Paano Itama Ang Maling Gender, Birthdate, At Birth Month Sa Birth Certificate?

Kung mali ang gender (kasarian) na naka check sa iyong birth certificate, puwede mo itong ipa-correct nang hindi na dumadaan sa court proceeding. Ganun din kung ang mali naman ay ang iyong birthday (petsa lang) o birth month. Narito ang paraan kung papano maitatama ang ganitong klase ng errors sa birth certificate. Wrong Gender AngContinue reading “Paano Itama Ang Maling Gender, Birthdate, At Birth Month Sa Birth Certificate?”

Paano Itama Ang Maling Pangalan Sa Birth Certificate?

Ang proseso ng pag-correct o pag tama ng maling first name sa birth certificate ay magagawa ng hindi kailangang dumaan sa korte. Sa katunayan, basta’t ang error sa birth certificate ay halatang dahil lamang sa maling pagka-encode nito at mayroon kang maipapakitang documentary proof ng tamang detalye (gaya ng tamang spelling ng pangalan, middle name,Continue reading “Paano Itama Ang Maling Pangalan Sa Birth Certificate?”

Ano Ang Middle Name Na Ipagagamit Sa Isang Illegitimate Child?

Ayon sa batas, ang apelidong gagamitin ng isang illegitimate child ay ang apelido ng kanyang nanay. Sa kanyang birth certificate, ang isusulat lamang ay ang kanyang first name at last name (apelido). Wala siyang middle name — dahil kapag nilagyan ng middle name ang illegitimate child, lalabas na magkapatid sila ng kanyang ina. Ngunit meronContinue reading “Ano Ang Middle Name Na Ipagagamit Sa Isang Illegitimate Child?”

Paano Itama Ang Maling Middle Name Sa PSA Birth Certificate

Ang middle name ng isang tao sa kanyang birth certificate ay dapat na nakatugma sa maiden last name ng kanyang ina. Ito ang magpapatunay ng kanilang relasyon bilang mag-ina at basehan ng kanyang lineage o angkan. Kapag mali ang nakasulat na middle name sa birth certificate ng isang tao, maaari siyang magkaroon ng problema saContinue reading “Paano Itama Ang Maling Middle Name Sa PSA Birth Certificate”

Paano Mag Report Ng Birth, Marriage, At Death Na Nangyari sa Ibang Bansa

Ang mga life events ng mga Pilipino na nasa ibang bansa (gaya ng birth, marriage, at death) ay dapat ma-report sa Consulate para ma-rehistro sa Office of the Civil Registrar General sa Manila ang pangyayari. Kapag hindi nai-report ang life event, hindi ito magagawan ng record at walang PSA certificate na mai-issue para sa pangyayari.Continue reading “Paano Mag Report Ng Birth, Marriage, At Death Na Nangyari sa Ibang Bansa”

Sino-sino Ang Puwedeng Gumamit Ng Courtesy Lane Ng DFA?

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, pansamantalang isinara ng DFA ang kanilang mga tanggapan para sa kaligtasan ng mga passport applicants at mga empleyado ng DFA. Nang magbukas silang muli, strictly by appointment ang kanilang patakaran para sa mga maga-apply at magre-renew ng kanilang passports. Hindi muna pinayagan ang walk-in at pag-gamit ng Courtesy Lane paraContinue reading “Sino-sino Ang Puwedeng Gumamit Ng Courtesy Lane Ng DFA?”

Requirements Para Sa Ecumenical Wedding (Kasal Ng Magka-ibang Christian Denomination)

Sa Pilipinas, kadalasan na magkapareho ng relihiyon ang magkasintahan na nagpapakasal sa simbahan. Kung hindi man sila pareho sa umpisa ng kanilang relasyon, may isa sa kanila na aanib o magbabago ng relihiyon para mapakasalan ang kasintahan. Ngunit may ilan rin na pumapayag sa tinatawag na interdenominational marriage o ecumenical wedding. Ang ecumenical wedding ayContinue reading “Requirements Para Sa Ecumenical Wedding (Kasal Ng Magka-ibang Christian Denomination)”

Paano Irehistro Sa Pilipinas Ang Kasal Na Ginanap Sa Ibang Bansa?

Madaling ipa-rehistro ang kasal na ginanap mismo sa loob ng bansa. Kadalasan ay ang nagkasal na Pastor o Ministro ang nag-aasikaso ng pagpaparehistro sa Certificate of Marriage ng bagong mag-asawa. Kung ang kasal ay ginanap mismo sa munisipyo (civil rights), agad na ring dinadala ng staff ng munisipyo ang mga napirmahang wedding documents sa LCR.Continue reading “Paano Irehistro Sa Pilipinas Ang Kasal Na Ginanap Sa Ibang Bansa?”