What We Need To Know About Death Certificates Part 2

8 (1)

Bonjour!  Mabuhay!

In my last post, I shared the process of reporting and filing a Certificate of Death.  Today, this post will focus on the exceptional cases for the place of registration of death.  Ito yung mga rules in determining the correct Place of Death, lalo na kung ang cause of death ay vehicular accident at in transit ang taong namatay.  Yes, fellow citizens, this is a vital detail in the Certificate of Death.

Before we proceed though, you will notice that I mentioned the two types of certificates of death in my previous post:

  • Municipal Form 103 – Certificate of Death
  • Municipal Form 103A – Certificate of Death (Fetus)

Dalawang klase ang certificates of death dahil iba ang ginagamit para sa mga bagong silang na sanggol na hindi nagtagal ang buhay.  Ayon sa Philippine Statistics Authority, may dalawang paraan para ma-classify ang death ng fetus:

A fetus with an intra-uterine life of seven (7) months or more and born alive at the time it was completely delivered from the maternal womb but died later shall be considered as dead and shall be registered in the Register of Deaths.

However, a fetus with an intra-uterine life of less than seven (7) months is not deemed born if it dies within twenty-four (24) hours after its complete delivery from the mother’s womb.  For statistical purposes, a Certificate of Death shall be prepared in duplicate and a copy of each shall be forwarded to the Office of the Civil Registrar and the Office of the Civil Registrar-General.

On both cases, Municipal Form 103A ang dapat na gamitin sa pag register ng kamatayan ng sanggol.  Magka-ibang magka iba ang mga detalye na hinihingi ng Form 103 at Form 103A kaya’t siguruhing tama ang form na inyong fini-fill-out.

I hope that helps explain the difference between the two Certificate of Death types.

Now, on to the second and final part of our All Saints’ Day feature: Death Certificates.

 

What are the exceptional cases for the place of registration of death?

  1. Kung ang tao ay namatay sa isang sasakyan tulad ng airplane, ship, o bus habang ito ay in transit within the jurisdiction of the Philippines, ngunit hindi na ma-determine kung saan ang exact place of death, ang Certificate of Death ay dapat ipa-register sa Local Civil Registry (LCR) Office ng city o municipality kung saan ang libing or cremation ng namatay.
  2. Kung ang isang Filipino citizen ay namatay sa barko o eroplano na papuntang Pilipinas at ang exact place of death ay hindi na ma-determine, ang kanyang kamatayan ay dapat ma-register sa LCR Office ng city o municipality kung saan nakatira ang namatay, kung sya ay residente ng Pilipinas.

Kung ang namatay naman ay isang foreigner (not a Filipino citizen) na residente ng Pilipinas, ang kanyang Death Certificate ay dapat ipa-register sa LCR ng lugar kung saan sya nakatira.

Kung ang namatay ay foreigner at hindi residente ng Pilipinas (tourists staying in hotels and resorts, business people staying in hotels), ang kaninlang kamatayan ay dapat ipa-register sa LCR Office ng Manila.

  1. Kung ang cause of death ay vehicular accident, airplane crash, or shipwreck at ito ay nangyari within the jurisdiction of the Philippines at ang lugar kung sasan natagpuan ang biktima ay hindi na ma-determine, ang Health Officer ng lugar kung saan ililibing o cremation ang syang magi-issue ng Certificate of Death. Ito ay dapat mapa-register sa LCR ng lugar ding iyon.
  2. Ang taong namatay sa barko na nasa laot ay dapat ma-rehistro sa LCR Office kung saan sya ililibing.  Kailangan mag present ng Certificate of Death issued by the Health Officer ng lugar kung saan sya ililibing o ng ship doctor, kung meron man.  Kung wala, ang ship captain ang dapat na mag issue ng Certificate of Death at sya na din ang magbibigay ng order for registration of the Death Certificate.
  3. Kung ang biktima ay nalunod at hindi na narecover ang kanyang katawan, ang Certificate of Death ay dapat ma-rehistro sa LCR office sa lugar kung saan sya nakatira bago ang aksidente.
  4. Kung ang nangyari naman ay Mass Death, o isang kaganapan kung saan maraming tao ang namatay dahil sa natural calamities (tulad ng Ondoy), aksidente (tulad ng nangyari sa Ultra nang magkaroon ng stampede), epidemic, etc., ang Health Officer kung saan nangyari ang mass death ang syang magi-issue ng Certificate of Death.  Siya na din ang magpapa rehistro nito sa LCR Office kung saan nangyari ang mass death.

May mga pagkakataon sa mass death kung saan hindi na ma-identify ang mga biktima, lalo na kung na-expose ang mga ito sa tubig at moisture, o matagal bago natagpuan ang mga katawan.  Sa mga ganitong cases, ang Health Officer ay kinakailangang mag submit ng Affidavit of Two Disinterested Persons.  Pagkatapos ay kailangan nyang mag issue ng Certificate of Death at ipa rehistro ito sa LCR.  Ang Death Certificate ay dapat lagyan ng annotation na “Body Not Identified”.

What Information shall the Affidavit Contain for Cases of Mass Death?

Ang mga sumusunod na information ang kailangang nakalagay sa Affidavit:

  • sex of the deceased o kasarian;
  • estimated age;
  • distinguishing features o mga pagkaka-kilanlang marks ng biktima (tattoos, birth marks, unique physical features);
  • condition of the body when found;
  • date when the body was found;
  • place where the body was found;
  • circumstances surrounding the death o kung ano ang mga pangyayari na maaaring naging cause of death.

Could be pretty dark, huh?  Well, acquiring an NSO Death Certificate when you need one need not be a morbid experience.  When I needed a copy of my grandfather’s Death Certificate, all I did was place my order online and in less than the promised 3 business days, natanggap na namin yung copy.  Ang laking tulong dahil naghahabol kami ng deadlines ng bank for our claims during that time.

All we did was logon to www.nsohelpline.com.  You can also call their hotline at (02) 737-1111; same ease and convenience.

As always, I would recommend that you share these information to your friends and loved ones.  It may seem morbid at first but hey, it’s a reality that we all must face at one point.  We might as well come prepared, diba?

Sharing is caring, folks!

Advertisement

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: