Court order (1)

Bonjour!  Mabuhay!

As promised last week, I am sharing my research on the application of corrections or changes in NSO birth certificates that need to undergo judicial proceedings or court orders.  I also discovered that there may not be as much help we can draw from the internet; that is why I am happy to share what I have on-hand.  Lahat naman ito ay galing din sa Philippine Statistics Authority website (www.psa.gov.ph), collected and simplified para sa ating lahat.  Feel free to share to others ha?  Remember: Sharing is caring J

In our last post, we covered the correction cases that can be done by executing an affidavit with the Local Civil Registry (LCR).  These cases are limited to clerical or typographical errors only ayon sa R.A 10172.

This time, we are posting the correction cases that our LCR cannot accommodate.  Ibig sabihin, kailangan na ng involvement ng korte.  This is not the complete list (dahil napakaraming NSO birth certificate correction cases ang maaaring masakop ng court orders); these are the most common concerns na nararanasan ng mga Filipino.

a. Citizenship – May mga instances na mali ang declared citizenship ng magulang ng bata; halimbawa:

  • Ang biological father ay American at ang nanay ay Filipino; hindi sila kasal.  Ang naka declare na citizenship ng Nanay sa birth certificate ng bata ay American.
  • Ang biological father ay American at ang Nanay ay Filipino; hindi sila kasal. Ang naka declare na citizenship ng Tatay ay Filipino.

b. Year of Birth – Hindi tulad ng correction sa Month and Date of birth na maaaring ipaayos sa LCR, ang correction o change sa Year of Birth ay kailangang dumaan sa korte.

c. Civil Status of Parents – May mga pagkakataon na ang declared civil status ng mga magulang ng bata sa kanyang kapanganakan ay hindi tama; halimbawa:

  • “Married” ang civil status ng mga magulang kahit na hindi sila kasal at the time of the child’s birth.

d. Change in Last Name or Surname – Maraming maaaring dahilan ang pag-papalit ng apelyido or surname:

  • Ang bata ay legitimate at ginagamit ang apelyido ng kanyang ama.  Years later, nagpa-annul ang kanyang mga magulang at naghiwalay na.  Gusto ng kanyang nanay (o ng bata mismo kung sya ay of legal age na) na gamitin na lamang ang apelyido ng kanyang nanay.
  • Ang bata ay illegitimate ngunit sya ay acknowledged ng kanyang biological father at ginagamit nya ang apelyido ng kanyang ama.  Hindi nakasal ang kanyang mga magulang, at years later, nag hiwalay na rin ang mga ito.  Gusto na ngayon ng nanay ng bata na ipagamit na lamang ang kanyang apelyido sa anak at tanggalin na ang apelyido ng kanyang biological father.

e. Middle name of child is different from the Mother’s last name.

  • Hindi ito considered na clerical error and therefore, kailangang mag file ng petition sa court para ma-correct ang middle name ng bata at ang last name ng mother.

Marami pang ibang situations na mangangailangan ng change in surname ng isang Filipino.  Remember, ang mga cases na ito ay hindi simpleng typographical error lamang; therefore, ang mga changes sa inyong birth certificate ay hindi maaaring i-handle lang sa LCR.

Ang court proceedings ay maaaring tumagal ng mula anim na buwan hanggang isang taon bago mabigyan ng resolution; minsan mas matagal pa.  That is why, checking and double-checking birth, marriage, and death certificate entries before these are finalized by the government is really very important. Huwag mahiyang manghingi ng mas mahabang oras upang masiguro na tama lahat ang entries sa inyong document.  Dahil mas mahaba ang proseso ng correction and changes later on sakaling makitang may erroneous entries sa ating mga NSO certified documents.

For more information, you may visit the Philippine Statistics Authority website at www.psa.gov.ph