Who Is A Foundling?

Foundling1

Here is one word we don’t get to read every day: Foundling.

Sino-sino ang itinuturing na Foundling?  May NSO Birth Certificate ba ang foundling?  Sino ang dapat na magpa-rehistro ng isang foundling sa LCR?

Many are the questions surrounding the characterization of a Foundling.  My curiosity led me to the following facts that I would now like to share with you.

Ano ang ibig sabihin ng “Foundling”?

Ang Foundling ay ang bata o sanggol na inabandona o iniwan ng mga magulang, walang pagkakakilanlan at wala ring paraan para matukoy kung sino ang kanyang mga magulang o kamag-anak.

Foundling din ang tawag sa mga bata na ipinagkakatiwala sa mga bahay ampunan at iba pang charitable institutions; wala silang record of birth at hindi alam kung sino ang kanilang mga magulang at mga kamag-anak.

Papano ang Civil Registration process para sa mga Foundling?

Kailangang ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang pagkakapulot sa batang Foundling.  Maaaring mag report sa barangay captain ng lugar kung saan nakita ang bata o sa police station.

Kapag nai-report na, maaari nang dalhin ng nakapulot ang bata sa DSWD o sa kahit na anong lisensyadong orphanage o charitable institution.

Kailangang ipa-rehistro ang bata sa Office of the Civil Registrar ng city/municipality kung saan siya natagpuan sa loob ng 30 days mula nang siya ay makita/madampot.  Ang DSWD o charitable institution kung saan siya ipinagkatiwala ang siyang dapat na mag-asikaso ng registration.  Kung nabigyan naman ng karapatan ang taong nakakita sa bata na ampunin ito, siya ang dapat na magpa rehistro sa bata at magbigay ng pangalan dito.

Ano ang mga Requirements para sa Civil Registration ng isang Foundling?

  1. Duly accomplished copy of a Certificate of Foundling
  2. Affidavit of the finder detailing the facts surrounding the finding of the child including the report made to the barangay captain or police station.
  3. Certificate from the barangay captain or police station where the foundling was found.  The certificate must state that no person has come forward to report a missing child that have similar features as the foundling nor claimed the child as his/her child or relative, as of the date of the certification.

Kapag handa na ang lahat ng mga required documents, maaari na itong i-submit sa Civil Registrar for registration.  Maghanda ng tatlong kopya ng Certificate of Foundling.

Kapag registered na ang bata, bibigyan ng Civil Registrar ng kopya ng Certificate of Foundling ang Office of the Civil Registrar-General at ang nagpa rehistro sa bata.  Tandaan lamang na hindi sakop ng registration sa Civil Registrar’s office ang citizenship ng isang foundling.  Ang role lang ng NSO (ngayon ay PSA na) ay itala ang mga records/detalye sa katauhan ng isang foundling.

I will share the rest of my research on this topic in upcoming posts.  Meantime, share this article to others who are as curious as we are.

Thanks for visiting!

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

5 thoughts on “Who Is A Foundling?

  1. Hello I badly need po ng steps o advice papaano po mag submit ng supplemental report sa Certificate of Foundling. May NSO copy na po sya, kaso Blank po yung nakalagay sa “sex/gender” nakalimutan po ata ng registrar na e-type. Need your help po para makakuha na ng passport. Thank you.

    1. Hi Kayzee,

      Mag request po kayo ng kopya ng birth certificate niya from the LCR kung saan niyo siya pina reigster. Double check if ang copy po nila ay wala din nakasulat na gender. Kung meron at tama ang nakasulat, ipa endorse nyo po ito sa PSA para makakuha kayo ng corrected copy.

      Kung wala talagang nakalagay, kailangan po niya mag undergo ng supplemental and the LCR would be able to tell you how to go about that and kung ang mga requirements.

      MC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: