Ang mga menor-de-edad na bata (17 years old and below) ay maaaring mag biyahe palabas ng bansa basta’t kasama ang isa o parehong magulang. Kung hindi kasama ang magulang sa biyahe, tulad ng class field trip, o ibang kamag-anak ang kasama, kailangang kumuha ng DSWD Travel Clearance para payagang maka-alis ng bansa ang bata.
Kailangan ng DSWD travel clearance para sa mga sumusunod:
- Pupunta ng ibang bansa kasama ang mga kamag-anak.
- Pupunta ng ibang bansa para makipag kita sa mga aampon sa bata.
- Pupunta sa ibang bansa na mag-isa o kasama ang mga kamag-anak upang makipag kita sa mga biological parents na nakatira sa ibang bansa.
- Pupunta sa ibang bansa para mag-aral.
- Pupunta sa ibang bansa para sa medical reasons.
a. Ano ang mga travel documents na kailangang ihanda?
- Airline tickets
- Travel itinerary
- Accommodation or address kung saan titira ang bata habang nasa ibang bansa.
Hihingin ng DSWD ang mga travel documents na ito at maaari rin silang mag require pa ng additional documents, depende sa sitwasyon o mga kasama ng bata sa biyahe.
b. Mag download ng kopya ng DSWD Travel Clearance Application Form
Maaaring ma-download ang mga form sa link na ito: DSWD Application Form.
Punan ang mga blank fields sa application form at siguruhing tama ang lahat ng entries na ilalagay.
c. Ihanda ang mga sumusunod na documents:
- PSA birth certificate ng menor-de-edad. Maaari itong orderin online sa PSAHelpline.ph at ipa-deliver sa inyo.
- Dalawang kopya ng passport-sized photos ng bata na kinunan sa loob ng nakaraang anim na buwan.
- Photocopy ng passport ng bata.
- PSA marriage certificate ng mga magulang (kung kasal) at PSA CENOMAR ng mga magulang (kung hindi kasal o single parent). Maaari ring orderin ang mga ito sa PSAHelpline.ph.
- Affidavit of Consent and Support. Ito ang mag papatunay na pinapayagan ng magulang ang bata na bumiyahe na hindi sila kasama. Dito rin nakasulat kung saan manggagaling ang pang-gastos ng bata sa biyahe. Ipa-notarize ang affidavit.
- Isang valid ID ng mga magulang.
- Photocopy ng dalawang valid IDs ng magulang na may kasamang specimen signatures.
Other reminders:
- Kung ang bata ay illegitimate at isang magulang lang ang naka pirma sa birth certificate, hindi na kailangang humingi ng permiso sa absentee parent.
- Kung ulila na ang bata, kailangang makapag present ng PSA death certificate ng mga magulang.
- Kung hindi kasal ang mga magulang ng bata, at ang tatay niya ang magdadala sa kanya sa ibang bansa, kailangang hingin pa rin ang permiso ng nanay.
Dalhin ang lahat ng documentary requirements sa DSWD at sundan ang kanilang application process. Hindi mo agad makukuha ang clearance sa araw na nag submit ka ng mga documents. Maaari itong abutin ng isa hanggang dalawang linggo bago ma-release. Kaya’t dapat na asikasuhin niyo ito habang malayo pa ang flight date.
Ang travel clearance ay hahanapin sa inyo sa immigration. Kapag hindi niyo ito naipakita, hindi papayagang makasama ang menor-de-edad na bata sa inyong biyahe.
Reference: