Kung mali ang gender (kasarian) na naka check sa iyong birth certificate, puwede mo itong ipa-correct nang hindi na dumadaan sa court proceeding. Ganun din kung ang mali naman ay ang iyong birthday (petsa lang) o birth month.
Narito ang paraan kung papano maitatama ang ganitong klase ng errors sa birth certificate.
Wrong Gender
Ang ibig sabihin ng wrong gender correction ay itatama ang maling gender na naka indicate sa birth certificate. Example: lalake ang may-ari ng birth certificate ngunit female ang gender na naka indicate sa dokumento (and vice versa).
Kung ganito ang error sa birth certificate, kailangang mag file ng petition for correction sa ilalim ng RA 10172. Ito ay dapat i-file sa Local Civil Registrar (LCR). May mga pagkakataon din na walang naka indicate na gender sa birth certificate — walang check o blanko ang gender field. Kapag ganito ang error, kailangang mag file ng Supplemental Report para malagyan ng check mark ang tamang gender sa birth certificate.
Requirements:
Dalhin ang original at photocopies ng mga sumusunod na IDs at documents.
- Duly accomplished and notarized petition (makakakuha nito sa LCR)
- PSA birth certificate na nangangailangan ng correction
- NBI Clearance
- PNP Clearance
- Certificate of Employment (kung may trabaho) o Affidavit of Non-employment (kung hindi employed).
- Community Tax Certificate (Cedula)
- Baptismal Certificate
- School Records
- Medical Certificate mula sa Accredited Government Physician. Siya ang magco-confirm ng biological gender ng petitioner o ng may-ari ng birth certificate.
- Any TWO valid IDs:
- SSS
- GSIS
- PhilHealth
- Pag-IBIG
- Voter’s ID
- Company ID
- Driver’s ID
- PRC License
- Land Title/Certificate of Transfer of Title
- Bank Records
- PSA Marriage Certificate (kung kasal na ang petitioner o ang may-ari ng birth certificate)
Maaaring mag dala ng iba pang mga dokumento at ID na magpapatunay ng tamang gender ng petitioner o birth certificate owner, kahit hindi naka lista sa itaas.
Important Reminders:
- Ang pinaka unang dapat gawin ay pumunta sa LCR at ipakita ang birth certificate na may error. Hingin muna ang opinyon ng LCR para sa pinaka mabilis at pinaka mahusay na paraan para maitama ang error.
- Mas advisable pa rin na mag file ng petition sa LCR kung saan naka rehistro ang birth certificate. Ngunit kung hindi na ito posible dahil malayo na ang place of residence ng petitioner sa kanyang birthplace, pwede pa rin namang i-file sa LCR ng lugar kung saan na siya nakatira.
- Mag handa ng budget para sa publication, notarization, at iba pang document-related fees.
- Maaaring umabot ng 4 to 7 months ang processing ng correction ng gender.
Kapag natapos na ang buong correction process, maaari ka nang makakuha ng corrected copy o annotated copy ng iyong PSA birth certificate sa PSA CRS outlet na malapit sa inyo.
Correction of Birthday and month
Ang correction sa birthday at birth month (or both) ay maaaring ipa-correct sa ilalim ng RA 10171. Ngunit kung ang mali ay ang year of birth, kailangan na itong dumaan sa judicial proceeding (dahil maapektuhan nito ang totoong edad ng may-ari ng birth certificate).
Sundan lamang ang mga requirements at proseso na binanggit sa itaas para sa correction of gender, maliban sa pagpapatingin sa isang government-accredited physician.
Important Reminders:
- Ang pinaka unang dapat gawin ay pumunta sa LCR at ipakita ang birth certificate na may error. Hingin muna ang opinyon ng LCR para sa pinaka mabilis at pinaka mahusay na paraan para maitama ang error.
- Mas advisable pa rin na mag file ng petition sa LCR kung saan naka rehistro ang birth certificate. Ngunit kung hindi na ito posible dahil malayo na ang place of residence ng petitioner sa kanyang birthplace, pwede pa rin namang i-file sa LCR ng lugar kung saan na siya nakatira.
- Mag handa ng budget para sa publication, notarization, at iba pang document-related fees.
- Maaaring umabot ng 4 to 7 months ang processing ng correction of birthday and birth month.
Kapag natapos na ang buong correction process, maaari ka nang makakuha ng corrected copy o annotated copy ng iyong PSA birth certificate sa PSA CRS outlet na malapit sa inyo.
Reference:
Hi po ask lng po.mali po ang gender ng aswa ko female n dapat ay male…mali din ang date of birth nya n dapt sept.9,1977 naging sept.29,1977…
Ok lng po smin ang date pwd nmn cguro macorrct ang mc namin..yong gendr lng sna kc need for claims..phelp po wht to do..
hi po mag tanong lang po tunkong sa MIDDLE initial ko po mali kasi naka lagay sa Birth Certiicate ko middle name po BORCELO nakalagay sa PSA BORCIELO
hello po, magpapatulong lng po sana ako regarding po dun sa error sa psa ko po kung ano po ang dapat kong gawin o solusyon. May error po kasi yung psa ko po sa birth year, pinanganak po ako nung june 1, 1996 pero ang nakalagay sa psa ko e june 1, 1966. pero yung certificate of livebirth ko po sa munisipyo ay tama, sa psa po yung namali. Hindi po ba kayang icorrect sa munisipyo ang pagkakamaling yan? magandang araw at salamat po!
*tama po yung birthcertificate ko sa local civil registrar pero sa nso po yung namali
Hello! Sinubukan mo na bang tanungin sa LCR kung pwedeng mag endorse sila ng copy ng birth certificate mo sa PSA na tama ang birth year na nakasulat? Usually kasi, dumadaan pa sa court order ang correction ng birth year, pero kung may correct copy naman ang LCR, baka pwedeng mag endorse na lang sila ng correct copy para magkaron ng correct copy ang PSA. Please inquire at the LCR muna.