11

And finally, the last installment in our Solo Parent series: the list of benefits that await Solo Parent ID holders.

There are two types of benefits available to qualified Solo Parents: Employment-related and benefits to cover a child’s basic needs.  Read on!

Employment-Related Benefits:

1 .Flexible work schedule.

Hangga’t hindi makaka-apekto sa productivity ng empleyado at ng kumpanya, ang mga employers ay required na bigyan ng flexible working hours ang mga solo parents.  Ang ibig sabihin nito ay ang isang solo parent employee ay maaaring magbago ng work schedule basta’t hindi nito maaapektuhan ang required number of work hours.  May mga employers na maaaring ma-exempt sa requirement na ito, depende kung valid ang rason ng kanilang request for exemption.  DOLE ang magpapasya ng exemption ng isang employer.

2. No work discrimination.

Ang mga employers ay hindi maaaring mag discriminate laban sa mga solo parent employees ayon sa terms and conditions of employment base sa kanyang status bilang isang solo parent.

3. Parental leave.

Ang ibig sabihin ng “parental leave” ay ang leave benefits na ibinibigay sa solo parents upang magampanan nya ang kanyang “parental responsibilities” kung saan kinakailangan ang kanyang physical presence (tulad ng graduation, PTA meetings, naka confine ang anak sa ospital).  Dagdag pa dito ang mga leave privileges na hindi sosobra sa 7 working days taon-taon para sa solo parent employees na may isang taon o higit pa sa kumpanya.

Other Benefits Available to Solo Parents.

Ang mga sumusunod na benepsiyo ay maaaring matanggap ng isang solo parent DEPENDE sa kanilang income threshold o poverty threshold na itinalaga ng National Economic Development Authority (NEDA) at sa assessment ng DSWD worker sa lugar ng solo parent.

Kung qualified, ang solo parent ay maaaring tumanggap ng mga sumusunod na benefits:

1 .Educational Benefits.

Kasama na dito ang scholarship programs para sa solo parent at kanyang mga anak para sa basic, tertiary, and technical/skills education, at non-formal education programs.

2. Housing Benefits.

Kasama ito sa alokasyon ng gobyerno para sa low-cost housing projects at may maluwag na payment terms.

3. Medical Assistance.

Sakop nito ang comprehensive health care programs para sa solo parents at kanilang mga anak mula sa DOH.  Ito ay maaaring ma-avail sa mga piling hospitals at medical centers at Local Government Units (LGUs) sa kanilang mga provincial/district/city/municipal hospitals and Rural Health Units (RHU).

Kung ikaw ay solo parent o may mga kakilalang solo parents na maaaring mag benefit mula sa post na ito, please feel free to share this article.  Tulad ng nabanggit sa mga naunang article on Solo Parents Benefits you must be ready with basic NSO certificates tulad ng Birth Certificate mo at ng iyong mga anak.  The easiest way to prepare this is by ordering online at www.nsohelpline.com or tumawag sa hotline na (02) 737-1111; ipa-deliver mo na lang para di na dumagdag sa mga kailangan mong lakarin.

This completes our 3-part blog series on Solo Parent Benefits.  Sana ay nakatulong sa inyo ang mga information na ito.  Puwede kayong mag sadya sa pinaka malapit na DSWD office para sa mga detalye ng Solo Parent Benefits at para malaman ninyo kung kayo ay qualified.

Until our next article. Thanks for dropping by!