Mga SSS Branches Na Bukas Hanggang Sabado

Para sa mga pumapasok sa eskwela o pumapasok sa opisina, weekend lang ang pagkakataon na magampanan nila ang mga obligasyon at errands tulad ng pagbabayad ng bills, pag asikaso sa mga government documents, at iba pang mga transactions. Kadalasan, kailangan pang mag leave sa opisina o umabsent sa eskwela para lang magawa ang mga bagay na ito. Kaya naman malaking tulong kung ang mga government agencies ay may mga bukas na opisina hanggang Sabado dahil nagkakaroon ng pagkakataon ang mga taong makipag transact na hindi na kailangang mag leave sa trabaho.

Kaya’t magandang balita para sa mga residente ng Metro Manila na ang Social Security System (SSS) ay magbubukas ng ilan sa kanilang mga branches ng anim na araw sa isang linggo. Ibig sabihin, maaari nang mag transact ang mga SSS members at applicants sa mga branches na ito mula Lunes hanggang Sabado.

Narito ang mga SSS branches na bukas sa lahat ng Sabado simula October 1 hanggang December 31, 2022:

SSS BRANCHLOCATIONOPERATING HOURS
CubaoPuregold Cubao8 AM to 5 PM
MalabonMalabon Citisquare8 AM to 5 PM
NovalichesRobinsons Novaliches8 AM to 5 PM
Paseo de BlasPaseo de Blas8 AM to 5 PM
AntipoloAntipolo Triangle Mall8 AM to 5 PM
Mandaluyong Shaw500 Shaw Zentrum8 AM to 5 PM
MarikinaXeland Marikina8 AM to 5 PM
OrtigasRobinsons Galleria8 AM to 5 PM
Las PinasSM Southmall8 AM to 5 PM
Makati-Chino RocesMakati Central Square8 AM to 5 PM
ParanaquePuregold Sucat8 AM to 5 PM
TaguigSM Aura Tower8 AM to 5 PM

Paalala lamang na walang Tellering Services sa mga branches na ito kapag Sabado, kaya’t kung ang pakay ng inyong pag bisita ay upang magbayad o mag remit ng bayad, gawin na lamang ito sa mga payment partners ng SSS gaya ng GCash, ShopeePay, at sa mga over-the-counter payment centers ng SSS. Lahat naman ng iba pang SSS transactions ay maaaring gawin sa SSS branch na bukas ng Sabado.

Kung may mga katanungan tungkol sa Saturday schedule ng SSS at iba pang mga serbisyo at transactions, maaaring tawagan ang SSS Call Center sa mga sumusunod na numbers:

  • 8-1455 (kung gamit ay landline)
  • 02-1455 (kung gamit ay mobile phone)

Ang call center ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes.

Reference:

SSS Facebook Page

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: