TESDA Free Online Course

Magandang balita para sa mga mahilig mag research o palawakin pa ang kanilang kaalaman tungkol sa Information Technology, Web Development gamit ang HTML5 at CSS3, Animation 3D, at iba pa.  Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nagbibigay ng libreng online courses sa IT, Animation, at iba pang web development interests.

Makakatulong ito sa mga gustong makapag aral ng IT ngunit walang oras para pumasok sa eskwelahan o kaya naman ay wala pang sapat na pera para makapag enroll.  Bukas din ito para sa mga kababayan nating OFWs.

Sa ngayon, hindi pa nag bibigay ang TESDA ng certificate sa mga nakatapos ng online courses na ito.  Ngunit kung sa tingin mo ay handa ka nang magpa-certify sa kanila kapag nakumpleto mo na ang lahat ng modules sa kursong napili mo, maaari kang mag tungo sa pinaka malapit na TESDA accredited assessment center or venue para sa face-to-face assessment for National Certification.

Para sa mga interesado, narito ang listahan ng mga online courses ng TESDA:

  1. Information Technology
    • Basic Computer Operation
    • Computer Systems Servicing
    • Web Development Using HTML5 and CSS3
    • CAD / CAM Operation
    • Animation (3D Digital)
    • Microsoft Online Courses
    • Game Development
    • Game Production Basics
    • Developing 2D Games with HTML5
    • Developing 2D and 3D Games with Unity
    • Software Development Fundamentals
    • C# Fundamentals for Beginners
    • Udacity – Google Courses
    • Android Development for Beginners
    • UX Design for Mobile Developers
    • SMART SWEEP Lecture Series
  2. Tourism
    • Food and Beverage Servicing
    • Waiter Servicing
    • Room Attendant Servicing
    • Bus Boy Servicing
  3. Housekeeping
    • Provide Housekeeping Services to Guests
    • Guest Room Attendant Servicing
    • Valet Servicing
    • Public Area Attendant Servicing
    • Laundry Servicing
  4. Cookery
    • Preparing Sandwiches
    • Preparing Egg Dishes
    • Preparing Vegetable Dishes
    • Preparing Starch Dishes
    • Preparing Salads and Salad Dressing
    • Preparing Appetizers
    • Preparing Desserts
    • Bread and Pastry Production
    • Preparing Pastry Products
  5. Electronics
    • Cellphone Servicing
    • Solar Night Light Assembly
  6. Agriculture
    • Fruit Grower
  7. Automotive
    • Diesel Engine Tune Up
    • Automotive Battery Servicing
  8. Heating, Ventilation, and Air Conditioning
    • Packaged Air Conditioner Unit Servicing
  9. Trainers Methodology I
    • Plan Training Session
    • Facilitate Learning Session
    • Conduct Competency Assessment
  10. Trainers Methodology II
    • Curriculum Development
  11. Health, Social, and other Community Development Services
    • Massage Therapy
    • Swedish Massage
    • Thai Massage
    • Shiatsu Massage
    • Beauty Care (Nail Care)

Bisitahin ang website ng TESDA sa http://e-tesda.gov.ph/ para makapag enroll.  Kailangan mo lang ng valid email address kung saan maaari mong ma-access ang link sa course na iyong napili.

Source: http://www.e-tesda.gov.ph/

Ad