Mga PSA Birth Certificate Corrections Na Hindi Kailangang Dumaan Sa Korte

Ang mga corrections o maling entries sa birth certificate ay maaaring mag dulot ng delays sa inyong mga importanteng transactions tulad ng passport application, benefit claims, o enrollment sa eskwelahan. Ang mga establishments na tulad ng banko, eskewelahan, at hospitals ay madalas nagre-require ng PSA birth certificate bilang basehan ng pagkakakilanlan ng isang tao (bukod sa mga valid IDs) na may transaction sa kanila. Kung may maling entry sa iyong birth certificate, maaari itong maging dahilan para ma-deny ang iyong transaction o claim, maaaring ma-delay ang iyong applications (gaya ng bank account at passport application). Kaya’t mahalagang tama at malinaw ang lahat ng entries sa iyong PSA birth certificate.

May mga birth certificate errors na puwedeng lakarin sa Local Civil Registry (LCR) kung saan naka rehistro ang birth certificate. Ngunit meron ring mga errors na nangangailangan ng pagsusuri ng mga abogado at kailangang dumaan sa korte upang ma-resolba.

Ano-ano ang mga PSA birth certificate corrections na hindi na kailangang dumaan sa korte?

Ang mga birth certificate na may typographical errors ay hindi na kailangang dumaan sa korte. Ang typographical error sa birth certificate ay made-determine ng LCR kaya’t kailangang sa kanila unang sumangguni ang may-ari ng birth certificate para malaman kung pasok ba sa typographical error ang correction.

Narito ang listahan ng mga birth certificate corrections na hindi na kailangang dumaan sa korte:

  1. Change of First Name
    • Ang first name na ginagamit sa mga ID ay iba sa first name na nakasulat sa birth certificate
    • Baby Boy, Baby Girl, Boy, Girl ang nakalagay sa first name field sa birth certificate at ang may-ari ay ipinanganak sa taong 1993 onwards.
  2. Wrong Gender and Wrong Date of Birth (RA 10172)
  3. Correction of Clerical Error
    • Blurred first, middle, or last name (malabo at hindi mabasa)
    • Mother’s middle name is wrong and child’s middle name is correct
    • Child’s middle name is wrong and mother’s middle name is correct
    • Wrong spelling of first name, middle name, or last name
    • Interchanged middle and last name (nagka baliktad ang middle name at last name)
    • Middle initial entered instead of full middle name
  4. Supplemental Report
    • No first name, no last name, no middle name if legitimate or no middle name if illegitimate and acknowledged by father
    • First name on birth certificate is Baby Boy, Baby Girl, Boy or Girl and the child was born before 1993.
    • No check mark for gender or both genders checked

Basta’t ang error ay kita naman na dahil sa encoding error (clerical error), at may maipapakita kang pruweba o supporting documents na basehan ng tamang detalye (spelling, date, etc), maaari kang mag file ng Petition for Correction sa LCR at maitatama ang error sa iyong birth certificate.

Kung hindi ka sigurado sa klase ng error at correction na kakailanganin ng iyong birth certificate, puwede kang mag inquire sa LCR o tumawag sa Legal Department ng PSA.

Ang mga susunod naming blog ay tatalakay sa proseso at iba pang detalye ng lahat ng mga birth certificate corrections na binanggit sa itaas. Kaya keep following us! Baka dito mo na mahanap ang sagot sa mga katanungan mo tungkol sa iyong birth certificate.

References:

Lawyers in the Philippines

Philippine Statistics Authority

PSAHelpline.ph

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

2 thoughts on “Mga PSA Birth Certificate Corrections Na Hindi Kailangang Dumaan Sa Korte

  1. Good day po. Paano po mag pa change ng last name? From fathers last name gusto ko po sanang etransfer to mothers last name

    1. Kakailanganin niyo po ng serbisyo ng isang abogado. Kung legitimate child po ang bata at ipapaalis niyo ang last name ng tatay sa pangalan niya, kailangan niyo pong dumaan sa korte.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: