How To Avail of PCSO Financial Assistance for Dialysis Procedures

09-26

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga Philhealth at non-Philhealth members na kailangang magpa-dialysis.  Layunin ng programang matugunan ang pangangailangan sa gamot at laboratory procedures ng mga pasyente na may problema sa bato o kidney.  Dahil sa kamahalan ng pagpapa-dialysis, maraming kababayan natin ang nagtitiis sa hirap ng sakit sa bato.  Sa tulong ng PCSO, mabibigyan ng pagkakataon ang mga pasyenteng makapagpa-dialysis.

Narito ang halaga ng mga tulong pinansiyal na maaaring matanggap ng mga kwalipikadong aplikante, maging miyembro man sila ng Philhealth o hinde.

For PHILHEALTH MEMBERS:

Hemodialysis Peritoneal Dialysis
 

  • Taunang tulong pinansiyal na hindi lalagpas sa Php 84,000.00 para sa gamot (epoietin).  Ang claimant ay bibigyan ng Php 14,000.00 tuwing kakailanganing magpa dialysis hanggang maka-buo ng anim (6) na sessions.

 

 

  • Ang Z package ay may taunang tulong pinansiyal na Php 84,000 para sa gastusin sa gamot (ipoietin).  Ang claimant ay bibigyan ng Php 14,000.00 tuwing kakailanganing magpa dialysis hanggang maka-buo ng anim (6) na sessions sa loob ng isang taon.

 

  • Ang taunang tulong pinansiyal para sa mga pasyenteng nasa ilalim ng case rate ay makakatanggap ng hindi lalagpas sa Php 120,000.00 para sa dialysis solutions.  Ang claimant ay bibigyan ng Php 20,000.00 sa bawat claim hanggang maka buo ng anim (6) na claims sa loob ng isang taon.

 

Para ma-determine kung anong klaseng tulong pinansiyal ang ibibigay sa mga kaso ng Peritoneal Dialysis, kailangang mag-sumite ng certification na siyang magsasabi kung anong klaseng Philhealth benefit package ang dapat sa pasyente.

 

Ang tulong pinansiyal ay ibibigay anumang oras na kailanganin ito ng claimant.  Anim na beses maaaring mag claim ang pasyente, kailangan lang mag pakita ng certification mula sa kanyang doktor bilang patunay na kasalukuyan siyang nilalapatan ng lunas para sa sakit sa bato.

For NON-PHILHEALTH MEMBERS

Hemodialysis Peritoneal Dialysis
 

  • Taunang tulong pinansiyal na hindi lalagpas sa Php 84,000.00 para sa gamot (epoietin).  Ang claimant ay bibigyan ng Php 14,000.00 tuwing kakailanganing magpa dialysis hanggang maka-buo ng anim (6) na sessions.
  •  Tulong pinansiyal na hindi lalagpas sa Php 20,000.00 para sa Peritoneal Dialysis procedure.  Maaaring mag claim ang pasyente tuwing makalawang buwan.
  • Tulong pinansiyal na hindi lalagpas sa Php 35,000.00 para sa dialysis solutions tuwing makalawang buwan.

 Ang mga non-Philhealth members ay kailangang mag sumite ng certification mula sa dialysis center bilang patunay na hindi sila miyembro ng Philhealth.

Narito ang mga documentary requirements na kailangang ilakip ng mga aplikante sa enrolment para sa hemodialysis at peritoneal dialysis:

  1. Enrollment / Unang Claim
  • Personal appearance ng pasyente sa PCSO
  • Nasagutang kopya ng Application Form
  • Orihinal na kopya ng medical abstract na may pirma ng doktor o Nephrologist. Siguraduhing nakasulat din ang license number ng doktor sa dokumento.
  • Mga reseta or prescriptions ng doktor:
    • Para sa mga Philhealth Members:
      • Gamot para sa Hemodialysis at Peritoneal Dialysis Z.
      • PD solutions para sa Peritoneal Dialysis case rate
    • Para sa mga non-Philhealth Members:
      • PD solutions para sa Peritoneal Dialysis
    • Opisyal na quotation (computation) ng gastusin mula sa dialysis centers o ospital;
    • Pinaka huling resulta ng laboratory tests ng pasyente;
    • Certificate of Acceptance of Guarantee Letter mula sa dialysis center o ospital;
    • Certification of Philhealth Membership Status kasama ang klase ng package para sa Peritoneal Dialysis (Z or case rate);
  • Valid ID ng pasyente at ng kanyang representative para sa mga susunod na claims).

2. Sa mga susunod na claims:

Pagkatapos ng unang claim, maaari nang mag assign ng representative ang pasyente para tumanggap ng mga susunod pang claims.  Kailangan lang ipakita ng representative ang index card/client-social worker agreement na ibinigay sa pasyente nang siya ay magpa enroll para makuha ang Guarantee Letter (GL).

  • Certification mula sa kanyang doktor o Nephrologist na nagpapatunay na ang pasyente ay kasalukuyang ginagamot sa sakit sa bato, kasama ang petsa ng pinaka huling treatment.
  • Orihinal na kopya ng mga reseta o prescriptions:
    • Para sa Philhealth Members:
      • Mga gamot para sa Hemodialysis at Peritoneal Dialysis Z (EPO)
      • PD solutions para sa Peritoneal Dialysis case rate.
    • Para sa mga non-Philhealth Members:
      • PD solutions para sa Peritoneal Dialysis.
  • Index card o client social worker agreement.

Ang lahat ng nais mag enroll sa medical assistance na ito ay maaaring mag tungo sa opisina ng PCSO sa Quezon City.  Narito ang mga detalye ng kanilang opisina:

Location:

PCSO-Lung Center of the Philippines Office

Quezon Avenue, Diliman, Quezon City

Schedule:

Mondays to Fridays, 6:00AM to 5:00PM

Source: http://www.pcso.gov.ph/index.php/charity/pcso-enrolment-system-for-hemo-and-peritoneal-dialysis-patients/

ad

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

17 thoughts on “How To Avail of PCSO Financial Assistance for Dialysis Procedures

  1. good day po! pwede po ba ako humingi ng financial assistance para po sa mother ko na nag uundergo ng dialysis, mag eend na po kasi ung 90 sessions nya from philhealth. kaso dito po ako sa Nueva Vizcaya nagtatrabaho, possible po ba na dito ako magasikaso ng mga requirements nya kahit sa Pangasinan po sya nagdidialysis? Salamat po

    1. Hi Vangie,

      I think pwede naman, basta ma-submit mo lahat ng documentary requirements tulad ng mga papeles mula sa ospital (as proof na kailangan niya ang dialysis procedure) at endorsement ng doctor.

      MC

  2. Hi good day sir. Paano po ba ang proseso kapag magpapacheck up sa pcso? Posible po kaya makahingi kami ng medical abstract sa pcso kapag na check up na ang mama ko and ano ang mga requirements. salamat po

    1. Hi Janine,

      Ang medical abstract ay manggagaling sa ospital o sa doctor na tumitingin sa mother mo. Better kung public hospital ito. Pwede din kayo humingi ng recommendation letter mula sa hospital para mai-attach ninyo sa tulong na hihingin sa PCSO.

      MC

  3. Goodmorning pwd po bang humingi ako ng tulong sa inyo.KAsi po yung anak ko na bunso isang linggo na may lagnat at ubo.Wala din po akong sapat na pera pangbili ng gamot niya.Kahit nga pangcheck up niya hindi ko nga po nagawa.Sana po matulongan niyo po ako.

  4. Dito po kami sa Angeles City Pampanga paano po hihingi ng tulong para sa kuya ko na nag da dialysis.

  5. Hello Sir

    Dito po ako nakatira sa USA gusto ko po sana ipetition ang mama ko.Ang problema po nung kumuha ang mama ko ng NSO birthcertificate nya mali po ang year ng pinanganak xa pati po yung isang letter ng pangalan nya sa birthcertificate ay kulang.
    Ano po kaya ang pwedeng gawin ng mama ko para maitama yun.?

    Thank you in Advance

  6. sa visayas kami..we went to pcso sa city nmin for hemodialysis assistance para nanay ko kaya lang wala daw tatawagan nlng daw if merong update…so im sure sure if exclusive for Luzon/metro manila lang ang assistance for hemodialysis 😦 meron na kami nung mga requirements

  7. Sa pcso po ilang beses pwede humingi ng tulong. Kasi yong kua q my sakit na polymyositis kelangan daw ang mabahang panahon bago pa xa makarecover kaso po kinakapos kami sa pagtutustos sa kanya sa pagpapagamot.nakahinge na po kami dati pwede po ba kami makahinge ulit para sa maintenance mdication salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: