CFO Guidance and Counseling Certificate : Ang Mga Kailangan Mong Malaman

CFO.jpg

Pangkaraniwan ang kwento ng buhay nina Mavis at Tony. Si Tony ay anak ng mga American missionaries na dumalaw sa simbahan na kinabibilangan ni Mavis at ng kanyang pamilya. Natural-born U.S. citizen si Tony. Sa maikling panahon na inilagi niya sa Pilipinas, nahuli niya ang loob ni Mavis at hindi nag tagal, naging magkasintahan sila nito. Pinayuhan sila ng kanilang mga magulang na magtapos muna ng pag-aaral bago mag isip ng tungkol sa pag-ibig. Sinunod naman ng magkasintahan ang nais ng kanilang mga magulang; bumalik sa Amerika si Tony at si Mavis ay nagpatuloy sa kolehiyo sa Manila.

Nagta-trabaho na sa isang call center si Mavis nang bumalik si Tony sa Pilipinas. Isa na siyang Pastor at sinadya niyang magpa assign sa Manila para magkita silang muli ni Mavis. Napagpasyahan nilang ito na ang tamang panahon para lumagay sila sa tahimik kaya’t hindi na nag dalawang isip pa si Mavis nang yayain siya ni Tony na mag pakasal.

Bago ang kanilang first wedding anniversary, kinailangang bumalik ni Tony sa Amerika dahil nabalitaan nitong may sakit ang kaniyang ama. Naiwan si Mavis sa Pilipinas ngunit binilinan siya ni Tony na asiksuhin na niya ang kaniyang passport para maumpisahan na ang petition para sa kaniyang pag sunod sa Amerika.

Nag set ng appointment si Mavis sa www.passport.com.ph para sa kaniyang new passport application. Nakita niya na isa sa mga documentary requirements ay ang Guidance and Counseling Certificate of Attendance mula sa Commission of Filipino Overseas o CFO. Bilang asawa ng foreign national at dahil nais na din gamitin ni Mavis ang apelido ni Tony sa kaniyang passport, kailangan niyang mag submit nito sa DFA para kasama ng iba pang documentary requirements.

Ano nga ba ang Guidance and Counseling Certificate mula sa Commission of Filipino Overseas (CFO)?

Ang CFO ay nagbibigay ng seminar at counseling session para sa mga Filipino citizens na nakapag asawa ng foreign national. Ito ay isang paraan para matulungan ang mga Pilipino na may balak mag-migrate sa ibang bansa sa bisa ng kasal nila sa foreign national. Tinatalakay dito ang mga issue tungkol sa inter-marriage, migration, ang buhay at kultura sa ibang bansa, at iba pang related topics. Tumatagal ang seminar ng dalawang oras; pag natapos mo ito, bibigyan ka ng CFO Certificate of Attendance na siya mo namang ipapakita sa DFA kapag nag apply ka ng passport.

Kapag nakuha mo na ang iyong passport at visa, maaari ka nang mag register para sa Guidance and Counseling Certificate at makakuha ng CFO Emigrant Registration sticker. Ito ay ididikit sa iyong passport bilang patunay na natapos mo ang requirements mula sa CFO. Iche-check ito ng immigration officer sa araw ng pag-alis mo kaya’t siguraduhing kasama sa iyong hand-carry ang mga documents mula sa CFO (bukod sa iyong passport, tickets, at iba pang documents).

Narito ang mga requirements na kailangan mong ihanda bago ka makakuha ng Guidance and Counseling Certificate at CFO sticker:

  • Properly accomplished guidance and counseling forms
  • Two valid IDs with pictures
  • PSA Marriage Certificate (kung sa Pilipinas ikinasal)
  • Original and photocopy of Authenticated Marriage Contract by the Philippine Embassy or Consulate (kung sa ibang bansa ikinasal).
  • Counseling fee (P250)
  • Registration Fee (P400)
  • Additional supporting documents as may be required by CFO counselors.

Para sa kumpletong information tungkol sa mga location ng CFO offices at schedule ng mga Guidance and Counseling Programs, pumunta sa kanilang website . Kung nais mong mag attend ng Guidance and Counseling Program, kailangan mong mag set ng appointment online sa CFO website. Ang may mga confirmed online appointments lang ang ia-accommodate ng CFO para sa seminar.

Tulad ni Mavis, siguraduhing kumpleto ang iyong mga documentary requirements bago mag apply ng passport or mag renew.  May mga pagkakaiba sa mga requirements depende sa pakay ng byahe ng applicant kaya importanteng basahing mabuti ang mga information sa Passport Appointment System.

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: