Online Application for OEC Now Available

OEC.jpg

Good news para sa ating mga kababayang OFW! May online facility na para makapag generate at makapagbayad ng OEC o Overseas Employment Certificate; hindi na ninyo kailangang pumunta pa sa designated Philippine embassies and consular locations. Para ito sa mga OFW na nagbabakasyon sa bansa, rehired, o pabalik sa dati nilang employer at may existing nang records sa POEA database.

Kung ikaw naman ay OFW din at aalis ka nang muli pero bago na iyong employer, magagamit mo pa din ang online facility dahil pwede ka nang mag set ng appointment mo online. Ibig sabihin, kapag meron kang appointment, siguradong may mag-assist sa iyo pag dating mo sa OEC processing at hindi mo na kailangang pumila ng matagal.

Maaaring ma-access ang online facility ng Balik Manggagawa ditto (http://bmonline.poea.gov.ph/). Narito ang mga hakbang para sa Application ng OEC online:

  1. Visit the Balik Manggagawa website (http://bmonline.poea.gov.ph/). Kung hindi ka pa nakagawa ng online account mo, piliin ang New User? na column at ilagay ang lahat ng detalye na hinihingi. Siguraduhing valid ang email address na inilagay sa Email address field dahil dito ipadadala ang verification email. Kung hind mave-verify ang iyong account, hindi mo ito maa-access.
  2. Kapag na-verify na ang account mo, bumalik sa website at mag login sa iyong account. Ihanda ang iyong passport at kopya ng visa, ang iyong original na OEC (kailangang sa Pilipinas na-issue ang OEC).
  3. Sagutin ang information sheet at ilagay ang petsa ng departure/alis sa Pilipinas.
  4. Para sa mga first time OEC applicants, maaaring mamili ng date at lugar kung saan mo gustong kunin ang OEC.
  5. Kapag siguradong tama na ang lahat ng inilagay na information, i-click ang ‘Set Appointment’. Mabibigyan ka pa ng pagkakataon na ma-review ang lahat ng information na inilagay mo bago ito ma-confirm.
  6. Ang e-payment facility ay para naman sa mga returning visitors; maaari silang magbayad gamit ang online banking system na available sa website. Kapag nakapag bayad na, maaari nang i-print ang OEC kasama ang mga system-generated certificates at receipts. Mag print ng tatlong kopya ng OEC.

Ilang mga paalala mula sa POEA tungkol sa OEC:

  • Ang POEA ay hindi nagi-isyu ng OEC sa mga airport maliban sa mga OFW na naka emergency leave ng hindi lalagpas sa five (5) days.
  • Ang OEC ay valid lamang sa petsa o araw kung kalian ito na-isyu. Kaya’t kinakailangang ang OFW ay may confirmed flight schedule sa parehong araw.
  • Ito ay available sa mga Labor Assistance Centers (LAC) sa mga international airports sa Manila, Cebu, at Davao.
  • Simula November 2, 2015, ang POEA Main Office sa Edsa corner Ortigas Avenue ay tatanggap lamang ng mga Balik-Manggagawa na may APPOINTMENT sa BM Online Processing System.
  • Ang mga sumusunod na POEA Regional Offices ay tatanggap lamang ng mga Balik-Manggagawa na may APPOINTMENT sa BM Online Processing System:
    • San Fernando City, La Union
    • Tuguegarao City
    • Baguio City
    • San Fernando City, Pampanga
    • Calamba City
    • Legaspi City
    • Cebu City
    • Iloilo City
    • Bacolod City
    • Tacloban City
    • Davao City
    • Butuan City
    • Zamboanga City
    • Koronadal City
    • Cagayan de Oro City

Paki share sa mga kababayan nating OFW.

For more information, visit: http://www.pinoy-ofw.com/news/36142-how-to-apply-oec-online.html

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

14 thoughts on “Online Application for OEC Now Available

  1. Tanong ko lng po kung panu ung mga dati na na may record na sa database at babalik ulit sa dating company need pba ulit kumuha ng oec

  2. mas maganda sa Bank nadin magbayad ng OEC nayan,mag se set ng appointment tas pipila din.bakit di nlng Online din ang pagbayad.sayang ang oras at pamasahe.

  3. How Bout skin po nagpa appointment npo ako online sa Fiesta Mall in a month pa po balik ko from the day of my arrival , hindi po nila ako mabibigyan ng OEC?

      1. Dadating Po ako ng May 11 sa June 10 pa po balik ko , gusto ko lang po ma sure na nag iissue sa Fiesta mall ng OEC at hindi for emergency lang ang makakapag pa appointment or do you suggest na sa Main or like Trinoma ako mag pa appointment kasi na print ko na lahat ng kelangan ko as soon as paglabas ko ng airport mka kuha sana ako agad if possible…

  4. Nabawasan lang sa pila pupunta kapa din after ng appointment, isang araw din nawala sa bakasyon para makakuha ng OEC.bakit di nalang isama yan sa bayarin para isahan nalang owwa. Pag balid ang owwa automatic makaka kuha online ng OEC.basihan nalang sa airport sana exit – re entry visa katunayang OCW ang aalis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: