Ang mga life events ng mga Pilipino na nasa ibang bansa (gaya ng birth, marriage, at death) ay dapat ma-report sa Consulate para ma-rehistro sa Office of the Civil Registrar General sa Manila ang pangyayari. Kapag hindi nai-report ang life event, hindi ito magagawan ng record at walang PSA certificate na mai-issue para sa pangyayari. Tandaan na kahit sa ibang bansa ipinanganak, kinasal, o namatay ang isang Filipino citizen, ang civil registry documents ng lahat ng ito ay manggagaling pa rin sa LCR at PSA dito sa Pilipinas.
Paano mag report ng life event na nangyari abroad?
Step 1: Kumpletohin ang lahat ng mga documentary requirements.
Step 2: Kumuha ng appointment sa Consular Records Division bago pumunta sa Consular Office na malapit sa inyong lugar. Mag padala ng email kasama ang scanned copies ng iyong documentary requirements sa alin man sa mga sumusunod na email addresses (depende kung saang bansa nakatira o nangyari ang life event):
- American countries: oca.crd-us@dfa.gov.ph
- Asia Pacific countries: oca.crd-aspac@dfa.gov.ph
- European countries: oca.crd-eu@dfa.gov.ph
- Middle East and African countries: oca.crd-mea@dfa.gov.ph
Sa ngayon, hindi pa tumatanggap ng walk-in applications ang mga consular offices. Requirement ang pag kuha ng appointment through email request bago pumunta sa consular office.
Step 3: Kapag dumaan na sa pre-evaluation ang iyong mga documents at nabigyan ka na ng schedule, dalhin ang physical copies ng iyong mga documents sa Civil Registration Window sa Consular office.
Step 4: Titignan kung kumpleto ang iyong documentary requirements ng Civil Registration Unit Processor.
Step 5: Bayaran ang consular fee sa cashier. Ang consular fee ay nagkakahalagang USD 25; ito ay babayaran in Philippine Pesos.
Kung sa Japan nangyari ang vital event (birth, marriage, death), kalangang mag bayad ng karagdagang USD 25 para sa mga kasal na ginanap sa Philippine Consulate sa Osaka. Karagdagang USD 25 naman para sa translation ng Koseki Tohon (Japanese family registry).
Step 6: Kunin ang resibo ng binayaran at magpa photocopy ng limang kopya nito. Dalhin sa muli sa Civil Registration Unit processor ang photocopies; ibibigay sa iyo ang original receipt at ang request form.
Step 7: Isa-submit na ang Report at ang mga supporting documents sa Foreign Service Post (Embassy/Consulate General) para ma-rehistro ito.
Reminders:
- Ang birth report ay dapat mai-submit sa Consulate within 12 months matapos ipanganak ang isang Pilipino sa ibang bansa.
- Ang mga life events na hindi nai-report sa Consulate sa loob ng prescribed period ay ituturing na delayed at kailangang mag provide ng notarized Affidavit of Delayed Registration, kasama ang paliwanag kung bakit na-delay ang reporting.
- Kung hindi kasal ang mga magulang ng batang ire-rehistro, at nais ipagamit sa bata ang apelido ng kanyang ama, kailangang mag execute ng notarized Affidavit of Paternity and Use of Father’s Surname ang tatay ng bata.
- Kung nagpakasal ang mga magulang ng bata bago ma-report sa Consulate ang kanyang kapanganakan, kailangang mag attach ng notarized Joint Affidavit of Legitimation sa report ang mga magulang.
Para sa mga katanungan tungkol sa reporting of birth, marriage, at death sa ibang bansa, mag email lang sa oca.crd@dfa.gov.ph.
Reference: