Ang proseso ng pag-correct o pag tama ng maling first name sa birth certificate ay magagawa ng hindi kailangang dumaan sa korte. Sa katunayan, basta’t ang error sa birth certificate ay halatang dahil lamang sa maling pagka-encode nito at mayroon kang maipapakitang documentary proof ng tamang detalye (gaya ng tamang spelling ng pangalan, middle name, at apelido), maaari kang mag file ng petition sa Local Civil Registry (LCR) para maitama ito. Hindi na kailangang dumaan sa korte, hindi na kailangang kumuha ng abogado.
Narito ang mga detalyeng kailangan mong malaman kung gusto mong itama ang error (or errors) sa pangalan na nakasulat sa iyong birth certificate.
Where to file the petition: Ang petition for correction ay dapat i-file sa LCR ng birthplace ng may-ari ng birth certificate. Kung hindi na siya nakatira sa lugar na iyon, maaari na rin itong gawin sa LCR ng lugar kung saan siya kasalukuyang naninirahan.
Requirements: Dalhin mo sa LCR ang original copies at mag handa ng photocopies ng mga susunod:
- Notarized copy of Petition for Change of Name (makakakuha ng kopy ang petition sa LCR).
- Ang PSA birth certificate na may error.
- NBI Clearance
- PNP Clearance
- Certificate of Employment or Affidavit of Non-employment (kung walang trabaho ang petitioner)
- Community Tax Certificate (Cedula)
- Baptismal Certificate
- School Record Form 137, Diplomas, and Transcripts of Records (if available)
- Latest medical certificate
- Any 2 valid IDs:
- SSS
- GSIS
- PhilHealth ID
- Pag-IBIG
- Voter’s ID
- Company ID
- Driver’s License
- PRC License
- Land title or Certificate of Transfer of Title
- Bank REcords
- PSA Marriage Certificate (kung kasal ang petitioner)
Ang payo ng LCR ay mag dala ng mas maraming documents at IDs na magpapatunay sa tamang information na dapat ilagay sa birth certificate. Kung mali ang spelling ng pangalan sa birth certificate, mag dala ng mga dokumento kung saan makikita ang tamang spelling (gaya ng baptismal certificate, school records, etc.).
Process: Pumunta sa LCR at i-submit ang mga documentary and ID requirements. Sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Matapos mai-submit ang iyong mga requirements, ibibigay sa iyo ang listahan ng mga dapat bayaran. Mag tungo sa cashier para mag bayad at manghingi ng Official Receipt. Kasama sa mga babayaran mo ang: publication fee, notary fees, at iba pa.
- Ipakita ang iyong OR at kunin ang Notice of Publication mula sa LCR. Hintayin ang kopya n giyong petition.
- Ang iyong Petition ay ipa-publish sa mga newspapers sa loob ng dalawang linggo, samantalang ang iyong supporting documents ay ipo-post din sa LCR sa loob ng sampung araw.
- Kung walang mago-object sa petition, makakatanggap ka ng Proof of Publication at Endorsement ng iyong petition mula sa LCR. Ipapadala din ito sa Office of the Civil Registrar General sa Manila.
- Maaring umabot ng isa hanggang tatlong buwan ang proseso ng correction. Mag follow-up lang sa LCR kung kinakailangan.
- Kapag na-affirm na ng Office of the Civil Registrar General ang iyong Petition, kailangan mo itong dalhin muli sa LCR para sa certification.
- Kumuha ka ng Certified Copy ng iyong petition mula sa LCR at i-forward ito sa Philippine Statistics Authority (PSA) para maitala ang correction o pagbabago sa iyong birth certificate.
Asahang mas mahaba ang proseso kung hindi sa LCR ng birthplace mo naka file ang petition. Ito ay dahil ang LCR ng iyong birthplace ang siyang dapat na umasikaso nito dahil nasa kanila ang iyong birth records.
Kung may katanungan tungkol sa correction ng iyong birth certificate, tumawag o magtungo sa inyong LCR office.
Ano po ang gagawin if blurd yung pangalan?
PWede po kayong mag request ng clear copy ng inyong PSA birth certificate sa LCR kung saan naka register ang birth certificate, o sa munisipyo ng bayan kung saan kayo nakatira ngayon.
permission to ask a question po.
MGA ilang months po ba talaga ang duration ng pag proseso ng ngkamaling apelyido ko po, instead po na( PAUTAN) naging PAUTAR po. Sabi po ng LCR sa amin dito mga 6months to 1yr daw? Ang TAGAL Naman po non, Hindi na po aku mka kaabot sa FILING sa PRC for BOARD EXAM
permission to ask a question po.
MGA ilang months po ba talaga ang duration ng pag proseso ng ngkamaling apelyido ko po, instead po na( PAUTAN) naging PAUTAR po. Sabi po ng LCR sa amin dito mga 6months to 1yr daw? Ang TAGAL Naman po non, Hindi na po aku mka kaabot sa FILING sa PRC for BOARD EXAM
Manghingi po kayo sa munisipyo ng certificate na currently undergoing correction po ang birth certificate niyo. Ito po ang i-present niyo sa PRC. matagal po talaga ang resulta ng corrections.
Sir, OK lang po ba yon sa prc na Maka file po kahit on going process po Yung birth certificate ko?
Kung may proof naman po kayo from the LCR na ongoing ang processing sa birth certificate niyo, pwede niyo pong itanong sa PRC if they will honor that as a temporary replacement for your birth certificate.
Replied already.