SSS Loan Restructuring Program

Magandang balita para sa mga kababayan natin na may mga outstanding loan sa SSS!  Kung ikaw ay sakop ng mga calamity areas (as declared by the National Disaster Risk Reduction and Management Council) at may outstanding calamity loan at short-term loans ka sa SSS, ito na ang pagkakataon mong mabayaran ito ng buo or installment sa paraan na mas magaan para sa iyo.

Sa ilalim ng Loan Restructuring Program, aalisin ang penalty sa mga overdue accounts at tanging principal amount at interest na lamang ang kailangang bayaran ng miyembro.

Inilunsad ng SSS ang programang ito para matulungan ang mga miyembro na makabayad sa kanilang mga SSS loans at maibalik ang kanilang status sa “good standing”.  Malaking tulong ito sa mga kababayan natin na nasalanta ng mga kalamidad na siyang naging dahilan kung bakit hindi sila regular na makapag hulog sa kanilang mga SSS loans.  Bukod sa pagkakaroon muli ng “good standing” status, mase-secure din ng mga miyembro ang kanilang retirement claims and benefits.

Nagsimula ang availment period ng Loan Restructuring Program kahapon, April 28, 2016 at tatagal ito hanggang sa April 27, 2017.  Narito ang paraan kung paano mag avail nito at kung paano mag-qualify ang  isang SSS member:

Covered ka kung:

  1. Ikaw ay sakop ng mga “calamity-stricken areas” na dineklara ng NDRRMC.  Mula year 1990 (nang sumabog ang Mt. Pinatubo) hanggang sa mga bagyong Lando at Nona noong 2015.  Kasama din ang Zamboanga na apektado ng mga “armed conflict” at ang Bohol-Cebu earthquake noong 2013.
  2. Ang loan mo ay may past due na hindi bababa ng anim (6) na buwan.
  3. Ikaw ay nakatira o nagtatrabaho sa calamity area nang mangyari ang kalamidad.  Kailangang mag submit ng Affidavit of Residency para mapatunayan ito.

Kung qualified ka, maaari nang magtungo sa pinaka malapit na SSS branch at mag fill out ng Loan Restructuring Application form.  Matapos mo itong mai-submit, maaari mo nang i-monitor ang iyong loan statement of account sa SSS website.

Sakop din ng Loan Restructuring Program ang mga sumusunod na Short-Term Loans:

  • Salary Loan
  • Salary Loan Early Renewal Program (SLERP)
  • Emergency Loan
  • Calamity Loan
  • Voc.Tech. Loan
  • Y2K Loan
  • Investment Incentive Loan
  • Study Now, Pay Later Plan
  • Education Loan

Magtungo na sa SSS branch na malapit sa iyo at mag-avail ng programang ito para masigurong updated ang iyong SSS account.

Source: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/viewArticle.jsp?page=NR2016_022

Ad