Congratulations on your engagement!
Narito ang listahan ng mga requirements, fees, at iba pang mga documents na kailangan mong ihanda kung balak mong magpakasal sa simbahang Katoliko.
- Bagong Baptismal at Confirmation Certificates
- Maari itong makuha sa parish office ng simbahan kung saan ka nabinyagan at kinumpilan.
- Patatakan ang certificates ng “For Marriage Purposes”. Kung wala nito, ituturing na invalid ang inyong baptismal at confirmation certificates.
- Valid ang birth at confirmation certificates na may annotation stamp sa loob lamang ng anim na buwan.
- Maaaring may fee na kailangang bayaran para sa mga certificates; ito ay depende sa rate na sisingilin ng inyong parish.
- Marriage License
- Mag apply ng marriage license sa Local Civil Registrar sa munisipyo.
- May 120 days validity ang marriage license. Kailangang mag apply ng panibago sakaling hindi ito magamit hanggang sa expiration date.
- Canonical Interview
- Magpa schedule sa inyong parish office para sa Canonical Interview.
- Ito ay kailangang daluhan ng magkasintahan – hindi pwedeng ang babae o ang lalake lang, dapat sabay nila itong dadaluhan.
- Ang canonical interview ay ginagawa upang ma-determine ng pari kung handa na ba at malaya ba talagang magpakasal ang magkasintahan.
- Pagkatapos ng interview, maaari nang ma-confirm ang wedding date at wedding banns.
- Certificate of Freedom to Marry
- Again, kukunin niyo ito sa parish office ng simbahan kung saan kayo magpapaksal.
- Ang ibang tawag dito ay Wedding Permit o Marriage Permit
- Marriage Banns
- Ito ay itinuturing na public announcement ng inyong pagpapakasal.
- Ginagawa ito bilang katunayan na walang legal impediments ang inyong pag-sasama — parehong malayang magpakasal ang babae at lalake.
- Ifa-file ang marriage banns sa parish na kinabibilangan ng magkasintahan (not necessarily sa simbahan kung saan ikakasal). Babalikan ito pagkatapos ng tatlong linggo at isa-submit sa simbahan kung saan kayo ikakasal.
- PSA birth certificate at CENOMAR
- Puwedeng sadyain ito sa pinaka malapit na PSA Serbilis outlet o kaya ay ordering online sa PSAHelpline.ph at ipa-deliver sa inyong address
- Ang CENOMAR ay may validity na hanggang anim na buwan lamang. Ang PSA birth certificate naman ay walang expiration.
- Listahan ng mga Principal Sponsors at kanilang mga addresses
- Maaaring mag imbita ng hanggang dalawang pares ng ninong at ninang, ngunit may option din na dagdagan pa ito kung kailangan.
- May mga simbahan na nililimitahan ang bilang ng principal sponsors. Sakaling lumagpas kayo sa bilang, magkakaroon ng additional fees para sa karagdagang principal sponsors.
- May mga simbahan na nagcha-charge ng fee kada sponsor.
- Confession
- Hindi ito requirement ngunit karamihan ng mga pari ay ine-encourage ito sa magpapakasal.
May iba pang requirements ang Catholic churches depende sa sitwasyon ng mga ikakasal katulad ng kung biyudo o biyuda ang isa o parehong ikakasal, o may isa o pareho kayong divorced, o annulled. Pinaka mabuting makipag ugnayan sa simbahang inyong napili para malaman ang kumpletong listahan ng kanilang requirements at fees.
Best wishes!
Thanks so much for the helpful information;)
Best
Serena