Ayon sa batas, ang apelidong gagamitin ng isang illegitimate child ay ang apelido ng kanyang nanay. Sa kanyang birth certificate, ang isusulat lamang ay ang kanyang first name at last name (apelido). Wala siyang middle name — dahil kapag nilagyan ng middle name ang illegitimate child, lalabas na magkapatid sila ng kanyang ina.
Ngunit meron ring mga pagkakataon na puwedeng gamitin ng bata ang apelido ng kanyang nanay bilang middle name, at ang apelido ng kanyang tatay bilang last name, kahit na hindi pa kasal ang kanyang mga magulang.
Read this.
RA No. 9255
Ang RA 9255 o ang Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father ay ang batas na sinusunod para sa paglalagay ng apelido ng mga illegitimate children. Ayon dito, ang lahat ng mga illegitimate children na ipinanganak ng March 19, 2004 hanggang sa kasalukuyan, at may Authority to Use the Surname of the Father (AUSF) document, ay maaring gumamit ng middle name. Ang middle name na ibibigay sa kanya ay ang apelido ng kanyang nanay, at ang last name naman niya ay ang apelido ng kanyang tatay.
Papano kung hindi nalagyan ng middle name ang birth certificate ng illegitimate child pero sakop siya ng RA 9255?
Sakali naman na na-rehistro na ang birth certificate ng bata at apelido lamang ng kanyang nanay ang nakalagay bilang last name niya (blanko ang middle name), puwede silang mag file ng supplemental report sa Local Civil Registry office (LCR) kung saan naka rehistro ang birth certificate.
Kapag nag file ng supplemental report, ilalagay ang apelido ng nanay bilang middle name ng bata, at ang apelido naman ng tatay bilang last name niya. Kailangan mag submit ng Affidavit ng applicant (may-ari ng birth certificate) o ng kanyang mga magulang (kung minor pa ang certificate owner). Nakasaad sa Affidavit ang dahilan kung bakit walang middle name ang bata nang irehistro ang kanyang birth certificate. Isama sa supplemental report ang AUSF at iba pang mga dokumento (gaya ng birth certificate ng mga magulang) na maaaring maging basehan ng supplemental report.
Maaari bang gamitin ang RA 9255 kahit na hindi kinilala ng ama ang illegitimate child?
Hinde.
Kung hindi kinlala ng ama ang anak, o kahit na kinilala niya ang anak ngunit wala namang maipakitang AUSF para suportahan ang pagpapalit ng apelido ng illegitimate child, hindi maaaring palitan ang apelido ng bata. Mananatiling walang middle name sa kanyang birth certificate at ang apelido ng kanyang nanay ang gagamitin niyang last name.
Tandaan din na kahit na mapalitan ang apelido ng bata sa apelido ng kanyang ama, hindi ibig sabihin na siya ay magiging legitimate child na. Ang kanyang status bilang illegitimate child ay mapapalitan lamang kapag nagpakasal na ang kanyang mga magulang at makapag file sila ng Legitimation Due To Subsequent Marriage.
Sana ay nakatulong ang blog na ito sa inyong mga katanungan tungkol sa apelido na maaaring gamitin ng mga illegitimate children.
Reference:
Hello po tanong ko lang po kung ano po ang dapat gawin . kasi po ang ginagami ng anak ko na apelyido ay apelyido ko pati pi ang anak niya ay yun din po ang gamit lalake po kasi ang anak ko 27 years old na siya .Nung kumuha po ako ng PSA niya apelyido po ng tatay ang nakalagay at married pa po ang nakalagay pero hindi po kami kasal at matagal na po kaming hiwlay 26 years na po kaming hiwalay . paano po ba ang dapat gawin .
Bakit po married ang nakalagay sa birth certificate ng anak niyo? Hindi ba ikaw ang nagpa rehistro ng birth certificate ng anak mo mam? Ipaayos niyo po sa munisipyo kung saan naka rehistro ang birth certificate ng anak niyo, sila ang mag advise sa inyo kung ano ang dapat gawin. Pero dahil apelido ang may problema, malaki po ang posibilidad na dumaan sa korte yan. Mag inquire po kayo directly sa LCR.
Hello po tanong ko lang po kung ano po ang dapat gawin . kasi po ang ginagami ng anak ko na apelyido ay apelyido ko pati pi ang anak niya ay yun din po ang gamit lalake po kasi ang anak ko 27 years old na siya .Nung kumuha po ako ng PSA niya apelyido po ng tatay ang nakalagay at married pa po ang nakalagay pero hindi po kami kasal at matagal na po kaming hiwlay 26 years na po kaming hiwalay . paano po ba ang dapat gawin .
Please see my comment in the other message.
Hello po,ask ko lng po kung paano mgrequest ng copy ng Marriage certificate ng Civil wedding ng parents ko?may problem din po kasi ako sa Birth certificate ko,nung ng apply po kasi ako ng NSO copy ng Birth certificate ko ang lumabas po ay illegitimate child po ako.Yung Surname po ng Mother ko nung dalaga ang nakalagay na Last name ko sa NSO.Nilakad na din po namin ng Father ko kung saan po ako pinanganak at ang sabi po ay need lng po ng pirma ng Father ko pra po legal ko ng magamit yung Family name namin.Ang naging problema naman po ay ung sa Civil wedding po nila ng Mother ko ang nakalagay sa Birth certificate ko pero ang nadala po namin ay ung copy ng Marriage certificate nila sa simbahan.Sinabi po sa amin na need pa po namin pumunta sa Munisipyo kung saan naganap ang Civil wedding ng parents ko,ang problem po ay dito na po kami nakatira sa Bulacan at sa Pangasinan pa po ngpakasal ang parents ko.Meron po bang paraan para hindi na po kami pupunta ng Pangasinan?nakakapgrequest po ba ng copy ng Marriage certificate ng Civil wedding online?salamat po sa magiging sagot ninyo 🙏
year 1993 po pala ako pinanganak at year 1996 po kinasal ng Civil ang parents ko.
Nauna kang pinanganak bago nagpakasal sa civil ang parents mo kaya illegitimate ang status mo sa birth certificate mo. Yung pinapirmahan sa father mo ay para lamang magamit mo ang apelido niya, pero hindi para maging legitimate child ka. Para maging legitimate child ka, kailangang mag file ng Legitimacy Due To Subsequent Marriage ang mga magulang mo.
Nasubukan niyo na bang mag request ng marriage certificate (civil wedding) ng parents mo sa PSA? Kung hindi pa, try niyo muna mag request online and see kung makakakuha kayo.
Pero kung walang copy ang PSA ng civil marriage certificate ng parents mo, kailangan niyo nga itong i-request sa lugar kung saan sila kinasal para ma endorse sa PSA.