Kasama sa krusada ng Presidente ang gawing madali at simple ang mga government processes para makabawas sa dagdag na gastos ng mga Pinoy. Bilang pag tugon sa panawagang ito, tinanggal na ang requirement ng Overseaas Employment Certificae (OEC) para sa mga kababayan nating OFW na nagbabakasyon sa bansa at babalik din sa dating employer, sa dating lugar na pinagta-trabahuhan.
Ito ay effective simula unang linggo ng September 2016.
Narito ang mga hakbang para mag qualify ang isang OFW sa OEC Exemption (sa ilalim ng Resolution No. 12 mula sa Governing Board of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA):
- Mag register sa BM Online Facility bago ang araw ng flight pabalik sa ibang bansa ng OFW. Libre ang registration.
- Ipapadala ng POEA ang impormasyon na makakalap mula sa registration ng OFW sa Bureau of Immigration (BI). Ito ang gagamitin ng Immigration officer na basehan kung ang manggagawa ay qualified sa exemption.
- Kung makikitang hindi ka kwalipikado sa exemption, madi-direct ka sa BM Online Webpage kung saan kailangan mong muling mag register at mag set ng appointment sa POEA.
- Kung didiretso ka naman sa BI counter sa airport ngunit hindi ka nakapag register online, papupuntahin ka sa Labor Assistance Counter (LAC) para ma-evaluate.
Tandaan na ang mga kwalipikado lamang sa exemption ay ang mga sumusunod:
- Mga OFW na pabalik sa dating employer at sa dating lugar ng pinagta-trabahuhan at may existing records sa POEA database.
- Mga OFW na nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng Government Placement Branch o ng in-house recruitment facility ng POEA.
Kung qualified ka sa OEC exemption, hindi mo na din kailangang magbayad ng travel tax at terminal fee. Siguraduhin lamang na maipapakita mo ang mga sumusunod na dokumento sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at sa Manila International Airport Authority (MIAA):
- Valid work visa
- Work permit
- Valid employment contract
- Valid company ID
- Recent payroll slip
- Other equivalent documents
Kaya’t maligayang pagbabalik sa bansa at mapayapang byahe pabalik sa inyong mga trabaho, mga bayaning OFW!
Source: http://www.rappler.com/move-ph/balikbayan/142336-poea-oec-scrap-for-returning-ofws
kailangan pa po ba kumuha ng oec ang mga senor citizen?
New hire ba siya?
Good day to all!
I have a friend OFW having her vacation from KSA,she tried the online platform to get an OEC but then its no records found and she doesn’t even aware yet the appointment online if no records found. So, she only have to do is to direct at POEA Baguio. She had paid 100+ pesos for the documet and asked her to go back the next day to pick up her OEC. Unfortunately,she required to get a photocopy only inside the POEA office for a 4copies of the documents by P20.00 per copy. How come that she needs to paid 80 pesos only for a xerox copy just to get OEC.Anyone could aware about these?
POEA already cancelled the application for OEC of vacationing OFW. All she need is update her memberships such OWWA, Pag Ibig etc..
Sir’mam pbakasyon po ako n nmn ngaung march peo nka registred nko s POEA noong 2016 peo ng mg online ako at e update ko lng sna ung OEC number ko cannot found nman n xa,ano po ggwin ko same employer po ang babalikan ko….
Wala na kasing OEC na requirements para sa mga OFW na on vacation lang. Mag a update na lang kayo ng mga membership ninyo.
Nanadito po ako ngayon SA pinas Para magbakasyon ang balik akO same employer at ngayon November 3 ang flights kO. Nag login in po ako SA online for OEC Hindi Makita Yong records kO at nag Punta na rin ako branch Tacloban. Another datatype Kong gain?
Kapag naman same employer and company hindi na kukuha ng OEC.
Good day”
sir. mam’ ex: sample jeddah saudi vacation po ng almost 1 month lng kaylngan po ba magpunta sa POEA or mag babayad paba o kukuha pa ng OEC…..
salamat.
Kung same employer and same country naman ang babalikan mo hindi na.
Tanung q lang po bakit po ako babalik nman me sa same employer q bakit ndi makita ung record ng oec q last year samantalang ung asawa ko same day kami bumalik at umalis last year nung nilagay q ung oec number bya last year lumabas ung question n babalik b xa sa same employer pareho lang nman po kami ng employer bakit ako kaylangan p mag paapointment
Baka hindi nakita yung dati mong record.
Tanong lang po kababalik ko lang dito sa middle east noon Oct. 5 tapos po meron na akong dala dalang O.E.C pero po pinabayad pa rin ako ng terminal fee sa airport ng Zamboanga city ang sabi ng naniningil Doon nilalagad palang daw nila ang hindi pagbayad ng terminal fee sa mga merong O.E.C meron po bang ganong klase ng airport sa Pilipinas o sadyang corrupt ang namamahala sa airport ng Zamboanga city
Hi Sajid,
Ayon sa Memorandum Circular tungkol sa exemption sa OEC, kailangan mong mag present ng alin man sa mga sumusunod sa airline counter para ma-exempt ka sa terminal fee:
a. Valid work visa/permit
b. Valid employment contract
c. Current employment certificate
d. Valid company ID
e. Recent payslip
Pinakita mo ba ito nang mag check in ka sa airport?
MC
Landbase lang ba ang sinasabi nyo kasi ako me OEC pa rin OFW seabase.
Hi Cesar,
Hindi sakop ng OEC ang mga sea-based OFW.
MC
Ano ang ibig nyong sabihin na hindi sakop ng OEC ang seabase eh meron nga akong OEC! basta OFW me OEC.
gud am po,tanong ko lng po if exemption po sa OEC.kelangan p po ba pumunta kami sa.POEA kc db po may binbayaran pa OWWA ,PHILHEALTH ang mister ko.maraming salamat po!
Hi Adora,
Ang exemption sa OEC ay para sa mga OFW na nakabakasyon dito sa Pilipinas pero babalik din sa dating employer, sa dating lugar na pinagta-trabahuhan. Hindi na din kailangan magbayad ng travel tax kung exempted sa OEC.
Kung may iba pang katanungan tungkol sa mga kailangang ayusin na papeles at fees na kailangang bayaran, maaaring mag tanong sa agency na pinagta-trabahuhan ng OFW.
MC
Hi Leslie,
Read this first before getting an OEC. https://mastercitizen.wordpress.com/2016/09/09/no-more-overseas-employment-certificate-oec-requirement-for-ofws/
But if you are still to get an OEC, here’s the online site for applications: http://bmonline.ph/
Enjoy your vacation!
MC