Free Medicines for Hypertensive and Diabetic Patients

Libreng Gamot.jpg

Happy New Year!

I hope you enjoyed the long vacation as much as I did.  It felt good to have spent quality time with families and friends we have not seen in a long time.  It was also nice to be able to take time off from our desks, not set our alarm clocks on several weeknights, and sleep till noon!  And the best part of it all?  The food!

Mula sa walang katapusang Christmas parties at reunions na pinuntahan mo, hanggang sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon, siguradong enjoy ang lahat sa masasarap na pagkain tulad ng paella, lechon, spaghetti.  Kasama na diyan ang mga panalong desserts tulad ng cakes, kakanin, ice cream, fruit salad, at kung ano ano pa.  Minsan isang taon lang naman, ‘di ba?  Wala munang diet at kahit na ang mga kapamilya at kaibigan natin na medyo mataas ang cholesterol and blood sugar levels, nakikisama sa masarap na salo-salo.  Minsan isang taon lang naman kasi.

May magandang balita naman kasi ang Department of Health para sa mga hypertensive and diabetic patients ngayon bagong taon.  Simula January 2016, magpapamigay na ng libreng gamot para sa hypertension at diabetes ang DOH through regional rural health units (RHU)!

Yes, you read it right!  Free medicines!

Paano makaka-avail nito?  Narito ang mga kailangang gawin:

  1. Magpa konsulta sa pinaka malapit na health center o primary health care facility sa inyong lugar. Dito made-determine ang health condition ng taong nais mag avail ng mga libreng gamot.
  2. Ang diagnosis ay magmumula sa barangay health workers (BHW) sa mga RHU. Sila ay may mga aparato tulad ng  sphygmomanometer (Blood Pressure Apparatus) at Glucometer na siyang gagamitn sa check up ng pasyente.
  3. Kapag official na ang diagnosis (kumpirmadong hypertensive o diabetic ang pasyente) matapos ang mga test, sila ay maaari nang mag enroll sa DOH Hypertension and Diabetes Club ng RHU kung saan sila nakatira.

Bilang members ng club, sila ay may access sa mga sumusunod na libreng gamot:

  • Losartan
  • Amlodipine
  • Metoprolol
  • Metformin

Ang mga indigent patients na nangangailangan ng insulin ay mabibigyan din ng libreng insulin.

Sila din ay ibibilang sa mga health activities ng kanilang RHUs para ma-encourage sila sa active and healthy lifestyle.

Initially, bukas ang programang ito sa mga kababayan nating kapos-palad o iyong mga walang kakayanang bumili ng regular na gamot pang maintenance.  Ngunit, maaari pa din magpa konsulta ang mga hypertensive at diabetic patients na nagpapa check up sa mga private hospitals and medical centers; lalo na ang mga maraming out-of-pocket expenses sa kanilang maintenance medicines.

Punta na sa inyong mga RHUs at mag tanong tungkol sa benepisyong ito.

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

24 thoughts on “Free Medicines for Hypertensive and Diabetic Patients

  1. ang mama ko is 83 yrs old na nahihirapan maglakad. minsan na syang sumubok kumuha ng libreng gamot kso pahirapan ang damimg proceso at kailangan madaling araw sya pumila.ang siste galing sa kabilang building may papipirmahan pa sa kabilang building pababa pa. pag akyat malapit syang mahulog kasi nahilo na.WALA BANG PARAAN NA MAKAKUHA NG GAMOT NA HINDI PAHIRAPAN?

    1. Hi Leah,

      Dapat may kasama ang senior citizen na siyang maglalakad ng pag kuha ng gamot.

      Kung sa tingin ninyo ay hindi maayos ang pag papatakbo ng barangay sa pag release ng mga libreng gamot, maaari kayong mag reklamo sa chairman o kaya tumawag sa hotline na 8888.

