LTFRB

Kaskaserong driver?  Mabilis na metro ng taxi?  Ayaw magbaba sa tamang hintuan?  Ngayon, may mapag susumbungan na tayo!

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nag lunsad ng kanilang 24 x 7 hotline na maaaring tawagan sa pamamagitan ng landline at mobile phones.  At dahil may mobile numbers sila, maaari din silang tumanggap ng text messages at Viber messages.  Maaaring magpadala ng mga litrato (tulad ng mga banggaan, aksidente sa daan, o ng mga driver mismo na nais ireklamo.)  Ang serbisyong ito ay available nationwide.

Lahat ng reklamo sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, UV Express, taxi, bus, at iba pa ay maaari nang itawag o i-text sa kanilang hotline numbers.  Ito ay tutugunan ng mga authorized representatives ng LTFRB, araw man o gabi.

Ang Proseso ng LTFRB

Ang unang aalamin ng LTFRB representative ay kung payag bang mag attend ng hearing ang nagrereklamo.  Kung payag sila, ipadadala ng LTFRB ang kanilang complaint sa Legal Division para ma-isyuhan ng summon ang inireklamong driver, ang operator ng sasakyang minamaneho nito, at ang nagreklamong pasahero.  Sakali naman na hindi makapag commit ang nagreklamong pasahero na siya ay makaka attend ng hearing, padadalhan ng Show Cause Order (SCO) ang inireklamong driver para mabigyan siya ng pagkakataong maipaliwanag kung bakit hindi siya dapat maparusahan dahil sa nai-report na violation.

Hinihikayat ng gobyerno ang kooperasyon ng mga mamayan na gamitin ang mga hotline numbers para i-report ang mga PUV drivers na mapang abuso sa mga commuters at hindi sumusunod sa mga batas trapiko.  Sinisiguro ng LTFRB na ang kanilang mga linya ay bukas ano mang oras at may sasagot na operator na handang tumulong sa mga nangangailangan sa daan.

Narito ang mga numero na maaari nating tawagan:

Landline callers within Metro Manila: 1342

Landline callers outside Metro Manila: 02-1342

Smart/Sun/Talk ‘n Text: 0998-550-1342

Globe and TM: 0917-550-1342

Source: http://www.gov.ph/2015/09/16/247-ltfrb-hotline-launched/

Ad