What We Need To Know About Freedom of Information

Freedom of Information

Noong July 23, 2016, Sabado ng gabi, pinirmahan ng Pangulo ng Pilipinas ang Freedom of Information Executive Order sa Davao City.  Ito ang pagsasabatas ng pagbubukas ng mga pampublikong dokumento para sa mga Pilipino.  Layunin nito na itaas ang antas ng transparency at accountability ng gobyerno at kanyang mga opisyal at ahensya.  Kasama ito sa plataporma ng Aquino Good Governance and Anti-Corruption Plan ng nakaraang administrasyon.

Para sa ating kaalaman, narito ang listahan ng mga impormasyon na maaaring buksan sa publiko o i-request ng mga Pilipino mula sa mga government agencies.  Kasama din dito ang mga proseso kung papano mag request ng mga dokumento.

Sino ang maaaring manghingi ng information?

Ang lahat ng mamamayang Pilipino ay maaaring mang-hingi or mag request ng information mula sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Anong klaseng information ang bubuksan sa publiko?

Lahat ng information na may kinalaman sa official acts, transactions, o mga desisyon ng pamahalaan.  Kasama ang mga government research data na ginamit bilang basehan sa mga policy developments.  Ang mga information ay maaaring i-release sa ano mang format (tulad ng transcript, litrato, sound o video recording, electronic data).

Kasama sa mga dokumentong bubuksan sa publiko ay ang mga SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net) ng mga opisyal ng gobyerno.

May mga information pa din ba na hindi sakop ng FOI?

Meron din.  Hindi sakop ng FOI ang mga impormasyon na may kinalaman sa national and public safety, diplomacy, individual privacy, intellectual property at business property rights, at privileged communications tulad ng lawyer-client at doctor-patient documents.

Papano mag file ng request for information at may bayad ba ito?

Libre ang filing ng request ngunit maaaring mag charge ang ahensya para sa mga kopya ng mga materials.

May 15 days ang ahensiya para i-grant o i-deny ang request.  Kung denied ang iyong request, maaaring kang mag appeal sa loob ng 15 calendar days.  Makakatanggap ka ng resulta sa loob ng 30 working days.  Maaring iakyat ang iyong apela sa judicial courts kung kinakailangan.

Kasalukuyang tinatapos ang official copy ng nasabing Executive Order at People’s FOI Manual.  Sa manula na ito makikita ang mga location at contact details ng mga opisina kung saan maaaring mag file ang puliko ng kanilang requested documents.

Source: http://www.philstar.com/headlines/2016/07/25/1606410/duterte-signs-foi-order

Ad

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: