03 - 16

Magandang balita!  Kung ikaw ay edad 60 years old pataas at isang Filipino citizen, ikaw ay automatic na miyembro na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth!  Maaari mo nang magamit at ma-enjoy ang iyong mga Philhealth benefits gamit lamang ang iyong Senior Citizen ID, PSA birth certificate, o ano mang ID na magpapatunay na ikaw ay edad 60 years old pataas.

Narito ang mga karagdagang impormasyon kung papano makakakuha ng Philhealth ID ang mga Senior Citizen.  Madaling lang!

May dalawang paraan ng pag enroll para makakuha ng Philhealth ID:

  1. Bulk Enrollment.
    • May listahan ng pangalan ng mga senior citizen sa isang siyudad o munisipalidad ang mga local health insurance offices ng Philhealth.  Siguraduhing nakapagpa lista kayo upang maisama kayo sa bulk enrollment.
    • Ang lahat ng qualified senior citizens (edad lang ang qualification) ay isasama sa bulk enrollment.
    • Ang inyong Philhealth IDs ay idedeliver sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA).
  2. Individual Enrollment
    • Requirements:
      • Duly accomplished Philhealth Member Registraton Form.
      • 1 x 1 photo taken within the last six months.
      • Senior Citizens’ ID na mula sa OSCA ng siyudad o munisipalidad kung saan nakatira ang senior citizen OR
      • Kahit na anong valid government-issued ID tulad ng Passport, Driver’s License, SSS o GSIS ID, PRC ID, Postal ID, Voter’s ID.

Kung wala pang Senior Citizen ID, mag apply na sa OSCA kung saan kayo nakatira.  Narito ang mga requirements kapag maga-apply ng Senior Citizen ID:

  1. Ihanda ang mga sumusunod na requirements:
    • PSA Birth Certificate
    • 2 pcs 1 x1 colored photo
    • Valid ID (kahit alin sa mga sumusunod: SSS, GSIS, PRC, Voter’s ID, Postal ID, Passport).
  2. Pumunta sa OSCA ng city o municipality kung saan nakatira ang Senior Citizen at i-submit ang mga requirements.
  3. Ang staff ng OSCA ang siyang maglalagay ng mga detalye sa inyong Senior Citizen ID base sa mga impormasyon sa inyong birth certificate at mga ID.
  4. Bago pirmahan ang ID card, basahing mabuti at i-confirm kung tama lahat ng impormasyong isinulat sa inyong ID, tapos ay pirmahan.

Ang ibang cities at municipalities ay nagbibigay ng one-hour orientation bago ibigay ang ID sa mga members.  Mag attend kayo nito sakaling i-require.

Kumuha na ng inyong Senior Citizen at Philhealth IDs sa pinakamalapit na OSCA sa inyong lugar!

Chips And Nibblers (1)

Closet Queen

ad

Advertisements