1

Bonjour!  Mabuhay!

Para wala nang turuan at sisihan later on, alamin na natin kung kanino ba talagang responsibility ang pag-register sa mga bagong silang na bata.

  1. Kung ang bata ay isinilang sa hospital, clinic, o iba pang similar institutions, ang administrator ng hospital o clinic na ito ang syang dapat mag facilitate ng registration ng bata.  Ang doctor na nag attend sa panganganak ang sya namang magco-confirm ng mga “facts of birth” tulad ng:
    1. Sex o kasarian ng sanggol
    2. Type of birth (single, twins, triplets)
    3. Weight at birth
    4. Certification of birth
  2. Kung ang bata ay isinilang sa ibang lugar (na hindi hospital o clinic), ang doctor, nurse, midwife, “hilot” o kung sino pa man ang nag attend sa panganganak ng nanay ang syang dapat na mag certify ng “facts of birth” na nabanggit sa number 1.   Sya na rin ang dapat na mag facilitate ng civil registration ng bata.
  3. Sakaling hindi nagawa ng hospital administrator o ng nag attend sa panganganak ng nanay ang civil registration ng bata, ang mga magulang ang syang dapat na mag facilitate ng registration.
  4. Kung ang nanay ay nanganak sa sasakyan tulad ng barko, eroplano, bus, o kahit private vehicle na “in transit”, ang registration ng bata ay magiging joint responsibility ng driver ng sasakyan, kapitan ng barko, piloto at ng mga magulang ng bata.

May mga exceptional cases ang place of registration kung ang bata ay ipinanganak sa sasakyan na umaandar o “in transit”.  Read on:

i. Kung ang sasakyan ay in transit within Philippine territory at hindi masiguro ang lugar kung saan actual na naipanganak ang bata, maaari syang ipa-rehistro sa lugar kung saan papunta ang kanyang ina or sa lugar kung saan nakatira ang kanyang ina.

ii. Kung ang bata ay ipinanganak sa barko o eroplano na papunta sa Pilipinas at ang parehong magulang o isa sa mga magulang ay Filipino citizen/s, ang bata ay maaaring ipa-rehistro sa city o municipality kung saan nakatira ang nanay ng bata.

iii. Kung ang bata ay ipinanganak sa barko o eroplano na papunta sa Pilipinas at ang kanyang mga magulang ay hindi Filipino citizens at hindi residente ng Pilipinas, may option sila na ipa rehistro ang bata sa Local Civil Register ng Manila, kung gusto nila.

iv. Sa mga pagkakataon naman na ang city o municipality kung saan ipapa rehistro ang bata ay divided or integrated, ang registration of birth ay maaaring gawin sa mother city o municipality na may jurisdiction sa lugar kung saan ipinanganak ang bata.

It is always an exciting phase when we welcome a new member of the family.  Kaya prone din tayo to overlook some important details, especially with the processing of documents.  Problem is, minor errors or oversights could sometimes lead to delays and expensive court proceedings.  That’s why I’m here to give some help.

When all the entries in your child’s birth certificate are complete and accurate, this may now be submitted to the LCR office for proper registration.  You can also request for a copy of an NSO Birth Certificate from the convenience of your home or office.  Just logon to www.nsohelpline.com or call (02) 737-1111.  Kung sa Metro Manila ang birth place ng baby, the NSO Birth Certificate may already be available in two to three months; while those born outside Metro Manila may be available after six months.

Share this to other expectant parents, expectant Lolos and Lolas, and to anyone you think may need these information in the future.

Sharing is caring!