Fake FB Pages Nag Nag-aalok Ng Birth Certificate Na Dapat Iwasan

Isa ako sa libo-libong Pilipino na umaasa sa online ordering and delivery services araw-araw. Mula sa pagkain, gamot, damit, groceries, libro, sapatos, at bag — lahat na halos ng kailangan ko araw-araw ay sa online shops ko na binibili. Nakakatipid kasi ako sa oras, pera, at effort — napaka convenient talaga.

Kung matagal na kayong follower ng Master Citizen, alam ninyo na suki ako ng PSAHelpline.ph — isang online platform kung saan puwedeng mag order ng PSA birth, marriage, death certificate at CENOMAR. Ide-deliver nila ang civil registry documents mo sa bahay o opisina mo. Safe ito dahil hindi nila ire-release ang mga documents mo kahit kanino — dapat ikaw mismo ang tumanggap ng mga inorder mong PSA certificates. Ako mismo ang magpapatunay na legit ang PSAHelpline.ph — maasahan talaga sila.

Nakaka dismaya lang na ang dami ng ibang naglabasan na posers ng PSAHelpline, lalo na sa Facebook. Ito yung mga nagpapanggap na sila ang PSAHelpline para makapang loko ng mga tao online. Ninanakaw nila ang mga photos ng PSAHelpline sa Facebook at ginagamit nila ang mga ito sa sarili nilang page — sa unang tingin, aakalain mo talagang sila si PSAHelpline! Kahit ako muntik nang maloko.

Ang hindi maganda dito, nagkakaroon sila ng access sa personal information ng mga taong gustong mag order ng PSA certificates sa kanila. Dahil nagpapanggap silang legitimate ordering site ng PSA certificates, magre-require sila ng iyong personal information para “ma-process” ang order mo. Pag nakuha na nila ang details mo, magre-require na sila ng bayad mula sayo. Kadalasan, sa GCash nila pinapadaan ang payments.

Dahil fake sila, wala kang matatanggap na PSA certificate.

Nasayang na ang pera mo, na compromise pa ang personal information mo.

Paano malalaman kung alin ang legit website at Facebook page ng PSAHelpline?

  1. Ang website ng PSAHelpline ay https://psahelpline.ph/. Ang Facebook page nila ay https://www.facebook.com/PSAHelpline.ph.
  2. Ang official Facebook page ng PSAHelpline ay may mahigit 422K followers. Makikita din sa homepage ang hotline number, email address, at website address nito.
  3. Puwedeng mag order ng PSA certificates through the website or through their hotline at 02-8737-1111. Ang hotline ay available mula Lunes hanggang Sabado, 8AM to 5PM, except during holidays. Hindi tumatanggap ng orders ang PSAHelpline through FB messenger o kahit na ano pa mang social media platform.
  4. Nasa website ang listahan ng lahat ng payment channels ng PSAHelpline.ph. Kapag bayad na ang order, uumpisahan na ang proseso ng pag kuha ng PSA certificate mo mula sa PSA. Hindi na manghihingi ng karagdagang bayad ang PSAHelpline pagkatapos mong mag bayad. Kasama na sa binayaran mo ang processing fee at shipping fee.
  5. Walang chat support sa Facebook messenger page ang PSAHelpline.ph.

Mga pekeng PSAHelpline Facebook pages:

Iwasan ang mga sumusunod na Facebook pages para hindi ka ma-scam. Maaaring madagdagan pa ang mga posers na tulad ng mga sumusunod kaya’t maging mapanuri sa tuwing makikipag transact online para sa iyong PSA certificates:

  1. Psa Helplineph
  2. Psa Helplineph
  3. PSAHelpline
  4. Psahelpline
  5. https://www.facebook.com/PSAHelplineph-107334288782507/
  6. https://www.facebook.com/profile.php?id=100087118890689
  7. https://www.facebook.com/profile.php?id=100085431102775

Hindi naman bago sa atin ang mga poser pages o scammers sa mga online platforms. Kaya dapat mag-ingat tayo at maging mapanuri sa mga pages na binibilhan natin ng mga bagay na kailangan natin. Bukod sa pera, ang personal information natin ay mahalaga rin at hindi ito dapat nakukuha ng kung sino-sino lang.

Paki share ang blog na ito para mas makita ng iba at mabigyan sila ng warning tungkol sa mga fake FB pages na ito. Kawawa naman ang mga taong maloloko nila.

Salamat and stay safe!

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: