Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, pansamantalang isinara ng DFA ang kanilang mga tanggapan para sa kaligtasan ng mga passport applicants at mga empleyado ng DFA. Nang magbukas silang muli, strictly by appointment ang kanilang patakaran para sa mga maga-apply at magre-renew ng kanilang passports. Hindi muna pinayagan ang walk-in at pag-gamit ng Courtesy Lane para ma-regulate ang dami ng taong pumapasok sa kanilang mga tanggapan.
Nitong March 2022, dalawang taon mula nang mag lockdown ang buong bansa dahil sa pandemic, muling binuksan ng DFA ang kanilang mga Courtesy Lane para ma-accommodate ang mga walk-in clients na pasok sa ilang specific categories (PWD, Senior Citizen, etc.) Ito rin ay exclusive para sa mga fully vaccinated individuals at may maximum number of walk-in clients lamang kada araw.
Ano ang requirements para magamit ng isang applicant ang Courtesy Lane?
Ang mga sumusunod ang maaaring gumamit ng Courtesy Lane Facility ng DFA:
- Senior Citizens
- Ang isang senior citizen applicant ay maaaring samahan ng isang adult na maaari ring gumamit ng Courtesy Lane privileges. Kailangan lang ay immediate family member ang adult na kasama (asawa, adult children, adult sibling only).
- Ang immediate family member na kasama ng senior citizen ay kailangang mag present ng proof of relationship gaya ng PSA birth certificate.
- Kung traveling companion ang kasama (at yun ang dahilan kung bakit sumabay ang adult sa passport application or renewal ng senior citizen), kailangang mag present siya ng proof of travel with the senior citizen gaya ng confirmed flight o hotel booking. Kailangan ring makapag bigay ng justifiable reason ang adult companion kung bakit kailangan niyang samahan ang senior citizen sa biyahe nito (medical escort or nurse).
- Persons with Disability (PWD)
- Kailangang mag present ng valid PWD ID ang applicant.
- Maaaring samahan ng isang adult companion ang PWD applicant. Maaari ring mag avail ng passport renewal or new application ang adult companion ng PWD basta’t siya ay immediate family member o traveling companion ng PWD applicant.
- Pinapayagan ang mga sumusunod na immediate family members: magulang, asawa, adult children, adult sibling at kailangang makapag pakita ng proof of relationship ang adult companion kagaya ng PSA birth certificate.
- Kung traveling companion naman ang kasama, kailangang makapag present ang traveling companion ng proof of travel with the PWD applicant gaya ng confirmed flight o hotel booking. Kailangan ring mapatunayan ng traveling companion ang kanyang pag sama sa biyahe, gaya ng medical escort o caregiver services.
- Pregnant applicants
- Kailangang mag present ng medical certificate o medical records ang aplikante bilang katibayan na siya nga ay buntis.
- Minors aged seven years old and below
- Maaaring samahan ng magulang, legal guardian, o authorized representative ang minor applicant. Maaari ring gumamit ng courtesy lane privileges ang adult companion ng minor applicant.
- Solo Parents
- Kailangang mag present ng Solo Parent ID ang aplikante.
- Overseas Filipino Workers (OFW)
- Kailangang mag present ng proof of OFW status ang aplikante, gaya ng:
- Valid OWWA E-card
- Valid employment contract
- Valid work visa
- Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) na may stamp mula sa international border na hindi lalagpas sa 364 days mula sa date of application.
- Expired o cancelled working visa o employment contract, at may Philippine passport na may immigration arrival stamp na hindi lalagpas sa 364 days mula sa date of application.
- Kailangang mag present ng proof of OFW status ang aplikante, gaya ng:
- Exceptional and emergency cases
- Maaaring ma extend ang Courtesy Lane privileges sa mga aplikanteng may exceptional and emergency cases base sa approval ng mga sumusunod:
- Secretary of Foreign Affairs
- Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns
- Assistant Secretary for Consular Affairs
- Maaaring ma extend ang Courtesy Lane privileges sa mga aplikanteng may exceptional and emergency cases base sa approval ng mga sumusunod:
Iba pang reminders:
- Simula March 14, 2022 ang Courtesy Lane ng DFA Aseana ay tatanggap lamang ng hanggang 300 qualified and fully vaccinated walk-in applicants. Ang minor applicants ay maari nang isama sa vaccination status ng kanilang kasamang parent/guardian o authorized representative.
- Ang processing para sa mga aplikante sa Courtesy Lane ay magsisimula ng 1PM. Maaari nang pumila ang mga aplikante sa umaga pa lang.
- Ang mga Senior Citizen at PWD applicants ay maaaring mamili sa regular o expedited processing ng kanilang passport application (during regular hours from Monday to Friday).
- Ang mga companions ay kailangang mag bayad kung nais nila ang expedited processing.
- Lahat ng applications sa labas ng regular hours ay kailangang magbayad ng expedited processing.
- Ang mga Consular Offices ay authorized na mag set ng kanilang daily maximum number of applicants. Ito ay naka base sa operating capacity ng Consular Office at safety at convenience ng mga aplikante.
- Maaaring isara ang Courtesy Lanes sakaling may emergency o extraordinary circumstances kagaya ng COVID-19 public health emergency.
Ang lahat ng ibang aplikante na hindi kasama sa listahan ay kailangan kumuha ng online appointment para sa kanilang passport application at renewal.
Sana nakatulong ang blog na ito sa lahat ng nais mag tanong kung paano at sino ang puwedeng gumamit ng Courtesy Lanes sa mga DFA offices.
Reference: