Ang SSS Kasambahay Law: Paano Mag Register at Ano ang mga Benepisyo

SSS Kasambahay Law.jpg

Mula nang ma-implement ang Kasambahay Law o Batas Kasambahay, ang mga namamasukan bilang kasambahay ay required nang mag register bilang miyembro ng SSS at nang sa ganun ay ma-enjoy ang nararapat na SSS benefits tulad ng ibang empleyado. Nai-share natin dito noong 2013 ang mga detalye ng Kasambahay Law (maaaring basahin ang article dito ). Narito ang mga requirements na kailangang ihanda sa paga-apply ng SSS membership under the Kasambahay Law at ang mga benepisyo na maaaring matanggap ng isang Kasambahay Member.

Sino ang covered ng Kasambahay Law?

  • House maid
  • General housekeepers
  • Cook
  • Laundry person
  • Nanny o Yaya
  • Gardener
  • Working children or domestic workers 15 years and above but below 18 years of age; or
  • Any person who regularly performs domestic work in one household on an occupational basis (live-out arrangement).

Pre-employment Requirements

  • Medical or health certificate ng kasambahay mula sa local government health officer
  • Barangay at Police Clearance
  • NBI Clearance
  • Kahit alin sa mga sumusunod:

Ang gastos sa pag kuha ng mga documentary requirements ay sagot ng employer o ng Private Employment Agencies (PEA).

Ang employer ay kinakailangang may kumpletong set ng documentary requirements at kopya ng Employment Contract na pirmado ng kasambahay at ng employer. Ang contract ay dapat nakasulat sa lengguahe na naiintindihan ng employer at ng kasambahay. Kung ang kasambahay ay menor de edad (below 18 years old), ang kanyang mga magulang o guardians ang siyang dapat na pumirma sa Employment Contract.

Paano Ire-register ng Employer ang Kasambahay sa SSS?

  1. Fill out SSS Form R1 at R1A
  2. Kumuha din ng Form E1 at ipasulat sa kasambahay ang kanyang mga information dito.
  3. Mag submit ng kopya ng PSA-certified Birth Certificate o Baptismal Certificate ng kasambahay.

Kung may SSS number na ang inyong kasambahay, hindi na kailangan ang Form E1. Kailangan na lamang ma-inform ang SSS para ma-update ang kanyang employment status.

Paano magbayad ng SSS Kasambahay contributions?

  1. I-submit ang Form R5 kasama ng monthly contribution sa SSS teller.
  2. Maari din magbayad sa mga accredited payment centers, participating banks, sa post office, o sa Bancnet Online. Siguraduhing nasa oras ang pagbabayad ng contributions buwan-buwan.
  3. Tungkulin din ng employer na mag submit ng R3 report sa SSS, monthly at quarterly. Kasama sa submission ang mga kopya ng R5 o mga resibo mula sa SSS.   Maaari din itong gawin ng employer online via e-R3. (visit the SSS website for more information on e-R3 at www.sss.gov.ph).

Mandatory Benefits

  • Buwanang minimum wage
  • Daily rest period of 8 hours
  • Weekly rest period
  • 5 days annual Service Incentive Leave (SIL) with pay
  • 13th month pay
  • SSS, Philhealth, and Pag-IBIG benefits
    • Kung ang buwanang sweldo ng kasambahay ay mas mababa sa P5,000, ang employer ang siyang magbabayad ng contributions sa SSS, Philhealth, at Pag-IBIG.
    • Kung ang buwanang sweldo ng kasambahay ay P5,000 pataas, ang kasambahay ay magbabayad ng kanyang share sa premium contributions.

Para sa mga karagdagang information tungkol sa topic na ito, narito ang ilang Related Articles on the Kasambahay Law:

  1. Your Best Guid to the Kasambahay Law
  2. The Kasambahay Law

Sources:

Click to access Presentation_RA-10361-DOLE.pdf

SSS Kasambahay Law Requirements and Benefits

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

6 thoughts on “Ang SSS Kasambahay Law: Paano Mag Register at Ano ang mga Benepisyo

  1. itatanong ko lang sana, pano kung natigil ka sa pagtatrabaho bilang kasambahay. pwedi ba sya mag voluntary nalang para ma e continue nya ang kanyang sss contribution? thank you po sa response,

  2. Goodmorning po.tatanong ko lng po.may #na po ako ng sss.kaso po noong nagapply po ako vindor po ang nilagy ko ng nakikitaan ko.ngayon po tumigil na ako sa pagvivindor nagkasmbahay na ako.gusto po ng amo ko ngayon cla na ang maghuhulog paano po ang gagawin ko po.

  3. Gud a.m po isa po akng yaya at 4years na po ako dto sa amo ko at inumpisahan po ako kaltasan para sa sss ,philhealth at pagibig last year lng po2012 po ako nagumpisa dto 5 k po starting ng salary ko at hanggang ngaun un pa rn po salary ko special child po ang alaga ko at1 8 year old na po cya wala po increase salary ko,at nalaman ko dn po na hanggang ngaun eh hindi pla nakapasok sa ss un kinakaltas sa amin ano po ba ang dapat ko gawin?at tsnong ko lng po kng sakali po ba umalis ako dto eh meron pb ako makukuha sa amo ko?

    1. Hi Lilibeth,

      1. Yung sa increase ng salary, depende kasi ito sa napag usapan ninyo ng amo mo. Kung may napag kasunduan kayong yearly increase sa sweldo mo, pwede kang mag tanong sa kanya kung bakit wala kang natatanggap na dagdag sa sahod mo.

      Tandaan na walang naka sulat na required ang mga amo na itaas ang sweldo ng mga kasambahay taon-taon.

      Entitled ka sa 13th month pay. Dapat nakakatanggap ka nito taon-taon.

      2. Kung 5,000 ang sweldo mo, dapat ay ikaw na ang nagbabayad ng SSS mo. Pero kung hindi mo natatanggap ng buo ang 5,000 pesos dahil kinakaltas ng amo mo ang iyong SSS, Philhealth, at Pagibig, dapat ay updated ang mga contributions mo dito. Papano mo nalaman na hindi naghuhulog ng contribution ang amo mo?

      Kung mapapatunayan mo na hindi nga binabayaran ng amo mo ang iyong mga contributions, pwede mo siyang kausapin para malaman mo kung bakit wala kang contributions.

      3. Kung ang tinutukoy mo sa “makukuha” pag umalis ka ay “separation pay”, wala ring ganitong nakasaad sa Kasambahay Law. Maliban kung ikaw ay tatanggalin sa trabaho sa hindi makatarungang paraan, entitled ka sa 15 araw na sweldo.

      Pwede mong basahin ang Domestic Workers’ Act dito: http://www.dole.gov.ph/files/IRR%20of%20domestic%20workers%20act.pdf

      MC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: