Paano Itama Ang Maling Information Na Nailagay Sa Passport Appointment?

Isa sa mga common questions na natatanggap namin sa page na ito ay kung paano aayusin o ico-correct ang mga maling information na aksidenteng nailagay ng applicant sa online passport appointment. Madalas pa, nare-realize ng applicant na mali ang nailagay na information kung kailan malapit na ang petsa ng kanyang appointment sa DFA.

This week, nag labas ang DFA ng reminder sa kanilang Facebook page na nagpapa-alala sa mga passport applicants na maging maingat sa pag fill-out ng online appointment booking dahil maaari itong maka apekto sa kanilang application. Malaki ang posibilidad na ma-cancel o ma-reject ang passport application kung maraming errors na makikita sa application form.

Puwede ko pa bang baguhin ang information na nai-submit ko na sa aking passport appointment?

Maaring baguhin o itama ang maling information sa mismong interview ngunit para lamang sa mga sumusunod:

  • Parents’ names
  • Place of birth
  • Old passport number

Tandaan na ISANG error lang ang maaaring ma-accommodate o i-correct. Kung may dalawa o higit pang errors, maaaring ma-reject ang iyong application.

Kung ang error ay sa pangalan ng applicant o birthdate, hindi ito maaaring ipa-correct sa araw ng interview. Malaki ang posibilidad na ma-reject ang iyong application.

Ayon sa DFA, ang multiple errors at misrepresentation of information sa passport application ay magiging dahilan ng hindi tamang pag-capture ng biometrics ng aplikante.

IMO, isa rin itong paraan upang maiwasan ang fraud o panloloko para makakuha ng passport ang isang tao. Kaya’t kinakailangan na tama ang lahat ng impormasyong naka saad sa iyong online application at ang mga ito ay suportado ng iba pang valid IDs at civil registry documents.

Sana ay naka tulong ang blog na ito para masagot ang inyong mga tanong tungkol sa mga errors sa passport application through the online passport appointment system. Laging magi-ingat sa pag lalagay ng inyong mga information online at siguruhing tama ang lahat ng mga detalye bago niyo ito i-submit sa DFA.

Reference:

Department of Foreign Affairs

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

One thought on “Paano Itama Ang Maling Information Na Nailagay Sa Passport Appointment?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: