Dedicated Passport Center for OFWs

Dedicated Passport Center for OFWs

Bilang pagpapahalaga at pagbibigay prayoridad sa ating mga kababayang OFW, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay maglalagay ng dedicated passport application center para sa mga OFW sa consular office sa Robinson’s Galleria.  Ito ay malapit lamang sa opisina ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang mga OFW ay hindi na kailangan pang mag set ng appointment para mag apply ng passport o magpa renew.  Bukas ang dedicated passport application center sa lahat ng mga OFW, kahit unang beses pa lamang niyang umalis o dati nang bumibiyahe para mag trabaho.

Habang hinihintay ang official launch ng nasabing passport application center, ang mga OFW ay patuloy na gagamit ng mga courtesy lanes sa mga DFA consular offices.

Isang paalala lamang sa mga OFW na naka schedule magpa renew ng kanilang passport:  Phased out na green-colored at machine-readable passports.  Kung ganito ang huling passport na gamit at ngayon ay ipapa-renew na, ituturing na New Application ang dapat sana’y renewal lamang.  Dahil dito, kailangang mag dala ng mga documentary requirements ang aplikante tulad ng PSA Birth Certificate at iba pang documents na naka lista sa DFA website.

I-share natin ang article na ito sa lahat n gating mga kamag-anak at kaibigan na nagpa-planong mangibang bansa para mag trabaho.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/568247/news/pinoyabroad/dfa-creates-dedicated-passport-center-for-ofws

Ad

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

14 thoughts on “Dedicated Passport Center for OFWs

    1. Hi Raxmyworld,

      Subukan mo sa DFA sa Robinson’s Novaliches, tapat ng SM Fairview. Tumatanggap sila ng mga walk in applicants doon. Agahan mo ang punta para mauna ka sa pila. 10am nagbubukas ang mall.

      MC

  1. Hello, seaman si hubby, pwede ba sya s OFW Express Lane? And this coming January 2018 mag-eexpire. What are documents needed? Thanks.

  2. Hi, is this for OFW only? What’s the process for those who will need to travel due to business requirements by private company?

    1. Master citezen

      Meron n po ako ticket and traveling back to pinas on yhe 5th of august and balik da dubai sa 26 august.

      aabot po kaya ang release ng passport ko befire my travel date which is 26 of august

      Thank you po in advance

      1. Hi Jay,

        Magpapa-renew ka ba ng passport? Ang express processing ng passport ay 7 working days; kung ordinary processing naman, 15 working days.

  3. Good day po, can i renew my passport sa pinas kc resident nku d2 sa canada and I’m planning to go home this january and my passport will expire on Feb. Is it possible I can renew it right away pgdating and what are the requirements needed since I don’t have any valid Id na po sa pinas but i have my PSA birth certificate and valid id d2 po like driver’s license and resident card. Thank you and waiting for your reply.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: