Paano Irehistro Sa Pilipinas Ang Kasal Na Ginanap Sa Ibang Bansa?

Madaling ipa-rehistro ang kasal na ginanap mismo sa loob ng bansa. Kadalasan ay ang nagkasal na Pastor o Ministro ang nag-aasikaso ng pagpaparehistro sa Certificate of Marriage ng bagong mag-asawa. Kung ang kasal ay ginanap mismo sa munisipyo (civil rights), agad na ring dinadala ng staff ng munisipyo ang mga napirmahang wedding documents sa LCR. Ngunit, paano kung hindi sa Pilipinas kinasal ang dalawang Pilipino (o isang Pilipino at isang foreigner)? Ano ang registration process na sinusunod sa ganitong klase ng pag-iisang dibdib?

Ayon sa website ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang kasal ng Filipino citizens sa ibang bansa ay dapat na mai-rehistro sa Philippine Foreign Service Post (Embassy o Consulate) ng bansa kung saan sila kinasal.

  1. Mag submit ng tatlong kopya ng duly accomplished Report of Marriage . Maaring i-download ang form at i-print sa legal size bond paper at isulat ng malinaw ang mga information na hinihingi sa form. Maiden name din ng babae ang dapat na isulat sa lahat ng forms para sa Report of Marriage.
  2. I-attach ang authenticated copy ng Marriage Certificate mula sa lugar kung saan ikinasal. Hindi tatanggapin ang Abstract Copy lamang, dapat ito ay attested o authenticated.
  3. Kailangan rin na authenticated ng Ministry of Foreign Affairs ang lahat ng dokumento na ipapasa sa Consular Section ng embassy.
  4. I-submit ang original at photocopies ng birth certificate ng bride at groom. Isama na rin ang original at photocopies ng personal data at amendment pages ng kanilang passports.
  5. Mag submit ng apat na photocopies ng lahat binanggit na mga documents sa itaas dahil ang mga original documents ay ibabalik sa contracting parties pagkatapos ng verification/evaluation.
  6. Maaaring mag require ang embassy ng karagdagang documents kung kinakailangan.
  7. Mag submit ng apat na colored passport-sized photos ng contracting parties.
    • White background
    • 1.77″ x 1.37″ (4.5 x 3.5 cm).
    • Kinunan sa loob ng anim na buwan mula sa date of application para sa Report of Marriage
    • Pirmahan ang ibaba o gilid ng larawan
    • Bayaran ang fees para sa Report of Marriage

Matapos makumpleto ang lahat ng requirements at mabayaran ang fee, ita-transmit ng embassy sa DFA ang Report of Marriage. Ang DFA ang siyang magfo-forward ng mga documents sa Office of the Civil Registrar General of the Philippines para sa registration at recording.

Maaaring umabot ng anim na buwan ang proseso ng Report of Marriage; pagkatapos nito ay pwede nang mag inquire sa PSA kung may available copy na ng PSA marriage certificate.

Reference:

Department of Foreign Affairs

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: