Ibinalita na ng Malacañang na ang mga Pinoy PWD (Persons With Disabilities) ay exempted na mula sa pagbabayad ng VAT o Value Added Tax. Pinirmahan na ng Pangulo ang RA 10754 o ang batas na nag-uutos na ang mga PWD ay hindi na kailangang magbayad ng dagdag na 12% (VAT), gaya ng mga Senior Citizens.
Bago ang RA 10754, ang mga PWD ay entitled sa 20% discount sa gamot at transportasyon, at 5% discount sa mga basic needs tulad ng bigas, gatas, asukal, at iba pa. Ngunit sila ay pinagbabayad pa din ng 12% VAT. Ibig sabihin nito, hindi nila nakukuha ng buo ang discount na tulad ng isang Senior Citizen. Halimbawa ay kung may binili silang gamit na nagkakahalaga ng P100; aalisin dito ang 20% o P20 at P80 na lang dapat ang babayaran nila. Ngunit dahil pinapatawan pa din sila ng 12% VAT, idinadagdag pa din sa total bill nila ang P12 na katumbas nito. Kaya’t imbes na P80 lang ang babayaran nila, nagiging P92 pa rin, P8 lang ang tunay na nakaltas sa kanilang total bill.
Sa pagkakaroon ng batas na tulad ng RA 10754, maaari nang ma-enjoy ng isang Pinoy PWD ang kabuuang diskwento na 20% mula sa kanyang mga bilihin, lalo na sa gamot na kadalasan ay kasama sa budget nila. Ang batas na ito ang nagsa-alang-alang sa mga espesyal na pangangailangan ng mga kababayan natin na may kapansanan.
Share natin ang magandang balita na ito sa mga kapamilya at mga kaibigan! Narito din ang link sa isang previous article kung paano makakakuha ng PWD ID https://mastercitizen.wordpress.com/2016/02/19/how-to-get-a-pwd-id/.
Yun po bang nagtatrabaho na pwd eh kailangan pa po bang kaltasan ng tax sa sahod?
Oo naman. Yung privileged nyo naman na tax free ay para lang sa mga purchases ng basic needs mo.
kahit sa grocery at pharmacy pag bumili ako lagi parin may 12%vat,para pong wala parin discount ang senior citizen? paki chek po sana ito para yung nais ng Presidente na ma enjoy namin yung discount namin bilang senior citizen ay mangyari na.
Hi Ma’am Maris,
Pwede po ninyong ireklamo sa munisipyo ang mga establishment na hindi nagbibigay ng karampatang discount sa mga senior citizen. Magdala po kayo ng katibayan tulad ng kopya ng resibo.
MC
para sa mga naka wheel chair lang ba ang mga pwd?paano yung katulad ko na may kapansanan sa paa pero hindi ko naman kaylangan gumamit ng wheel chair qualified po ba ako?
Hi Monalyn,
Hindi lang po exclusive sa mga naka wheel chair ang PWD status. Ang lahat po ng may kapansanan, nakakalakad man or naka saklay, o naka wheelchair, ay binibilang na PWD.
MC
Hi,bakit s savemore supermarket at s ibang groceries 5% lang inaalis nila discount s mga tulad nmin n Pwd?
Hi Shirley,
We will post an article on PWD benefits and privileges tomorrow, stay tuned!
MC
Paano po yung sa tax exemption na P25,000 para sa mga PWD? Mother ako ng isang PWD, who is also a Minor. Nakapagclaim na ako ng P25,000.00 additional exemption as my dependent. Since PWD din ang daughter ko who is still a minor, it means na P50,000.00 lahat ang pwede kong maavail na additional exemption. Then bumili ako ng gamut last Friday sa Grace Pharmacy 20% lang ang pinaavail sa akin na discount kasi wala pa daw sila memo na effective na ang VAT exemption for PWD? Saan ako pwede magcomplain….
Kung saan nyo nakuha yung I.D nyo as PWD doon pwede nyong sabihin yan.
who qualifies as pwd?
Those who has a disability.