May short-term loan ka ba sa SSS na hindi mo na nabayaran at natatakot kang mag inquire tungkol sa settlement dahil baka malula ka na sa interest rate? May solusyon na para diyan.
Ibinahagi ng SSS, sa pamamagitan ng kanilang Facebook page, ang launching ng SSS Conso Loan program. Ito ay naglalayong matulungan ang mga kwalipikadong SSS members na may delinquent short-term loan accounts na mabayaran na ito sa mas mababang interest rate. Ang program ay nag simula noong October 4, 2022.
Sino ang maaring mag avail ng SSS Conso Loan?
- Member-borrowers na may past due o hindi nabayarang obligasyo na binubuo ng principal, interest, at penalty na katumbas ng tatlong buwanang hulog. Maaari ring may natitirang balanse pagkatapo sng 2-year payment period.
- Salary Loan
- Salary Loan Early Renewal Program (SLERP)
- Calamity Loan
- Emergency Loan
- Restructured Loan
- Member-borrowers na hindi pa nag claim ng kahit na anong final benefit mula sa SSS gaya ng retirement benefits, o permanent total disability benefits.
- Member-borrowers na walang record ng pandaraya laban sa SSS (o hind pa na disqualify ng SSS dahil sa pandaraya).
- Member-borrowers na may aktibong My.SSS account.
Paano makakatulong ang Conso Loan sa mga may past-due and overdue SSS loan accounts?
Ayon sa announcement ng SSS:
Ang lahat ng outstanding principal at interest ng past due loan/s ng member-borrower ay pagsasamahin bilang isang Consolidated Loan. Ang hindi nabayarang penalties ay hiwalay na iko-consolidate at isasailalim sa conditional condonation, na ang ibig sabihin ay mabubura ang penalties depende sa laki ng nabayarang bahagi o kabuuan ng SSS Conso Loan.
Paano ang payment schedule sa ilalim ng SSS Conso Loan?
Kapag qualified ang member sa SSS Conso Loan program, mabibigyan siya ng mga options sa paraan at schedule ng pagbabayad.
- Pwedeng bayaran ang Conso Loan amount ng minsanan o one-time payment. Ang payment ay dapat maibigay sa loob ng 30 calendar days pagkatapos na matanggap ang approval ng SSS. Ito ay mandatory para sa mga may outstanding loan amount na Php 5,000 pababa.
- Pwede ring bayaran ang conso loan ng hulugan at uumpisahan ito sa pag babayad ng down payment na hindi bababa sa 10% ng consolidated loan total amount. Pwedeng bayaran ang down payment within 30 calendar days mula nang matanggap ang approval notice ng SSS. Huhulugan ng member ang natitirang amount sa loob ng 60 months, depende sa halaga ng loan.
- Maari ring bayaran ng member ng minsanan ang kanyang outstanding balance any time. Pwede ring mas mataas sa kanyang monthly amortization amount ang bayaran niya buwan-buwan hanggang mabuo na niya ang total loan amount payable.
Ano ang mangyayari kung hindi makakatupad sa conso loan payments ang member?
Sakaling hindi makatupad sa schedule of payments ang member, maaaring mangyari ang kahit alin sa mga sumusunod:
- Ibabawas ang balanse ng conso loan sa short-term benefits ng member kagaya ng: sickness benefits, maternity benefits, o partial disability benefit claims.
- Ibabawas ang balanse sa final benefits ng member gaya ng permanent total disability benefits, death benefits, retirement benefits.
Ang manner of deducting na nabanggit sa itaas ay awtorisado ng Social Security Commission (SSC).
Kailan pwedeng mag loan muli ang member?
Three months matapos mabuo ang conso loan payments ay maaari nang mag apply ng panibagong loan ang member sa SSS.
Kung defaulted SSS conso loan naman ang account ng member (hindi nakapag bayad ng buwanang hulog, o nabigong bayaran ng buo ang loan sa loob ng approved payment terms), aabutin ng hanggang dalawang taon mula sa petsa ng full payment ng conso loan ang hihintayin ng member bago siya muling makapag file ng loan sa SSS.
Saan ang hanggang kailang maaring mag submit ng application for conso loan?
I-submit ang iyong application online sa pamamagitan ng My.SSS. Wala namang deadline ang period of filing ng conso loan. Ito ay isa ng regular na programa ng SSS.
Para sa iba pang katanungan, lalo na kung tungkol sa interest rates at penalty fees, bisitahin ang Facebook page ng SSS sa http://www.facebook.com/SSSPh. Maaari rin kayong tumawag sa kanilang hotline o mag email sa member_relations@sss.gov.ph.