After last Tuesday’s post on the characterization of a Foundling, I received numerous inquiries on adopting a foundling.  There were a handful who asked if it would be possible for the persons who found the foundling to simply facilitate the registration of the baby/child as if it were their own – meaning, have an NSO Birth Certificate issued with the adoptive parents signing as the biological parents of the foundling.

Such is called Birth Simulation.

According to RA 8552, Adoption Act of 1998, Birth Simulation is the tampering of the civil registry making it appear in the birth records that a certain child was born to a person who is not his/her biological mother, causing such child to lose his/her true identity and status.

Birth Simulation is illegal; any person found guilty of causing the fictitious registration of the child’s birth shall be punished by imprisonment and a fine of no more than Php 50,000.  This includes doctors, nurses, and hospital personnel who cooperate with the falsification of the documents.  Their punishment may include permanent disqualification from practicing their profession.

Ang pag gamit ng Birth Simulation upang makaiwas sa mga gastos at proseso ng pag-ampon ng isang foundling ay maaaring mag resulta sa mas maraming problema in the future.

  1. Kung hindi legal ang adoption ng isang foundling, maaari siyang bawiin ng kanyang mga tunay na magulang. Sakaling mayroon silang hawak na mga legal documents na magpapatunay na anak nga nila ang batang inampon through Birth Simulation, magkaka problema ang lahat ng parties involved, lalo na ang nag ampon sa foundling.
  2. Malaki din ang posibilidad na magka problema ang batang hindi legally adopted sa kanyang mga documents balang araw, lalo na kung nais niyang pumunta abroad at kakailanganin niyang mag submit ng mga legal documents para ma-isyuhan siya ng passport at iba pang travel documents.
  3. Kapag legal ang adoption ng isang foundling, legal din ang lahat ng kanyang mga benepisyo mula sa kanyang mga adoptive parents.

Sa oras na mapatunayan na ang pagkaka-ampon sa isang foundling ay through Birth Simulation lamang, babawiin ng DSWD ang bata mula sa adoptive parent/s nito.  Sasailalim ang foundling sa legal adoption process at wala nang kasiguruhan na ang mga magulang na nag-simulated birth ang siya pa ring magiging adoptive parents ng bata.  Dahil sa kasong Birth Simulation, maaaring hindi na sa kanila mai-award ang adoption para sa foundling.

Ang advice ng DSWD ay isailalim sa legal na adoption process ang foundling sakaling nais talaga siyang ampunin ng naka pulot sa kanya o nang kahit na sinong nais mag ampon sa kanya.

Sa ilalim ng Section 7, Article III ng Republic Act 8552, ang kahit na sinong Filipino citizen na nasa edad 18 years old pataas ay maaaring mag ampon ng bata.

  1. Siya ay may full civil capacity and legal rights.
  2. Siya ay of good moral character.
  3. Hindi siya nakasuhan at napatunayang guilty ng kahit na anong krimen involving moral issues.
  4. Emotionally and psychologically capable of caring for children.
  5. Siya ay dapat na mas matanda ng at least 16 years sa batang nais niyang ampunin at kaya niya itong suportahan at alagaan.

Maaaring i-waive ang huling requirement sakaling ang umaampon sa bata ay ang kanyang biological parent o asawa ng biological parent ng bata.

Hope these information helped.  Until my next post!