      MC

  2. Pano po Ako makakahingi at Ano po mga requirements? Me hyphertension po Ako at cholesterol. Thanks.

  3. Ako po ay 52 years old. May hypertension at
    Type 2 diabetic. Insulin dependent may oral medicine din po na iniinom. Kapos na po ako sa pantustos ng mga gamot ko. Maari po ba ako mag-available ng libreng gamot mula sa programang ito ng gobyerno natin?
    Maraming salamat po.

    1. Hello Eliseo!

      Narito ang kailangan mong gawin para maka kuha ng libreng gamot sa hypertension at diabetes:

      1. Magpa konsulta sa pinaka malapit na health center o primary health care facility sa inyong lugar. Dito made-determine ang health condition ng taong nais mag avail ng mga libreng gamot.

      2. Ang diagnosis ay magmumula sa barangay health workers (BHW) sa mga RHU. Sila ay may mga aparato tulad ng sphygmomanometer (Blood Pressure Apparatus) at Glucometer na siyang gagamitn sa check up ng pasyente.

      3. Kapag official na ang diagnosis (kumpirmadong hypertensive o diabetic ang pasyente) matapos ang mga test, sila ay maaari nang mag enroll sa DOH Hypertension and Diabetes Club ng RHU kung saan sila nakatira.

      Salamat po!

      MC

  4. Ung Lola k since 2008 Na diagnosed ng hypertension since then mgkarun n say maintenance ng amlodipine.2013 n diagnosed ng mtaas blood sugar at colesterol ngayon ang maintenance nya 3 n.amlodipine s high blood.metroformin s sugar simbastatin s colesterol.she 67 yrs old now spending on her everyday maintenance always asking for financial to her children.how can she av
    ail the support free medicine to DOH.my mother is always dependant on her maintenance like also to my grandma.ano po b dpat gawin pra m avail po

  5. good morning mastercitizen. mother kopo my diabetic&highblood. sna matulungan ninyo po ng libreng gamot ang nanay kopo. nakatira po kmi s B10, L10 SouthVille-8A San-Isidro, Rod. Rizal. nanny lng po trabaho kopo&mababa lng sahod kopo. hindi kopo kya maintainance gamot ni nanay. ngaun po wla po ako job. ang celno. kopo 09329055007. thank you po.. anna

      1. pumunta naman ako sa center pero klangan ko pa magpablood chem.aabot 2k gastusin para sa lab na yan..wala na nga pambili maintenance ung pa lab.pa kaya…8yrs nko nag memaintenance thank you po..

  6. Ako ay isang OFW ….about to retire in 2 years time…Could I be a member of the DOH Hypertension and Diabetic Club? I am from Palo, Leyte

  7. Tanong ko lang po mama ko kasi nasa probinsya d cla mabigya gamot doon kasi wlang pundo ang center pwedi ba sa city nalang cya magpunta?

  8. Ano po ba ang binipisyo naming mga ofw sa sss..
    Paano po makakuha ng nso true ang enternet…

    1. Benefits sa SSS magkakaroon ka ng pension kapag na meet yung tamang dami ng contribution at nasa pension age ka na. Maternity benefits at iba pang benefits na binibigay ng SSS.

  9. Available po ba ito sa lahat ng public hospital?..nasa cagayan de oro po kami…yung lola ko may diabetes at nagka mild stroke,..regular naman sya nagpapa check up sa public hospital namin dito.. pero naririnig ko sya lage na yung kakaunting pension niya, halos kukulangin dahil sa gamot…..kaya napatanong ako kung meron po ba libre gamot din dito?…malaking tulong po kase yun…..minsan po hinahati na lang ng lola ko yung mga gamot niya para daw makainom ng dalawang beses sa isang araw kasi yun po ang nasa resita….as in hinahati niya talaga ng knife.

  10. Dto samin yung mother ko may hypertension hiningan sya ng copy ng reseta na iniinom nyang gamot losartan matagal na pero until now wala pang binibigay na gamot sa mama ko. E kailangan nya ng gamot lalo na d sya makabili. Yung tipong sa halip pambili nya ng gamot yung pera nya pinambibili nalang ng pagkain. Kaya mas maganda mabigyan sya ng free med para atleast di sya manghihinayang para makainum din sya ng gsmot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: