Requirements Para Sa Ecumenical Wedding (Kasal Ng Magka-ibang Christian Denomination)

Sa Pilipinas, kadalasan na magkapareho ng relihiyon ang magkasintahan na nagpapakasal sa simbahan. Kung hindi man sila pareho sa umpisa ng kanilang relasyon, may isa sa kanila na aanib o magbabago ng relihiyon para mapakasalan ang kasintahan. Ngunit may ilan rin na pumapayag sa tinatawag na interdenominational marriage o ecumenical wedding.

Ang ecumenical wedding ay ang pag-iisang dibdib ng magkasintahang magkaiba ng Christian denomination. Ibig sabihin, pareho silang Kristiyano, pero magkaiba ng simbahan. Example: ang babae ay isang Baptist Christian at ang lalake ay Catholic. Sa Pilipinas, pinapayagan ang ganitong klase ng pagpapakasal at hindi kinakailangang magpa convert ang kahit na sino sa dalawang partido para lamang matuloy ang kasal. Maaari silang ikasal sa Catholic church, maaari rin silang ikasal sa Baptist church.

Ano ang mga requirements para sa isang Ecumenical Wedding?

  1. Certificate of Freedom to Marry mula sa non-Catholic Pastor.
    • Ito ay para ma-certify na ang non-Catholic party ay malayang magpakasal (no legal impediments)
    • Maaari rin itong tawaging Affidavit of Free Status to Marry.
  2. Permission for the Celebration of Mixed Marriage
    • Ito ay manggagaling sa Archdiocesan Chancery Office ng Catholic parish office.
    • Kadalasan, ini-interview ang magpapakasal bago ilabas ang permit. Dito ipapaalala ang mga responsibilidad ng Catholic bride or groom sa simbahang Katoliko pagkatapos siyang maikasal sa non-Catholic partner.
  3. Marriage License
    • Ito ay kukunin ng magkasintahan sa city hall o munisipyo ng lugar kung saan nakatira ang isa sa magkasintahan.
    • Mag handa ng kopya ng PSA birth certificates at CENOMAR at i-submit ito kasama ng Marriage License application form.
    • Depende sa edad ng magpapakasal, maaaring i-require ng munisipyo na mag attend ng family planning seminar at pre-wedding counseling sessions ang magkasintahan.
  4. Other Basic Requirements of the Church
    • Para sa kumpletong listahan ng mga requirements sa Catholic Church wedding, see my previous blog.
    • Maki-coordinate sa non-Catholic church para sa kanilang mga requirements.

Paalala lamang na iba ang ecumenical wedding sa kasal sa pagitan ng isang Christian at isang non-Christian individual (Buddhist, Islam, Hindu, etc.). Ang ecumenical wedding ay sa pagitan lamang ng parehong Kristiyano ngunit magkaiba ng simbahang kinaaaniban.

Reference:

Bride and Breakfast

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: