala pwede gamitin ang finallity lang dapat my annotated mc at annotated cenomar?
kailngan ma forward muna yung ginawang proseso sa NSO para pag nag follow up/request ka sa kanila ma issue sa iyo ay yung may annotation na .
Hi Master
Follow question po sa isa foreign embassy po ako pakakasal italian embassy tapos need nila lahat docs authenticated by dfa philippines then translated po ng italian embassy manila sana matulongan nyupo ako saan ko e send yung papers ko sa dfa.
Sa translation division ng DFA ka muna pupunta then ipa pa red ribbon mo na. Try nyo na mag inquire sa 834 4000 pakitanong kung saang office ng DFA nag pa pa translate.
Hi Master
Tanong kolang po nakuha kona yung finallity ko po ng null and void
Tapos na register napo pwede napo ako mag request ng annotatedmc kopo eh sabi ng lcr yung nso paper kopo 1 month to 2 pa release ok langpo pakasal kahit wla yun?tsakapo nasa abroad po ako pano kopo send sa dfa lahat ng docs ko dko macontact dfa.
Saan mo ba na file yung process ng annulment mo?
Ok po ,thnx a lot master..may ask p po ako about hearing sa court mga ilang buwan po bago matapos and mabigyan ng finality sa court?
Siguro mga 3-6 months aabutin yan.
sana po mareplyan niyo rin ung tanong ko.salamat po!
Na replayan na sa unang post mo.
may affidavit po kc ng nkalagay dun declared daw n ngsama km since 1996 and kinasal nong april 2001 wala po consent sa parents
Saan pinagawa yung affidavit? At bakit kailngan mayroong affidavit?
20 yers n po ako nun
According kasi sa family code. Kapag ang ikakasal ay below 25 years old dapat may consent ng magulang.Kung walang consent ng parents mo yung kasal nyo puedeng maging ground for annulment yun. Consult ka na sa abogado.
posible po b ng ma annul din kasal ko?
Puedeng ma annul basta may basehan.
OPo may record n sa nso,anu po ba mga dapat kong gawin para mabigyan ako ng cenomar ?
pggawa po ng affidavit hindi nalaman pumirma lng po kc ako.ung affidavit po binigay n lng kasama nung marriage certificate after wedding ,opo wala conesnt sa parents .sa province po km kinasal
File ka ng annulment.
pwede po ba malaman kung ano ung mga basehan para maannu ung kasal?mga anu ano po ?curious po kc talaga ako master sa bagay na ito..
Yung walang consent ng parents pag below 25 years old ang kinasal ground yun. Yung hindi licensed yung nag kasal sa inyoat madami pang iba.
is it possible for my boyfriend to get CENOMAR in NSO office?
plano po kasi naming magpakasal this year eh.KOREAN National po kasi boyfriend ko.
Yes possible yun baka kasi kinasal na din sita dito before eh.
Gud pm po master ! meron lng po me tanong kasal po ako nong 2001 separate po km since 2002 until now..pero may bf ako ngkakilala km 2009 ngaun gusto niya akong epetition sa ibang bansa ngaun po cenomar n lng po ung kelangan para sa embassy ..ngaun po mag file ako ng annulment sa palagay niyo po may mga grounds din ung marriage ko?kc po na declared po sa affidavit na ngsama km ng 5 years since 1996 pero ng school pa po ako nong taong un and ung atty. sb wla daw po licensed ung kasal at no parental consent din .ma aannul rin ba ung kasal ko?
Na check mo na ba kung naka record ang kasal nyo? Ilang taon ka nung makasal and may consent ba ng parents nyo?
You made some decent points there. I checked on the web for additional
information about the issue and found most individuals will go along with
your views on this web site.
Thank you.
Master, magpapakasal sana kami ng partner ko pero i’m previously married. nagfile na ng annulment yun dating asawa ko and may decision na ang court na void na yun kasal namin. Ano po ba ang need ko/namin requirements para makapagpakasal ulit ako? malaking tulong po ang pagsagot nyo… salamat… 🙂
Yung kopya ng NSo marriage certificate nyo na may annotation ng annulment enough na proof na yun para makapag pa kasal ka ulit.
master ano po ang mga requirements kung ako po ang kukuha ng cenomar ng fiancé ko ( nasa ibang bansa po cya at babakasyon lng po cya ng 2 weeks). ok lng b ang scan n ID at authorization letter ang ipresinta sa NSO
salamat po.
Try mo na lang na ipresent sa NSO anyways babalikan mo pa naman sa releasing yan itanong mo na lang bago ka bumalik. O kaya sa http://www.nsohelpline ka mag request.
salamat po sa pagtugon…
walang anuman
Master ask lang po. Mag file po ako ng void sa una ko asawa kasi may kasal pala siya sa una. May mga documents na po ako nakuha ng MC nya sa una. Gaano po katagal ang proseso nya para ma void? May atty na din po ako kakausapin pa lang. Salamat
Medyo matagal yan mga 6 months or more pa. Pero medyo madali ma process yan kasi may mga proof ka naman.
Ah ok ganun po ba. Saka balak ko po kasi magpakasal na kami ng gf ko abroad next month e kung may grounds na po at nka file na una ko kasal mag advance marriage na kami. Pwede po ba yan? May na ask nako atty pwede daw po sure ko lang po. Pero daw di muna pasok sa munisipyo wait ma decide ng judge ko. Salamat po
Baka kasi ma question yung kasal nyo na bago kasi hindi pa naman annulled yung una.
Hindi daw po muna ipasok hintay matapos ma void case ko sabi ng atty. package po kasi mag advance married po kami kasii babalik din po gf ko agad abroad e saka kukuhanin po nya ako abroad kaya pakasal na kami. Salamat
Kung may nag advise sa iyo na abogado na ganyan ang gawin baka puede make sure lang na hindi ka pini perahan nyan.
Ok maraming salamat po
Welcome!
master tanung lang po un brother ko kasal sa ..naghiwalay na sila matagl na .lately kinontak siya ng babae inooperan ng pera para mapirmahan un annulment nila..pero di naman binibigyan ng pera pinapaasa lang lagi pero patuloy pa din ng pagpupursigi na mapirmahan nia..nagkikita sila s cityhall..inaalala ko lang na masilaw siya s pera at mauwe sa pagpapaasa un brother ko..magpapakasal sa japanese un babae..ano po ba pedeng gawin para di magmukang tanga un brother ko…salamat po
Bakit ayaw ba nya na mag kahiwalay sila nung babae? Kung puede gawa sila ng kasulatan para naman walang maloko sa isat isa sa kanila at mag witness kayo.
master puwede po bang magtanong maykaibigan kase ako kinasal sila 16 years old dinaya ang idad nila para maikasal may record sila sa nso valid po ba iyon?
Minor pa yun kahit may consent pa ng magulang yung kasal nila lalabas na null and void yung kasal nila.
master
Yes!
hello po, tanong lang po kung halimbawa kinasal ang bf ko noong 1993 pero d daw nairegister sa NSO at 19 years na rin silang hiwalay ng dati nyang asawa. nakakuha din po sya ng CENOMAR sa NSO. pwde po ba kaming magpakasal at magparehistro sa NSO? Valid po ba ang kasal namin halimbawa lang?
Check nyo muna sa munsipyo kung saan dapat na naka register yung kasal kung may record pag kasi naka record yan valid na kasal yan.
so ibig sabihin po d kami pwde pakasal kahit i forward namin sa nso agad? ano po ang mga consequences halimbawang pakasal kami atni register agad sa nso since nakakuha naman ang bf ko ng cenomar?
Invalid yung kasal nyo kasi may kasal siya sa una na hindi pa na annulled eh.
thanks po for a quick response. eh kung halimbawa po na pakasal kami at register sa NSO, at the same time eh pa annul ang kasal na nauna na d pa nairegister then ma grant ang annulment, pwde na po bang sabihin na valid ang kasal namin pglabas ng order ng annulment ng unang kasal?
Hindi eh kasi hindi pa na cancel yung una nagpakasal na agad so may violation nung batas diba. Check nyo muna sa lokal kung may record pag wala libre na kayo.
okay, will do that. salamat po
ok
paano mppwalng bisa yung ksal master.kung dinya lng yung edad ng kksal?
Kung dinaya lang ground na yun for annulment. Mag consult na kayo sa abogado.
Good day po!gusto po sana namin palitan ang taon ng kasal? Posible po ba ito? Salamat po..
Bakit mali ba?
Pwde po na palitan ang petsa ng kasal?
Saan?
Master, happy new year po, my katanungan lang ako, bakit po my nababasa ako, at mismo kaibigan ko ganito ang expercienced nila…Married sila, pero pag kuha nila ang cenomar ay CLEAR no record of marriage…..Eh paano nangyari yan master, married na pero blangko pa rin ang cenomar, at paano ito itama, salamat po master….have a nice day
Nag try ba kayo mag check sa munisipyo? Kelan ba sila nakasal?
CENOMAR pa lang po ang nakuha namin… sige po kuha n din kmi ng M. cert nya para makita po.
OK.
Good day Admin… eto na naman po ako ask ko lang po pag po ba nawala ang record nila sa local registry it means pwede na po ba kami magpakasal.. hoping
for your response
Nawala? or wala talaga? Eh sa NSO baka meron?
Uhm…try ko lang po mag ask master kinsal po kmi nung DEC. 16,2013, nkakuha po ako ng copy ng MC nmin…ang kaso ang pingtaka ko po kc ung kapatid ko nauna kinasal sa ako at required po ung CENOMAR bago k makakuha ng marriage license ei ung amin po kcied po kmi hningan ng CENOMAR..BC lng po.. Valid po ba kasal nmin sana po mabasa nio po ito master..
May copy ka na kamo ng M.C nyo galing PSA diba so ibig sabihin naka record valid yan. Bakit may duda ka ba?
hoping for your response. because we need your advise.. thank you so much
yung girl po ang nagfile. e kasi bakt this novermber lang nila finile un. habol nila sigro sustento ng bf ko… e siya nga po ang may problem eh.. at pde pa siya makasuhan sa ginwa nya kc mern siya asawa at anak sa iba… kasi after makuha ang rsult sa NSO sabi nung tga NSO sa lola ng bf ko kakafile lang daw nun last 3weeks ago daw po.. so it means d tlga naka regster un at gnwan nla ng paraan para maregstr pra d mkpgpksal itong bf ko
Pero bakit ngayon lang naghabol? Mas maganda nag na na i file nila para makakuha kayo ng kopya tapos i present nyo sa abogado nyo para ma i pa null and void nyo.
anu pong copy.. e kng di naman po kami bibigyan.. cenomar lang po ang mern kami copy…
Nakakuha kayo ng CENOMAR? Copy nung NSO marriage certificate nila para ma check nyo din kung meron silang binago. Makakuha kayo nun basta alam nyo ang detalye kasi may pangalan yung lalaki doon eh.
wala din po parent consent yung bf ko nung kinasal sila.. kahit po ba 19 need pa ng consent ng parents ng guy? e yung babae ay mern na aswa at may anak n sila.. sana po matulungan nyo kami…
Dapat may consent yun ng magulang kasi wala pa siyang 25 nung ikasal. Puede nyo na ikonsulta sa abogado yan para mapawalang bisa.
Thank you po. so ibig po sabihin may laban po kami para mavoid yung kasal nila… and kung tutuusin e meron n siya iba asawa at anak. so may possibility na mavoid at mawalang bisa kasal nila. san po ba kami pwede lumapit at kumunsulta.
Meron naman kasi may loophole sa kasal nila. Lapit kayo sa kilala nyong abogado.
Gud am po. Ask ko lang po pano po pag naka register ang kasal ng bf ko pero kahit isang document wala naman sya binigay na requirements tlad ng b. certificate at pano po if 19 yrs old sya nun need pa ba ng consent ng parents nya. E may iba na pong asawa at my anak na ung babae sa lalaking kinaksama nya at 8yrs na sila hiwalay. Pde ba ipa invalid ang kasal nila
Nag check na ba kayo sa NSO kung may record nga sila ng kasal?
Meron po pero late na sya na file nitong november 30 lang po naifile un e 2005 pa yun.. di na ba pde maihabol yung ganong situation since yung girl e may kinaksma na iba at may anak n din sila pero finile nya yung marriage nla nitong nov. 30 lang.. please need your help
Sino nag file? And ano ang motibo nung nag file?
Madali lang po ba kumuha ng cenumar?
1day lang po ba un?
Ang normal processing days nyan ay 4 days to release sa mga NSO serbilis outlet. Try mo sa http://www.nsohelpline.com mag request with delivery na yan.
Master,ang tanong ko po para sa frend ko,married sya pero single ang pa din ang status nya sa lahat ng docs nya,pero nagpagawa sya ng late registered bc in a new first name and birthdate same parents parang lumabas kapatid nya yung isang name nya. Kung kukuha sya ng cenomar in late registered bc single po ba ang lalabas? Ty po 🙂
Bakit siya nag pa late registered eh may record pala siya? Ano ba ang plano niya?
correction po sa letter ko hehe.. gusto na rin po magpakasal ng ex wife nya sa ama ng mga anak nya
So yun na nga kailangan talaga ma annul yung marriage nila para masaya na sila on their respective lives di ba. 🙂