Motorcycle Ban

Noong 2015, nai-report na sa kabuuan ng mga road traffic accidents sa buong bansa, 53% ay mga Motorcycle Riders, pangatlo lamang sa listahan ang mga 4-wheeled vehicle drivers.

Nangyayari ang mga aksidente sa mga motorsiklo kahit na may mga naipatupad nang batas para sa road safety tulad ng speed limit, pag-gamit ng helmets, pagbabawal magmaneho sa mga naka-inom ng alak, at pagbabawal mag-angkas ng maliliit na bata.  Ngunit kahit na may mga ganitong batas nang ipinatupad, mapapansin na hindi ito mahigpit na ini-implement at marami pa din ang nakakalusot at lumalabag sa mga ito.  Ang resulta, napakataas na bilang ng mga motorcycle-related road accidents sa lahat ng panig ng bansa.

Marami ang nahihikayat na bumili ng motorsiklo bilang personal na transportasyon dahil matipid ito sa gas, mabilis kang maihahatid sa iyong pupuntahan, at mura ang monthly amortization.  Ngunit kasama sa pagmamaneho nito ang risk o peligro sa kalsada, lalo na sa mga “freeway” tulad ng Edsa at Commonwealth Avenue.

Sa kanyang panayam sa Bandila noong Miyerkules, July 6, 2016, sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na sang-ayon siya sa pag-babawal ng mga motorsiklo sa mga highway sa bansa.  Kung maipapatupad ang planong ito, hindi na maaaring gumamit ng mga national highways ang mga motorsiklo tulad ng Edsa, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, at iba pang main thoroughfares sa Manila at iba pang mga bayan at siyudad.

Sang-ayon ka ba sa idea na ipagbawal na ang mga motorsiklo sa mga main highways?  Bakit o bakit hinde?

Source: http://news.abs-cbn.com/video/nation/metro-manila/07/05/16/lto-chief-gustong-ipagbawal-ang-motorsiklo-sa-mga-highway

Ad