Ang Negative Certification ay natatanggap ng mga taong nag request ng kanilang PSA birth certificate (mula sa PSA) ngunit wala silang birth record na naka file sa PSA. Sa madaling salita, wala silang PSA birth certificate.
Wala namang dahilan para mag panic o mag-alala kapag ganito ang kinalabasan ng iyong request. Ibig lang sabihin nito ay walang hawak na kopya ng iyong birth certificate ang PSA. Hindi ibig sabihin na wala kang birth records.
May tatlong possible reasons kung bakit ang isang tao ay walang birth records sa PSA:
- Hindi pa na-transmit ang iyong birth records o Certificate of Live Birth mula sa Local Civil Registrar (LCR) kung saan naka rehistro ang iyong birth records, papunta sa PSA, kaya walang ma-pull up ang PSA na birth certificate.
- Hindi na-rehistro ang iyong kapanganakan. Ibig sabihin ay walang tala o record ang LCR ng mga detalye ng iyong kapanganakan — wala kang birth certificate sa LCR man o sa PSA. Kung ito ang case mo, kailangan mong mag file ng Late Registration of Birth.
- May birth records ka sa LCR ngunit ito ay nawawala o na-misplace. Kung ito ang case mo, kailangan mong magpa Reconstruct ng iyong birth certificate sa LCR. Kapag nagawa na ang iyong birth certificate, kailangan itong i-endorse ng LCR sa PSA para sa encoding.
May solusyon ang lahat ng scenario na nabanggit sa itaas. Ang mahalaga ay malaman mo mula sa LCR kung bakit wala kang birth records sa PSA.
Sakaling nag request ka ng PSA birth certificate mo online (PSAHelpline.ph) at ang natanggap mong document ay Negative Certification, hindi ito kasalanan ng online service kung saan ka nag request. Ang ibig sabihin lang nito ay walang hawak ang PSA na birth records mo at kailangan mo itong asikasuhin sa LCR kung saan naka rehistro ang iyong birth records (o sa LCR ng lugar kung saan ka pinanganak).
Mga hakbang na dapat gawin kapag nalaman mong wala kang birth records sa PSA:
- Kung hindi pa na-transmit ng LCR ang birth records mo sa PSA:
- Personal na bumisita sa LCR office kung saan naka rehistro ang iyong birth records.
- Mag file ng request for endorsement ng iyong birth certificate.
- Bayaran ang endorsement fee. Siguraduhing sa cashier ng LCR o ng munisipyo o city hall ka nagbabayad at hindi sa fixer. Mang hingi ng official receipt ng iyong mga binayaran.
- Ipapadala ng LCR sa PSA ang pirmadong kopya ng endorsement letter, kasama ng kopya ng iyong birth certificate. Maaari kang humingi ng kopya ng signed endorsement letter pati na ng tracking o dispatch number, reference number, at date of delivery ng endorsement. Maari mong gamitin ang mga ito bilang reference kapag nag follow up ka sa PSA office.
- Kapag natanggap na ng PSA ang endorsed files mula sa LCR, uumpisahan na nilang i-encode ang iyong birth certificate. Maaari kang mag request sa PSA ng first copy ng iyong PSA birth certificate pagka lipas ng waiting time na sinabi sa iyo ng LCR. Puwede ka ring mag request ng copy online sa PSAHelpline.ph.
- Kung wala ring kopya ang LCR ng iyong birth records at hindi sila makakita ng registration sa iyong pangalan, ibig sabihin ay hindi ka pa rehistrado. Kailangan mong mag file ng Late Registration of Birth. para malaman ang mga hakbang sa Late Registration, i-click lamang ang title ng blog: How to Apply for a Late Registration of Birth.
- Kung may records ka sa LCR ngunit hindi makita ang kopya ng iyong Certificate of Live Birth, maaari kang mag pa Reconstruct ng kopya upang ma-forward ito sa PSA for encoding. Ang LCR ang mag sasabi sa iyo kung ano ang mga requirements at fees na kailangan para sa reconstruction ng civil registry document.
Sana ay naka tulong ang blog na ito para masagot ang inyong mga katanungan tungkol sa Negative Certification mula sa PSA. Tandaan: may solusyon ang Negative Certification at hindi ito dapat isisi sa PSA, sa courier na nag deliver ng birth certificate mo, o ng online service kung saan ka nag order ng iyong birth certificate. Agad na makipag ugnayan sa inyong LCR kapag nakatanggap ng Negative Certification mula sa PSA para mabilis na maaksyunan ang inyong mga katanungan.
Source: