CHED.jpg

Ang Commission on Higher Education (CHED) ay nag-bibigay ng scholarship sa mga qualified at deserving high school graduates na nais magpatuloy ng pag-aaral sa college ngunit kapos sa pang tuition at pang gastos sa eskwela. Sa pamamagitan ng CHED scholarship, maraming bata ang nabibigyan ng opportunity na makapag tapos ng nais nilang kurso at makahanap ng maayos na trabaho pagka-graduate.

Narito ang mga qualifications at requirements na kailangang ihanda kung nais mong mag-apply ng scholarship mula sa CHED.

FULL SCHOLARSHIP

Ang Full Scholarship ay para sa mga high school graduates na may general weighted average (GWA) na at least 90% o ang equivalent nito. Para rin ito sa mga graduating high school students na may GWA na at least 90% noong third year ang bata at at least 90% sa unang tatlong grading periods ngayong na sa fourth year na siya. Ang mga applicant ay maaaring mag enroll ng mga identified priority courses sa mga authorized public or private higher education institutions (HEIs) o colleges / universities.

PARTIAL SCHOLARSHIP

Ang Partial Scholarship ay para sa mga high school graduates na may GWA na at least 85% o ang equivalent nito at para sa mga graduating high school students na may GWA na at least 85% noong sila ay nasa third year at least 85% sa unang tatlong grading periods ngayong nasa fourth year na siya. Sila ay pwedeng mag enroll sa identified priority courses sa mga duly authorized public HEIs.

QUALIFICATIONS

  1. Kailangang Filipino citizen ang estudyanteng applicant.
  2. Kailangang high school graduate o kaya ay candidate for graduation, o kaya naman ay may ilang units nang nakuha sa kolehiyo. Ang mga pumasa sa ALS/PEPT (Alternative Learning System at Philippine Educational Placement Test) ay maaari din mag apply.
  3. Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dapat na may combined annual gross income na hindi lalagpas sa P300,000.00.
  4. Isang CHED scholarship o financial assistance program lamang ang maaaring ma-avail ng isang aplikante.
  5. Dapat ay hindi pa siya nakatapos ng kahit na anong degree program.

Ang StuFAPs Committee ang siyang magpapasya sa qualification ng mga application.

APPLICATION PROCEDURES AND DOCUMENTARY REQUIREMENTS

Ang mga student applicants ay dapat mag submit ng accomplished CHED StuFAPs Application form sa CHED Regional Office kung saan sakop ang kanilang eskwelahan.

Ang mga aplikante na nais mag enroll sa mga State Universities at Colleges (SUCs) ay maaaring mag submit ng kanilang StuFAPs Form 1 sa mismong state university o college.

REQUIREMENTS

Academic Requirement (for application)

For incoming freshmen

  • Para sa fourth year high school applicants: third year grades and first three grading periods of fourth year;
  • Para sa high school graduate: fourth year report card (form 138).

For applicants with earned units in college

  • Certificate of grades sa lahat ng subjects ng mga na kumpletong semesters.

For other applicants

  • ALS – Alternative Learning System
  • PEPT – Philippine Educational Placement System

Other Requirements

  1. Kahit alin sa mga sumusunod:
    • Latest Income Tax Return (ITR) ng mga magulang o tagapag-alaga (guardian)
    • Certificate of Tax Exemption mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR)
    • Certificate of Indigency mula sa Barangay
    • Case Study mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), o kaya ay Affidavit of No Income.
    • Para sa mga anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at seafarers, ang pinaka huling kopya ng Contract o proof of income ay maaaring i-consider.
  2. Certificate of Good Moral Character mula sa pinanggalingang eskwelahan.

Requirements for the Processing of Financial Benefits of scholars, grantees, and Borrowers

Para sa mga bagong scholars, grantees, at borrowers:

  • Kopya ng notice of award
  • Kopya ng Certificate of Enrollment / Registration Form o kaya ang Official Receipt of Payment
  • StuFAPs Contract
  • Para sa scholars at grantees : CHED Scholarship / Grant Agreement (StuFAPs Form 9.2)
  • For borrowers : SNPLP Loan Agreement (StuFAPs Form 9.3)

Para sa on-going scholars, grantees, at borrowers:

  • Photocopy ng certificate of enrollment / registration form;
  • Certified true copy of grades during the previous semester issued by the registrar of his / her authorized school representative;
  • Photocopy of valid school ID, upon claim of financial benefits.

Ang lahat ng information na ito ay hango sa website ng Official Gazette.  Maaari kayong mag inquire sa eskwelahan kung saan nais mag aral ng inyong anak para sa mga karagdagang information tungkol sa CHED Scholarship.