Ano ang 9/12 Rule ng PhilHealth?

Sept 06

Sa October 1, 2018, ang lahat ng PhilHealth members ay dapat nakakumpleto ng hindi bababa sa 9 months na contributions sa loob ng 12 months BEFORE or BAGO ang hospital confinement, upang magamit ang kanilang mga benepisyo.  Ito ang 9/12 rule na papalit sa 3/6 (3 months paid contributions within the last 6 months prior to confinement) rule na kasalukuyang sinusunod ng mga members at mga hospitals.

Paano ang pagbilang ng 9 months sa 9/12 rule?

Kung ang date of confinement mo ay October 2, 2018 (isang araw matapos mag effect ang 9/12 rule), bumilang ka ng 12 months pabalik, kasama ang buwan ng confinement (October).

  • 12 months: October 2018 to November 2017
  • Kailangang bayad ang contributions ng 9 na buwan between October 2018 to November 2017,
  • Hindi kailangang consecutive o sunod-sunod na buwan ang bayad; basta’t nakabuo ng at least 9 months na premium payments, eligible ang miyembro sa PhilHealth benefits.

Para sa lahat ng types ng PhilHealth members ba ang 9/12 rule?

Ito ay applicable sa lahat ng uri ng members MALIBAN SA MGA SUMUSUNOD:

  • Members na may Validity Dates ang PhilHealth cards tulad ng mga Sponsored Members, Land-based OFWs, at Indigent Members.

Magkano ang monthly PhilHealth contributions ng mga Individual Payors?

Mananatili sa Php 200 per month ang required monthly contribution (para sa P2,400 annually) at Php 300 per month (para sa Php 3,600 annually).

Ang mga employed, seafarers, at kasambahay members lamang ang nag increase ang monthly premium payments.

Tandaan:

Hindi tatanggapin ng PhilHealth ang same day settlement o ang mga miyembro na nag bayad ng kanilang contribution (para mabuo ang 9 months) sa mismong araw ng confinement.  Ibig sabihin, kahit nagbayad ka ng umaga ng October 2, 2018 at ikaw ma-admit sa hospital ng gabi ng parehong araw, hindi ico-consider ng PhilHealth na nakatupad ka sa 9/12 rule.  Kaya’t importanteng regular na nakakapag bayad ng contributions buwan-buwan para laging siguradong eligible ka, ano man ang mangyari.

Ang 9/12 rule ay mag-uumpisa sa October 1, 2018.

Source: www.philhealth.gov.ph

Chips And Nibblers (1)

Closet Queen

ad

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

2 thoughts on “Ano ang 9/12 Rule ng PhilHealth?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: