No PSA Birth Certificate? No Problem!

03 - 29

Ang PSA Birth Certificate (dating NSO Birth Certificate) ay madalas na kasama sa listahan ng mga primary documentary requirements ng iba’t-ibang establishments tulad ng mga bangko, eskwelahan, at mga government agencies.  Ang birth certificate ay naka-print sa Security Paper (SECPA) at may selyo ng PSA sa upper left-hand corner ng dokumento.  Maaari itong makuha mula sa mga opisina ng PSA o ipa-deliver sa inyong bahay sa pamamagitan ng pag-order online o pagtawag sa hotline (02 – 737 – 1111).

Habang may mga taong nakakatanggap ng kopya ng kanilang PSA birth certificate, meron din naman na ang natatanggap na kopya ay iyong tinatawag na Negative Certification.  Ang ibig sabihin nito ay walang kopya ang PSA ng kanilang birth certificate.

Bakit Negative Certification ang natanggap ko mula sa PSA?

Ang dalawang dahilan kung bakit may mga nakakatanggap ng Negative Certification mula sa PSA ay:

  • Hindi pa naka rehistro ang kapanganakan ng taong nag request ng birth certificate.
  • Hindi pa nai-submit ng Local Civil Registry ang kopya ng birth certificate sa PSA.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakatanggap ako ng Negative Certification?

Nakababahalang matuklasan na walang kopya ang PSA ng iyong birth certificate ngunit may paraan para maayos ito.

May kopya ang LCR ngunit walang kopya ang PSA.

Unahin mong alamin mula sa Local Civil Registry ng lugar kung saan ka ipinanganak kung meron silang record ng iyong kapanganakan.  Kadalasan ay merong naka file ngunit hindi nai-forward sa PSA para ma-certify.  Kung makukumpirma ng LCR na meron ka ngang birth certificate sa files nila, ito ang dapat mong gawin:

  1. Manghingi ng form sa LCR para makapag request ng Endorsement of Records.
  2. Bayaran ang courier fees sa Cashier at ipakita sa LCR ang iyong resibo.  Itago ang resibo bilang katibayan ng iyong filed transaction at binayarang courier fee.
  3. Pagkalipas ng isang linggo, maaari nang mag follow-up sa PSA Sta. Mesa office.  Dalhin ang resibo ng binayarang courier fee sa LCR para mas mabilis na ma-trace ang iyong transaction.

Ang unang kopya ng iyong pina-endorse na dokumento ay sa PSA Sta. Mesa makukuha.  Ang mga susunod na request ng kopya ng iyong PSA birth certificate ay maaari nang ma-order online o sa pagtawag sa PSAHelpline hotline na 02 – 737 -1111.

Walang naka-file na rehistro ng kapanganakan sa LCR.

Kung walang record ng iyong birth certificate na mahahanap ang LCR, ibig sabihin ay hindi narehistro ang iyong kapanganakan.  Wala ka talagang birth certificate at kailangan mong mag file ng Late Registration of Birth.

Maaari itong i-file sa munisipyo ng bayan kung saan ka ipinanganak.  Sakaling sa ibang bayan ka na nakatira, maaari ka na ring mag file sa LCR kung saan ka kasalukuyang naninirahan (Out-of-town Late Registration).

Ano ang requirements para makapag file ng Late Registration of Birth?

  1. Kung less than 18 years old:
    • Apat (4) na kopya ng Certificate of Live Birth na may kumpletong detalye at pirmado ng mga concerned parties.
    • Punuan din ng hinihinging detalye ang Affidavit of Delayed Registration sa likod ng Certificate of Live Birth.  Ang mga impormasyon dito ay magmumula sa ama, ina, o guardian ng may ari ng birth certificate, tulad ng:
      • Pangalan ng bata;
      • Petsa at lugar ng kapanganakan;
      • Pangalan ng ama ng bata kung ito ay illegitimate at kinikilala ng ama;
      • Kung legitimate ang bata, isulat ang petsa at lugar kung saan ikinasal ang mga magulang;
      • Isulat ang dahilan kung bakit hindi na-rehistro ang bata sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng kanyang kapanganakan.
  2. Kung 18 years old and above:

Improtanteng ma-kumpirma mo muna na wala ka talagang birth records sa LCR ng iyong birthplace para maiwasan ang tinatawag na Double Registration.  Nangyayari ito kung meron nang birth registration ang isang tao at pagkalipas ng ilang taon ay nagpa-rehistro siyang muli sa ibang munisipyo.  Kung ito ang mangyayari, ang records na susundin ng LCR ay iyong unang registration; ito rin ang record na ipadadala sa PSA for certification.

Source: www.psa.gov.ph

Chips And Nibblers (1)

Closet Queen

ad

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

92 thoughts on “No PSA Birth Certificate? No Problem!

  1. Negative result sa PSA wala din sa LCR, 1982 po pinanganak paano po gagawin kc lahat ng records nya SSS PAGIBIG ang nka lagay na address ng kapanganakan nya ay cagayan de oro tapos dito na siya lumaki sa manila ano dapat gawin kc hilot lang at matagal ng patay ang komadrona,ano po mga requirements. Maraning salamat po sana masagot nyo po ako.

      1. Nakalagay po ba sa baptismal certificate ng Mormons ang birth date? Subukan niyo pong mag inquire sa LCR o sa munisipyo kung tatanggapin po nila ang Mormons baptismal certificate.

  2. Hi po maam , maam tnung ko po , kasi yung lastname ko sa brthctifcat ko na punta sa midle name ko po , tpus ung lastnme ko wla nka sulat , paanu po ba ito ang process maam ,

  3. Kung halimbawa po nkaregister po sa LCR pero no record sa PSA pwede po ba hindi ako ang mag asikaso at ipaayos ko sa kakilala .. ano po kaya ang kailangan dalhin.. slamat

  4. Pwede oo ba kayo na mag lakad nghndi naka rehistroano ang kailangan kc wala ng kamag anak sa probinsya
    Tapos dalawang birth certificate pa na negative or no record sa psa how much po

    1. Kailangan kayo po mismo ang mag asikaso nito o kaya kamag-anak ninyo. Huwag po kayong makiki transact sa mga fixer dahil kadalasan, nanloloko lang sila ng mga tulad ninyo na nanghihingi ng tulong sa birth certificate.

      1. kinuhA q ung birth. cert. q PSA n xia kaso my problema wla xia first name at skA kung saan aqu pinanganak… pero s dati q birth. cert. meron…. bkt ganoon.. ano po gagawin q po…

  5. Maayos pa ba ang birth certificate ko nakasanayan ko gamit yung my space although same name naman sya sa lahat nag documents ko nuon nakasanayan ko n ang wlang space maging sa married contract ko birth certificate ng nga anak ko wlang space pero sa transcript of record ko ng elementary merong space katulad sa birth certificate ko. Ano po dapat kong gawin kung papabago ko posa mga anak ko baka matagalan po

    1. Subukan niyong ipa-correct yung name mo sa LCR kung saan ka naka rehistro. Itanong mo kung pwedeng petition for correction of clerical error lang ang gawin since space lang naman ang tatanggalin.

  6. i want an acceptable and valid reason why until now still 3yrs ago na no result pa rin ang change name ng brother ko? please process it immediately so that my brother can get a drivers license na. his used name is Jerry Torrefiel, birthdate is on aug. 19, 1972, birthplace is kalamansig, sultan kudarat..hindi na mabilang balik-balik ko ng lcr namin pero wa pa rin daw result, annotated daw…ano ba yan psa tulong naman…

    1. Please proceed to the nearest PSA office and bring any proof from the LCR that they accepted the change of name request for your brother’s birth certificate. We are not PSA — we are a private blogger that features PSA’s processes and other useful information for Filipinos.

    2. Ano po ba requirements for changing the surname into father? Response me as soon as possible. Thank you!

      On Tue, Jan 7, 2020, 1:40 PM MasterCitizen’s Blog wrote:

      > jenalyn torrefiel commented: “i want an acceptable and valid reason why > until now still 3yrs ago na no result pa rin ang change name ng brother ko? > please process it immediately so that my brother can get a drivers license > na. his used name is Jerry Torrefiel, birthdate is on aug. 19,” >

      1. a. If an illegitimate child, carrying his mother’s maiden last name, wants to start using his father’s last name, he needs to execute a document, private or public, where he is recognized by his father as his child. Such documents may be:

        The affidavit found at the back of the Certificate of Live Birth (COLB); or
        A separate PUBLIC document executed by the father, expressly recognizing the child as his. The document should be handwritten and signed by the father; or
        A separate PRIVATE handwritten instrument such as the Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF). Note that the AUSF is used when the birth has been registered under the mother’s surname, with or without the father’s recognition.

        b. If an illegitimate child, carrying his mother’s maiden last name, wants to use the last name of his adoptive father.

        This shall follow the process of legal adoption.

        c. If the single mother wants to drop the last name of the illegitimate child’s biological father from the child’s birth certificate.

        This is a relatively new scenario that may have surfaced after R.A. 9255 took effect. When unmarried parents decide to let the child use the father’s last name and then separate later on, the single mother may soon decide that her child’s birth certificate is better off without her ex-partner’s name on it.
        This case needs to undergo court hearing and the results are entirely dependent on how the proceedings will go. This may also entail more costs, time, and effort before a favorable result is achieved.

  7. @mastercitizen , kung wala po kami requirements ng lahat ng mga nabanggit sa itaas , wala na po pag-asa magkaroon ng birth certificate?

    1. Kung wala talaga, kailangan mo nang magpa late register sa munisipyo kung saan ka ipinanganak o kung saan ka nakatira ngayon. Yun lang ang tanging paraan para magkaron ka ng birth certificate.

      Siguraduhin mo lang na talagang hindi ka pa na rehistro before — kasi kung may registration ka na before pa, magdodoble ito at mas lalong magiging problema sa part mo.

      Kung narehistro ka noon, pwede kang mag inquire sa munisipyo ng birth place mo at alamin kung may records sila ng birth mo. Kugn meron, ipa-endorse mo sa PSA para makakuha ka ng PSA copy ng birth certificate mo.

      MC

  8. Paano po ba makakuha ng birth certificate and aking magulang na walang record sa PSA na rehistro naman sya ngunit nasunog daw ang munisipyo nila sa Samar noon Maya nasunog lahat ng record kahit anong kuha namin ng kopya sa nso noon negative ang lumalabas ngayon po at nasa edad 50 na sya Pero naikasal sya at may marriage contract. Paano po ba?? Sana matulungan nyo po kami. Salamat.

    1. Hi Dian,

      Kung nasunog na ang records ng munisipyo, pwede kayong magpa- reconstruct ng bago sa kanila. Pwede din po kayong mag file ng late registration (pero gagawin niyo lang po ito kung talagang hindi na makaka gawa ng bagong kopya ang munisipyo).

      MC

    1. Hi Sheila,

      You can simply order for a copy of your child’s birth certificate online at http://www.psahelpline.ph or pumunta kayo sa pinaka malapit na opisina ng PSA (dating NSO) para doon mag request.

      Walang kaso kung kasal o hinde ang mga magulang ng bata. Ang importante, napa-rehistro niyo siya shortly after siyang maipanganak.

      MC

  9. Hi po master,

    Kumuha po ako birth cert nung 2009 sa NSO nag negative with their document na wala ako record sa kanila, tapos chineck ko sa LCR wala din po record at inadvise nila ako na mag pa late register.

    Nagpalate register po ako at ibinase ko ito sa baptismal ko.

    Then after a year kumuha ko ng birth cert ko, and meron na lumabas.

    ang lumabas eh yung supposedly unang registration ko which is my error.

    meron ako document na nag papatunay na nag negative yung record sa nso at wala sa civil registrar yung record ng name ko kaya ako nag pa late register.

    dapat kase ang gagamitin kuna ung late registration ko.

    ano kaya maganda gawin para maayos ko to. correction of entry lang naman sana una ko gagawin kaso nag negative sa NSO at LCR ngaun kailangan ko pa ata ng cancellation.

    Pano po ba maganda gawin. pwede kaya pa correct ko nalang una. tapos sa future nalang ung cancellation nung late registration.

    1. Hi Joey,

      Since ang lumalabas na birth certificate pag nagrerequest ka is the first (and original) one, yan ang dapat na gamitin mo. Pwede mong ipa cancel na lang ung late registration mo.

      MC

  10. hello po master, merun aq concern tungkol sa marriage certificate nmin ng asawa ko,ung copy po nmin na marriage certificate sa local at sa secpa eh tama po ang aming mga signature dun, pero nung kmuha n po ako ng psa marriage certificate nmin dahil need po sa taiwan embassy, ung signature po nmin dun ay mali at nd ho un ang aming signature,master ask q po kng ano ggwin q pra mapalitan ng tama ang aming signature? slamat marmi..

  11. hello po ask ko lang po sana first time po nmin kumuha ng passport ng asawa ko kaso ung sa nso marriage cert po namin may mali, may nadagdag na isang letra sa middle name ko. ako po ung wife. may joint affidavit po pro matagal na po to.. okay lng po ba yun? salamat sa mkakasagot

    1. Hi May,

      Kapag middle name or last name ang may discrepancy, usually, nirerefer na sa lawyer yan.

      Normally, ang DFA would require that the spelling in your documents (birth, marriage) be accurate kaya pag may mali or difference, ang hinihingi nila is corrected NSO copy na.

      MC

  12. Helo po pa advice naman kong pano ako makakuha ng clear copy ng birth certificate ko salamat po in advance..

    1. Hi Elmer,

      Check mo muna sa LCR (ng birthplace) mo kung meron silang clear copy ng birth certificate mo. Kung meron, i-request mo na ma-endorse yung clear copy sa NSO para makakuha ka ng clear NSO birth certificate.

      Pero kung wala, mag request ka sa LCR ng reconstruction of your birth certificate.

      MC

  13. Hi Po Ask ko lang po kung paano po maayos ung NSO ko kasi po since bata pa ako gamit ko na Gomez na apilyedo ng Tatay ko, pero nung kumuha po kmi ng NSO laging sa Nanay ko ang lumalabas na surname, may joint affidavit po ako gawa ng ipinanganak ako ng hindi po cla kasal pero ngayon kasal na po cla kaya ung sa mga kapatid ko po Gomez na ang Surname, may chance po kayang lumabas ang apelyedo ng tatay ko kpag kukuha ako ngayon sa PSA sa SM? salamat po MC

    1. Hi Janmike,

      Nag file na ba sila ng legitimation due to subsequent marriage para mailagay sa birth certificate mo na legitimate ka na?

      Kailangan nilang mag file nito para maging legal ang legitimation mo at ang pag gamit mo ng apelido ng tatay mo.

      MC

  14. hello po..kakasal lng po nmin ng aswa q nun march 19, naregister lng ang kasal nun 23 ,ask ko lng po kng paano mapabilis ang pagkuha nmin ng psa marriage certificate? kasi need ko po ng psa na very soon pra s pagprocess ng immigration papers ko po,thanks….

  15. Paano po ba maayos yung nso ko kc simula nung pinanganak ako reyes na tlaga po nakalagay sa birthcertificate ko tas nung kumuha ako ng nso ang nakalagay dun surname ng mama ko sa pagkadalaga eh eh kasal naman ngayon mama at papa ko ngayon bali step father ko sya ngayon bali simula nung isinilang ako sya na tumayong papa ko inayos nila lhat para maging reyes ako eh ngayon nawala nawash out yung tunay ng birthcertificate ko nung ondoy at documents na naging reyes ako eh ngayon di ako makapag aral sa college kc iba nakalagay sa nso ko ngayon surname ng mama ko eh lahat ng record ko reyes po eh Paano po gagawin ko bigyan nyo nga ako ng tips thankyou po

    1. Hi Christel,

      Papano “inayos” yung apelido mo (para maging Reyes ka)? Inadopt ka ba ng stepfather mo at nag file ba sila ng papers for your adoption?

      KUng hindi mo siya biological father at hindi sila kasal ng mother mo nang ipinanganak ka, apelido talaga ng mother mo ang ilalagay sa birth certificate mo. Pero kung nagkaron na ng prosesong tulad ng adoption para magamit mo ang apelido ng stepfather mo, meron na dapat annotation sa birth certificate mo na siyang magpapatunay na pwede mo nang gamitin ang Reyes as your last name.

      MC

  16. Paano po ko mkakuha bc?saprobinsya po ko pinanganak di pa po ako nkarehistro 1964po ako pinanganak sa hilot lng kc.

    1. Hi Whena,

      Pwede po kayong magpa late register sa probinsya kung saan po kayo ipinanganak. Pwede din po na sa munisipyo na ng bayan kung saan po kayo nakatira ngayon (out of town late registration po ang mangyayari). Mag inquire po kayo sa munisipyo kung papano.

      MC

  17. master ipinanganak po ako noong June 10, 1961 at sa Sara Iloilo, pero nung kunuha po ako ng Birth Certificate and Nakalagay po July 1, 1954 at sa Baclaran Paranaque, sa totoo lang po ung date of birth at birthplace ay sa kapatid kung kambal ang ibig ho bang sabihin na ako ay talagang walang Birth Certificate anu po ang gagawain isa pa po malapit na akong mag 60 yrs, old at kakailanganin ko po un sa SSS pag ako nag retired na tatanawin ko po ng maraming salamat kun maituturo nyo po sakin kung ano ang dapat kung gawin ….salamat God Bless

    1. Hi Rosendo,

      Kapangalan mo ba ang mga kapatid mong kambal? Bakit yung birth certificate nila ang lumalabas kapag nagre-request ka ng birth certificate?

      Mag reply po kayo at mag bigay ng additional information para matulungan po namin kayo.

      MC

  18. ask ko lang po
    yung mama ko po at papa d po kasal
    pinanganak po ako may 10 1994
    9 months pa po ako n Matay yung papa ko po hanggang ngayun wla pa po akong birt certificate
    nka boto po ako sa local kahit wlang birth ang dinala ko pong pangalan is sa papa ko
    tanung ko lng po pwede po bang m sunod ang Apilido ko sa papa ko?

    1. Hi Toplong,

      Kung wala kang birth certificate (na as in hindi ka pa talaga naka rehistro), kailangan mong magpa late registration of birth. Pero dahil wala na ang father mo para i-acknowledge ka, baka hindi mo na magamit ang apelido niya. Apelido na ng mother mo ang gagamitin mo.

      MC

  19. Ilang days bago makuha ang birth certificate sa psa na nagfile na ng late registration.
    My rush ba ang pagkuha ng birth certificate?

  20. Ask lang po. Kasi ung anak ko po d po naka register shes 5yrs old na. Nag file sana ako ng late registered kaso po may mga requirements po ako na dapat ipasa.. Ang problema ko po ay ung isang requirements na pinapapasa ay ung immunization card. Wala po ako noon gawa nang walang vacine ang anak ko. Paano po kaya ang gagawin ko mag aaral na.this year ung anak ko.. Kaya po pala sya late registered dhl pinaghiwalay po kmi ng magulang nya kaya di po namin agad na file ung birtjcertificate nya..ok lang po ba kht walang immunization card na ipapasa

      1. 1.Ano po ang mga kailangan sa late registration application?…

        2. Pwede po kaya ang baptismal certificate on simbahan ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints (Mormons)
        ang gamitin?

      2. Hi Gerry,

        Late Registration of Birth Certificate:

        List of Requirements:

        (a). Latest Certificate of No Record from the PSA (formerly NSO) and LCR (of owner’s birth place)

        (b). Endorsement from the Hospital and Affidavit stating reason of delay, if born in a hospital.

        (c). Affidavit from the Midwife and Hilot stating reason of delay and Midwife License, if attended by Midwife and Hilot. (Item no. 2 is no longer required if the hospital has since closed down and the Midwife or Hilot is deceased and unknown).

        Note: Submit a Pre-Natal Record of the mother if 40 years old and above at the time of conception of the child regardless of the birth order.

        (d). PSA Marriage Certificate of Parents.

        If no record was issued, submit Birth Certificate of brothers and sisters with date and place of marriage of parents or Birth Certificate of older brothers and sisters.

        If not married, submit an Affidavit to Use the Father’s Surname (AUSF) pursuant to RA 9255 and also to accomplish the Affidavit of Acknowledgment/Paternity at the back of the COLB (For Children born after August 1988).

        Father to sign at the back portion of the Certificate of Live Birth for Admission of Paternity and Acknowledgment (For children born after August 1988).

        If Father is deceased, submit documents such as Insurance, ITR (Income Tax Return) and other records that will prove the filiaton of the child or documents showing that the father has acknowledged the child.

        Yes, any certificate from a church duly recognized by the state will be honored.

        MC

  21. gud pm po ask klng po kng n po ggwin ko yng kapanganakan k po kc mali dapat po march 14,1984 e yng nasa birth kpo march 14, 1973.sana patulngan po nio ako.salamat po

  22. Tanong ko lang po kung ano na pong gagawin after malaman na wala rin pong record ng birth certificate yung cityhall? At tsaka Pwede po bang kapatid ang maglakad ng late registration or kailangan ponh magulang talaga? Thank you po.

  23. good day po . ano po ba ang proseso ng pag ayos ng aking birth certificate kasi mali po yung sex na dapat ay female ang nalagyan ay male . pumuntan na po kami sa munisipyo at hiningan po kami ng mahigit 7800 . tama po ba ito?

  24. Good day po.paano po ang gagawin kumuha po ng birth certificate ang asawa ko.ang dumating po ay iba.gamit na po nya mula nagaral hangang nagkatrabaho.voters.id.sss, philhealth.may nagsabi po n malaki gastos.salamat po.

  25. ask ko lng po…panu po if sa nso wla nkalagay na middle name..tas lahat ng papers niya ..like sa sss,pagibig ay my middle name anu po gagawin nmin gumagamit po sya ng middle name kaso sa birthcertifacite niya wala sya middle name..

  26. gudpm mam/sir ask q lng po kng ina aalowed po b ang nso birth certificate sa passport o kailangam PSA na tlga kc may nso birth n aq kaso db ang hinihingi nla PSA

  27. Good day po…ask ko lng po kng valid pb ang dating BC n na galing sa NSO…kukuha po kc ako ng passport,meron n po ako BC a year ago n issue po ng NSO…worry lng po ako bka kailangan from PSA n ang dapat BC…Valid p po ba un khit luma n issued from NSO…thanks

  28. Hi Sir/Ma’am,

    Good Day po.

    Ask lang po sana ako tungkol po dun sa Birth Certificate ng Mama ko po. Ano po ang dapat ko pong gawin po para mapabilis po ang pagkuha ng B.C ng mama ko po kasi po kukuha po sya ng Passport po. Pinanganak po ang Mama ko po year 1948 po. So alam naman po natin na kadalasan ang problema sa mga babies 1940s or pababa ay ang walang record po sa LCR at lalong lalo na po sa NSO/PSA po. Pinanganak po ang mama ko po sa ibang lugar/Municipality po. pero nakatira ang mama ko po is sa ibang lugar naman po which is matagal na po kami dito nakatira po more than 10years na po. Pwede po bang dito na po kami kumuha or magpa Late Register sa Lugar kong saan kami nakatira ngayon? kasi po more convinient po sa mama ko po kasi nga po sa edad nya po may edad na po kasi sya.. ano po bang dapat ko pong gawin po? ..

    Maraming Maraming Salamat po. GOD BLESS

    -Lydel

  29. madam/sir,ung mister ko po ngaun gusto nya pong ipaapelyedo sa kanya ang tatlo kong anak sa una ko pong asawa.pumunta po kami sa municipyo ng guimba at isang taga municipyo pong babae ang nag assist po sa amin at hiningian nag po kami ng 15,000 para daw po sa pagpanotario sa abogado at paglate register.pumunta po ito sa bahay at dun po nya ginawa ang mga transactions.nagdala po sya ng form galing municipyo at affidavit for legal legitimate at pareho po kaming pumerma mag asawa.at binyaran nga po namin sya sa presyong hiningi nya sa amin. may 8,2017 po sya pumunta sa bahay itong taga municipyo na ito at ang sabi po after 2 weeks makukuha na ang birth certificate ng mga bata.pero hanggang ngaun po wala pa po at natuklasan po namin na hnd naman po pala inrenihestro.gusto po namin ibalik na lang ang pera at kami na lang po ang maglalakad at lalapit po kami sa PAO kung po ang tamang proseso.kayo po ano po ang maipapayo nyo po? Thank you and more power PAS!

    1. Hi Lorena,

      Mukhang naloko kayo ng fixer.

      Kung may detalye po kayo nung tao na yun, pangalan, address, at litrato, i-report niyo na po sa pulis. Lalo na po kung hindi naman siya empleyado ng munisipyo.

      Mag iingat po kayo sa mga ganyang tao. Sa mga empleyado lang po kayo ng munisipyo maki transact. At kung may babayaran man kayo, siguraduhin niyo po na sa cashier ng munisipyo kayo mag bayad at mabibigyan kayo ng tamang resibo.

      MC

  30. Hello ako po si rochelle may anak po kse akong hangang ngayon wala po kameng life birth sa kadahilanan na hindi ko po nasikaso bukod po dun ay nasunugan po kame wala po akong kahit na anong katibayan na may life birth sya .. pwede ko pa po kaya sya e late register

    1. At pano ko po kaya lalakarin kase hindi pa rin po kme kasal ng asawa ko nag aaral na po ung panganay namen na hangang ngayon wala pdin pong life birth
      Ano po kaya ang mga pwde ko dalhin para ma late reg ko po sya

      1. Kung hindi pa kayo kasal ng tatay ng mga anak mo, kailangan mong mag dala ng kopya ng kanilang Baptismal Certificate at Joint Affidavit of Two Disinterested Persons.

        Dalhin mo ito sa munisipyo ng bayan kung saan mo ipinanganak ang mga anak mo at sabihin mo na ipapa-late register mo ang mga bata.

        Sasabihin na nila sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin.

        MC

    2. Hi Rochelle,

      Naparehistro mo na ba ang anak mo dati?

      Kung hindi pa, pwede kang magpa late register sa munisipyo ng bayan kung saan mo siya pinanganak.

      Kung naparehistro mo na noon, pwede kang mag request sa PSA (dating NSO) ng kopya ng birth certificate ng anak mo.

      MC

  31. pano maayos apilyedo ng anak ko naka lagay eh yong apilyedo ng stepfather ko po nka lagay ano po dapat gawin dun.

  32. Paano po pala kung halimbawa sa Pototan Iloilo ipinanganak at kasalukuyan nasa Buntatala Jaro na sya applicable padin ba ang tnatawag na Out Of Town late registration?

  33. Yung partner ko po nsa surigao city pa ung birth cert.nya kmuha xa s nso ng copy negative ang nkuha nya.gusto nya mkakuha ng nso copy ng birth cert.nya pano po ggwin nmin?

    1. Hi Dolores,

      Kailangan niyang pumunta sa Local Civil Registry ng Surigao City kung saan siya naka rehistro para malaman niya kung bakit negative ang lumalabas sa NSO.

      Maaaring may birth certificate siyang naka rehistro pero hindi lang na-endorse ng LCR sa NSO. Maaari din na wala talaga siyang rehistro at kailangan mag file siya ng late registration.

      MC

  34. Good day po, ask ko lang ung case ng tatay ko. Ang name nya po sa birth cert ay “Joseph C. Kabakao Jr.”, pero ang ginagamit nya ngayon sa legal docs ay ung sa baptismal nya “James C. Kabakow”. Ano po bang dapat gawin, saka ano pong mga requirements para ma-correct. Thanks much po.

    1. Hi Kurt,

      Normally, kung isang letter lang ang mali, kailangan lang mag file sa munisipyo ng petition for correction of clerical error. Pero pag last name ang may correction, kailangan i-consult sa lawyer. Para makasiguro, pumunta kayo sa munisipyo kung saan naka rehistro ang father mo. Itanong niyo dun kung pwede bang petition for correction of clerical error na lang ang gawin para ma-correct ang last name niya.

      MC

  35. GOODDAY!
    Mali po ang ilang letra sa pangalan ko at middle name ko o apelyido ng nanay ko. Ano po dapat gawin?
    Salama po… GOD BLESS…
    Annie

  36. Ask ko lang po, yung mga late registered po ba n b.certificate ay nakakakuha agad sa PSA? di ko po ksi masyado ma-gets ung sinabi ng babae sa SM business center.. pero pagkaintindi ko, mula daw po sa exact date ng pagka rehistro magbibilang daw po ng 6months bago makakuha ng kopya, pag kmuha daw po kmi ng kopya na di p lumilipas ang 6months, negative daw po ang lalabas (or wala pa) ..

  37. Pano po maayos yung NSO ko po, kasi ang last name ko po sa NSO ay sa nanay ko pa, pero ang nasa original birth certificate ko ang last name ko po is yung sa tatay ko.

    please help..

  38. hindi po nairehistro ang kanyang kapanganakan sa kanilang lugar(cotabato)umalis na cla don at dto na sa cavite naninirahan,ngaun gusto nya magkaroon ng birth cert kaso po ay wala nga record,ask ko po ung sa out of town late registration,ano po ang mga dokuments na kakailanganin at magkano po ang magagastos,salamat po,ps.meron na po cyang negative cert galing nso,37 years old na cya(friend ko cya)

  39. Pano po maayos yung NSO ko po, kasi ang last name ko po sa NSO ay sa nanay ko pa, pero ang nasa original birth certificate ko ang last name ko po is yung sa tatay ko.

    please help..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: