Exact Change

Bawal na ang hindi pagbibigay ng tamang sukli sa mga mamimili.

Ang ‘No Shortchanging Act’ ang nag-uutos sa lahat ng mga business establishments na ibigay ang tamang sukli sa mga mamimili.  Ang sino mang mapatunayang lumalabag sa utos na ito ay maaaring pagbayarin ng multa na aabot ng P25,000 o 10% ng kanilang gross sales.  Pwede ring ipasara ang kanilang negosyo.

Ipinag-uutos din ng batas na ito ang paglagay ng mga price tags sa mga produkto at ang mga buwis na naka-incorporate sa presyo ng produkto o serbisyo na binabayaran ng mamimili.

Maaaring i-report ang mga paglabag sa batas na ito sa Department of Trade and Industry (DTI) sa loob ng 10 araw mula ang transaksyon.  Iimbestigahan ito ng DTI at kung mapapatunayang may pagkukulang ang business establishment, ipapataw ang karampatang parusa sa loob ng 30 araw.

Narito ang listahan ng mga multa na maaaring harapin ng sino mang lalabag sa No Shortchanging Act:

First Offense P500 or 3% of gross sales, whichever is higher.
Second Offense P5,000 or 5% of gross sales, whichever is higher.
Third Offense P15,000 or 7% of gross sales, whichever is higher and suspension of operations for 3 months.
Fourth Offense P25,000 and closure of the establishment.

Inaasahang gagawa ng malawakang information campaign ang DTI para ipaalam sa lahat ang bagong batas na ito.

Sources:

http://digitaledition.philstar.com/articles/2016-07-31/news/establishments-now-required-to-give-customers-exact-change/161749

http://www.rappler.com/nation/141462-exact-change-law-lapses-into-law

Ad