Alam mo ba na hindi required ang mga Filipina na magpalit ng apelido pag sila ay kinasal na? Ibig sabihin, hindi nila kailangang palitan ang apelido nila sa kanilang mga government-issued IDs, bank accounts, insurances, at iba pang mga dokumento pagkatpos ng kasal. Ang babaguhin lang nila ay ang kanilang civil status pero puwedeng hindi na baguhin ang kanilang apelido.
Ang passport ay isa sa mga major IDs na nangangailangan ng tama at updated na detalye ng may-ari nito. Kapag ikinasal ang female passport holder, may option siya na palitan ang last name niya sa kanyang passport, o panatilihin ang kanyang maiden last name. Ang female passport owner naman na gumagamit na ng kanyang married last name sa kanyang passport ay maaari ring bumalik sa kanyang maiden last name sakaling siya ay ma-biyuda o makipag hiwalay sa kanyang asawa sa pamamagitan ng divorce o annulment.
Papaano nga ba palitan ang last name ng isang female passport owner sa kanyang passport? Read this.
Change of last name after getting married, after becoming a widow, or after getting an annulment.
Makakapag palit ka ng last name mo sa iyong passport through passport renewal. Para makapagpa-renew ng passport, kailangan mong kumuha ng appointment sa www.passport.gov.ph. Ang passport fee ay babayaran mo pagkatapos mong mag set ng appointment, para ma-confirm ang appointment slot para sa iyo.
Mga dapat dalhin sa DFA sa araw ng iyong appointment:
- Accomplished Application Form
- Current passport with photocopy of data page
- Original PSA authenticated documents that will support the change of name:
- PSA marriage certificate
- Annotated PSA birth certificate (kung ang pagpapalit ng last name ay dahil sa correction, legitimation, adoption.)
- PSA death certificate of spouse (kung ang pagpapalit ng last name ay dahil nabiyuda ang passport holder).
- Annulment documents (may include annotated PSA marriage certificate) kung ang pagpapalit ng last name ay dahil sa annulment.
- Iba pang dokumento na magpapatunay sa circumstances o dahilan kung bakit kailangang palitan ang last name ng passport holder.
Dalhin lamang ang mga documentary requirements sa DFA sa araw ng iyong appointment. Sundan lang ang passport renewal process at mamili kung nais mong ipa-deliver ang passport mo o balikan ito sa DFA outlet kapag available na.
Dalawang bagay na dapat tandaan ng mga babae kapag nagpapa-palit ng last name sa kanilang passport:
- Hindi requirement ang pagpapalit ng last name kapag kinasal na.
- Kapag nagpapalit ka ng last name mo sa iyong passport pagkatapos ng iyong kasal, hindi mo na ito maibabalik muli sa iyong maiden last name. Maibabalik mo lamang ang iyong maiden last name kung ikaw ay ma-biyuda o makipag hiwalay sa iyong asawa sa pamamagitan ng annulment.
Sana ay nakatulong ang mga information na ito. Kung may mga katanungan pa tungkol sa passport renewal and application, visit the Passport FAQs.
Reference:
Paano po kung matagal n pong hiwalay walang comunication o 16yrs na hindi nagkikita o hindi nagpapakitanang babae.. pwede ko po ba ilagay ang live in partner sa renewal form passport po..
Hindi po. Kung sino ang asawa niyo sa papel, hangga’t hindi kayo annulled, hindi magbabago yun.